Tres

6 0 0
                                    

Bisexual

Sabado ngayon at naisip namin nila Kaly na mag-mall at tumambay para gawin ang speech na pinapagawa sa amin sa oral communication.

"Daan tayo watsons," anyaya ko sakanila dahil may bibilhin akong face mask. May ipon naman ako kaya deserve ko pumasok doon.

"Nadaanan na natin 'yon kanina ah!" si Nikki habang naglalaro sa phone.

"Bobo! Bibili kasi ako!"

"Bakit hindi ka pa pumasok kanina nung nadaanan natin? Tanga talaga." pambabara ni Kaly.

"Palibhasa wala lang kayong pambili, mga hampas lupa!"

Nang makapasok kami sa watsons ay nakita ko agad ang bibilhin ko kaya naman agad ko itong kinuha at binayaran.

Nagulat nalang ako nang sumunod pala ang dalawang kutong lupa sa akin dito sa loob.

"Uy hala kailangan ko ng bagong lip balm!"

"Ako rin! Pero mas bet ko bumili ng moisturizer, e!"

"Gusto ko na bumili ng oil control film kasi paubos na yung akin tsaka na 'tong lip balm. Pero feel ko mas kailangan ko talaga lip balm, e."

"Need ko na ng toner feel ko rin."

Feel ko rin makaka-sapak na 'ko.

"Tingin tayo ng palettes!"

Nakailang buntong hininga ako habang sinusundan ang dalawang gago na si Kaly at Nikki na hindi alam kung ano ba talagang bibilhin nila.

Ang mga hayop na 'to!

"Oh! Nakabili ka na, Ali?" inosenteng tanong ni Nikki nang mapansin niya ako sa likod nila.

"Oo, kanina pa."

"Ay weh?! Hoy Kaly tara na!" sigaw ni gaga sa kaibigan naming pinapatulan ang ibang free samples ng mga palettes.

Agad kaming lumabas at napansin kong ang weird ng tingin ng lady guard sa dalawa. Napansin niya rin ata kung paanong nag-window shopping itong mga hampas lupa na 'to.

Nang bumaling sa akin ang tingin ay inirapan ko ito at hinila na ang dalawa. Feeling may-ari amp!

"Saan tayo tatambay?" tanong ko.

"Gong cha nalang kasi may free wifi doon." si Kaly.

Sakto dahil nag-ccrave rin ako sa wintermelon!

Pagpasok namin sa milktea shop ay agad kaming um-order at pumwesto. Hinanda na rin namin ang materials na gagamitin. Kinuha ko rin ang laptop sa bag at binuksan ito.

"Checking palang naman ng topic at word choice sa monday diba?" tanong ko kay Kaly.

"Oo, wednesday pa talaga yung mismong performance."

"Extemporaneous speech sa'yo diba?" tanong ni Kaly. Tumango lang ako at binaling ang atensyon sa wintermelon na inorder ko.

Ang refreshing!

Extemporaneous speech ang gagawin ko para sa performance namin. Kailangan ko ng outline or notes na magpapa-alala sa akin ng mga ideas ko. Hindi ako magaling sa memorization at feel ko rin na mas convincing ang performance kung hindi ito memorized speech.

Oo, sabihin na nating mas convenient ang memorized because you can prevent yourself from making a mistake pero mas maganda rin na you have the freedom to choose your own words while speaking. Hindi limitado at makaka-isip pa ng bagong ideas.

Pero tinatamad lang talaga ako mag-saulo kaya nevermind.

"Impromptu sana gagawin ko kaso kahit sobrang maalam ako sa topic na 'yon, talagang 'di ko maiwasan na mawala kaya extemporaneous na lang din." si Nikki.

Every Soul Hides Wounds Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon