Kathang isip lamang po ito 😊
Sa paghahanap ni Panda ng pag-ibig saan siya dadalhin ng tadhana?
1. Kahit hindi gwapo basta marespeto.
2. Masipag hindi katulad ni Juan tamad.
3. Maginoo pero medyo bastos.
4. Marunong magluto.
5. Music lover.Limang signs. Makakahanap nga ba siya?
Panda POV
Bakasyon na saan kaya pwede gumala? Bawala nga pala. May lockdown dahil may COVID19. Abril na so malamang summer na. Kailangan makata-
pod ako ng story kahit mga lima ok na. Cinnderella, Ventre Canard, KIB, Maxinejiji at syem-
story ni Kwinn J.So may update na pala si Kwinn J. Sana naman hindi na siya ibash. Yang mga basher na yan akala nila ikakayaman nila ang pangbabash.
After 30 minutes.
Lumabas na ako ng kwarto. As usual tutulong sa gawaing bahay. Magsasaing expert ako dyan 😊. Magwawalis at magdidilig ng mga halaman.
May aso nga pala kami at may pusa din. Yung pusa namin Muning ang pangalan, yung aso Gabby naman. Ah nakalimutan ko si Bobak isa siyang kabayo at may dalawang ibon din kami. Walang pangalan pero hahanga ka, kaya nilang magsalita. #animallover
Pagkatapos kong magsaing nagwalis na ako. Habang nagwawalis, yung pusa namin kinakalabit yung walis. Akala nakikipaglaro ako haha. Pinaalis ko na bumabalik yung mga dumi eh. Ayun tumakbo na.
Ayan luto na ang sinaing. Nag-
pitas naman si Itay ng talong sa garden. Pinirito ko na. Haaay salamat makakapag almusal na. Tinawag ko na sila Inay at Itay.May mga kapatid nga pala ako. Tatlo sila. Puro lalaki, ako lang ang babae bunso ako. Eldest namin ay si Kuya Karl. Isa syang Computer Engineer. Si Kuya Sean naman elementary teacher. At si Kuya Alladin, nurse siya sa Manila.
Ang natapos ko naman ay nurse din. Lodi ko si kuya Alladin. Fresh graduate so pahinga muna ako dito sa bahay. Katatapos ko magreview for board exam.
End of Prologue.