PICKY 40: Blamed

90 4 0
                                    

KEVIN

        INIWAN ko na muna si Kaitey na masayang nakikipag kulitan sa dalawa kong kapatid na sina Lolling at Boy.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang natatanaw ko silang masayang nag kwe-kwentuhan at nagtatawanan. Hindi ko nga ma-imagine ang nakikita ko. Akala ko talaga ay hindi makakapalagayan ng loob ni Kaitey ang aking mga kapatid at baka sungitan niya lang ang mga ito. Ngunit nagkamali ako. Natigil ang kakangiti ko sa kanila ng may tumapik sa kaliwa kong braso. Si Itay pala.

"Tay..."

"Mag-usap tayo sa labas" Napasulyap rin si Itay sa nagtatawanan sa sala na sila Kaitey. Hindi ko mabasa ang ekspresyon na nakaukit sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o hindi. Nagtungo kami sa likod ng bahay kung saan madalas akong tumatambay noong nandito pa ako. May malalaking puno na nakakapag-bigay ng sariwang hangin at duyan na ako pa mismo ang gumawa at mahabang mesa at upuan na gawa sa kahoy. Naalala ko pa non na kapag nagkakatuwaan kami ay dito kami kumakain sa labas o 'di kaya kapag may kaarawan ang isa sa amin.

Naupo kami ni Itay sa pahabang upuan na gawa sa kahoy. Tanaw na tanaw namin mula dito ang naglalakihang bundok at ang malaking palayan.

"Kev, hindi ko alam kung ano ang naisip mo at dinala mo dito iyang si Kaitey"
Panimula ni Itay habang may diin sa bawat salita nito. "Bakit ba kayo nandito? Ano ba ang nangyari? Pinaalis ka ba sa trabaho mo?" Sunod sunod na tanong ni Itay. Napabuntong hininga naman ako.

"Hindi ko po alam kung pinaalis na po ba ako sa trabaho ko sa mga Min lalo na't walang paalam po kaming umalis nang Maynila at nagtungo dito" Nakayukong wika ko. Malamang sa malamang ay pinaghahanap na ngayon si Kaitey sa kanila at baka nakauwi narin ang kanyang mga magulang na galing pa sa ibang bansa.

"Ano?! Alam mo ba ang ginagawa mo?! Ha?! Kev?! Parang tinanan mo narin iyang si Kaitey dahil sa ginawa mo! Malamang ay pinaghahanap na 'yan ngayon sa kanila! Paano kung malaman ng mga Min na nandito lang pala si Kaitey at itinanan mo?! Ang malala pa diyan ay baka kasuhan ka pa ng mga iyon!" Galit na galit na sabi ni Itay na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan. Hindi ko siya matignan man lang dahil alam ko ang pagkakamali. Kahit pa sabihin nating hindi ko naman pinilit si Kaitey na maglayas sa kanila ay parang tinanan ko narin ito at lalong hindi ko naman pinagsisisihan ito. Kung ito lang naman ang paaran para hindi na kami magkahiwalay pa ulit.

"Naiintindihan mo ba ang pinupunto ko Kev?! Sa nakikita ko ay mukhang hindi mo naman pinilit iyang si Kaitey na maglayas sa kanila pero mali parin ito! Gawin mo ang tama Kevin at i-uwi mo na 'yang si Kaitey sa Maynila! Ipinapahamak mo lang ang buhay mo! Tignan mo, nawalan kapa ng trabaho at natigil pa ang pag-aaral mo! Wala ka ba talagang balak na umasenso sa buhay?! Akala ko ba marami kang mga pangarap?!" Tanging pagyuko lang ang aking nagagawa. Parang pinag bagsakan ako ng langit at lupa ng mapagtantong mawawala na ang aking mga pangarap at mukhang hindi kona maiaahon ang aking mga magulang sa hirap. Lalo na't pinangako ko pa sa kanila na uunlad rin ang aming buhay dahil ayuko ng makitang naghihirap ang aking magulang at alam kong ako lang ang pag-asa nila dahil ako ang panganay.

"P-pasensya na Itay...Pasensya na p-pero mahal na mahal ko po si Kaitey, h-hindi ko po kayang magkahiwalay kami ulit"
Narinig ko ang pagmumura ni Itay at parang gusto na niya akong suntukin sa sinabi ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ha Kevin?! Anong magagawa niyang pagmamahal mo kung makukulong ka naman dahil diyan sa ginagawa mo?! Sana naman ay pinag-isipan mo muna ng mabuti ang mga aksiyon na gagawin mo!
Hindi sa tumututol ako sa pagmamahalan ninyo, ang totoo nga niyan ay masaya ako para sa iyo dahil kahit hindi ka mayaman ay ginusto ka parin niya at tinanggap ka niya, pero Kevin anak mali ito, ibalik mo na si Kaitey sa mga Min at pagkatapos niyan ay bumalik kana dito at maghanap kana lang uli ng trabaho" Napasabunot ako ng aking buhok.

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon