40 - fight for the throne

307 15 4
                                    

Nasa may pintuan palang si cavin. Pero sinalubong na siya ni Alice ng mahigpit na yakap. Pero parang wala ng epekto ang yakap ni Alice sa kanya. Ace now occupied everything about me! The hecked! Ang bilis naman nang mga pangyayari. Mabilis niyang kinalas ang yakap nito. At nilapag ang leather bag nito sa sofa at umupo.

"Thank god your here. I'm worried about you last night..." Parang naluluha na si alice.

"Hindi ka ba natulog? Nagka eyebugs ka ata... You usually do something para hindi ka magkaroon niyan..."

"Nag alala ako sayo!"

"Bakit?"

"Umuulan kagabi. Natakot ako baka nadulas ka. Mabagok ulo mo. You know that your not completely healed!"

"Tama na! Hindi na ako bata Alice. Para pag sabihin mo ng ganyan! I know what I'm doing. I know how to take care of myself!"

"Hindi maiiwasan na hindi ako mag alala sayo! I care about your health!"

"Talaga?!! Okay... Thank you ha!" Sarkastikong pagkakasabi nito.

"Natatakot ako kong may mangyari sayo na hindi ko alam! Natatakot akong mawala ka sa akin. Alam mo namang mahal na mahal kita! Hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka cavin." Umiiyak na ito.

"Bakit ka naman natatakot na mawala ako sa buhay mo? Alam mo naman na wala akong maalala di ba?  Hindi ko nga alam ko sino ako eh!"

"Yon na nga di ba the treatment is for yourself. Kaya ka nga uminom ng gamot." Napailing iling na lamang si cavin. Kasi alam naman niya na hindi siya tinutulongan ng mga gamot na iyon.

"Matagal na akong uminom ng mga gamot na iyon. Pero may progress ba? Diba wala? Until now...dyos ko five years na wala paring epekto Alice. Niloloko lang ako ng mga gamot na yan!" Mariin na tinignan niya si Alice. Oh baka naman niloloko mo lang ako Alice! Napalunok si Alice.

"Di ba sabi ng doctor for life na yong treatment na iyon its for your head injury!"

"Tang inang injury yan! Every wounds can be healed. Limang taon na may injury parin ba?"

"Cavin... Inaalala ko lang ang kalusugan mo! May masama ba don?"

"Kalusugan? Bakit? May cancer ba ako? Dyos ko Alice... Tama na... Either you like it or not... I'll stop the treatment! Katawan ko to alam ko Kong ano ang makabubuti sa akin!"

"No! You'll not gonna stop your treatment!"

"Wag mo akong subukan Alice..."

"Wag mo rin akong subukan! I was just concern about your health... Paano kong mabagok ka dyan ulit?"

"Bakit parang takot na takot kang mabagok ako... Diba mas mabuti yon para makaalala na ako. Mas madali siguro yon kesa dyan sa treatment na sinasabi mo!" Umalis na ito sa harapan ni Alice nagtungo na siya sa taas.

"Cavin! Cavin!" Shit! Putang Ina mo talaga havin! Wag mo talaga akong subukan!

-------------------------------------------------------------

"Masama daw pakiramdam mo sabi ng Kuya mo. Wala ka bang planong sabihin sa akin?"

"Ayaw kong mag alala ka pa...." Nasa sofa lang si ace ngayon nanonood ng TV.

"Inumaga ka na raw umuwi. San ka nagpasilong sa malakas na ulan kagabi?" Wika ni kenzo.

HOOKED ON YOU - BOOK II People change. But memories dont.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon