Chapter 37

985 33 6
                                    

"Are you listening to me, Miss Mendoza?"

Muntik na akong mahulog sa upuan ng tignan ako neto deretso sa mata. Busy sya sa pagtuturo sakin pero di ko maiwasan mapatingin nalang sa mukha nya. Di pa din ako makapaniwala.

"H-hindi ko talaga maintindihan mikaelle.." nahihiyang sabi ko at ngumiti ng alanganin.

Bumugtong hininga sya at napahawak sa noo. Kung dito na talaga si mikaelle sa seoul, diko alam kung pupunta pa ako sa secret club. Parang mas gusto ko pa dito kasama sya. Magbonding kami rito sa library hihi.

Narinig ko syang nagmura at sinamaan ako ng tingin. Nagulat ako sa asta nya pero ngumiti lang ako ulit.

"How would you learned If your not making this serious!? Your attention was on me! You making this nothing dahil hindi ka din mapapagalitan ng magulang mo! Kahit matuto ka nalang sa kagustuhan mo kylie pero kung ayaw mo sinasayang mo lang oras ko." Malamig na sabi nya na nagpapawi ng ngiti ko.

"I'm trying my best naman. Pero hindi lang talaga ako makapagconcentrate. Makikinig na talaga ako promise!" Kinagat ko ang labi ko.

Kinuha nya ang book at sinamaan ako ulit ng tingin bago nya sya nagturo ulit. Salubong ang kilay habang pinapaliwanag sakin ang hindi ko maintindihan. Sinubukan kong makinig kahit na mahirap. Baka kasi bigla syang magalit sakin.

"Now. Try to solve this problem. Ayokong marinig na hindi mo ulit naintindihan miss mendoza. Hindi ka nakakatuwa. Hindi kita tuturuan kung hindi lang nakiusap ang kaibigan ko." Seryosong sabi nya.

Kinuha ko na ang notebook at nagsimula ng sagutin. Hindi ako makapagconcentrate ng makitang pinapanood nya ang pagsagot ko.

"N-nadidistract ako hehe.."

"Tsk." Yumuko sya sa mesa at itinago ang mukha.

Ngumiti ako bago sinagutan ang pinapasagot nya. May iba akong naintindihan pero talagang hindi ako madaling makaalala kaya di ko din nasagutan. Mahigit isang oras yata akong nagpipiga ng utak hanggang sa natapos ko.

"Mikaelle.. tapos na." Sabi ko pero hindi sya kumibo.

Ginawa nyang unan ang mga braso nya at nakaharap saakin ang mukha. Natutulog na naman sya. Natulala ako sa mukha nya at naalala ang una naming pagkikita. Ganito rin yon. Natutulog din sya..

Naisip ko din noon na baka nagwoworking student sya kaya palaging tulog sa room. Hobby lang pala nya matulog.

Nilapit ko ang upuan ko sakanya. Ginawa ko ding unan ang braso ko at dahan dahan hinawakan ang buhok nya. He's so peaceful thought mukha pading galit sa mundo. Pinalandas ko ng dahan dahan ang daliri ko pababa sa kanyang pisngi. Ni isang pimples wala akong makita. Nahihiya nalang siguro dumapo ang pimples sa ganyang mukha.

Napatingin ako bigla sa labi nyang nakatikom. Mamula mula ang labi nya. Lumapit ako sakanya ng dahan dahan at pumikit. I want to kiss him...

"Anong ginagawa mo?"

Napamulat ang mata ko at napatingin sakanya. Masama ang tingin neto at parang nandidiri sakin. Umusog sya palayo at inayos ang mga gamit nya. Napaawang naman ang bibig ko sa nangyari.

"Tapos kana ba?" Tanong nya.

Tanging tango lang nasagot ko at kinuha naman nya ang notebook kung saan ako sumagot. Inayos nya ang gamit nya at nagulat ako ng bigla itong tumayo.

"S-saan ka pupunta mikaelle? I-I'm sorry sa n-nagawa ko---"

"You don't have to be sorry. Aalis nako. Ibibigay ko nalang ito kay william."

"L-lets talk about us mikaelle! D-dont leave.." nanginginig ang boses ko habang nakahawak sa wrist nya.

Malamig nya ang tinignan na parang ano mang gawin ko ay pinagdidirian nya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nya ginagawa ito. Ang labo na namin noon.. lumabo pa ngayon.

BOOK2: The Snob Gangster's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon