Sharpton POV
Hayss!!sa wakas tapos na ang araw na to, at sobrang sungit pala nung tanasia nayun
Nakasimangot akong pumasok ng bus at tumingin sa labas ng bintana
Kinuha ko ang memory card ng luma kong cellphone
Wala tuloy akong sound ngayon...
Medyo nalungkot ako dahil sa nasira kong cellphone
Debale na bubuksan ko na lang yung isa sa mga phone ko
Hinaplos ko ang pisngi ko dahil sa ngalay ng kakangiti ko sa mga taong nakakasalamuha ko at mas lalo na kay tanasia
Napansin ko sakanya ay sobrang suplada pero hindi ko akalain na tutulungan nya ako sa mga lalaki na ng trip saakin kanina
Hehehe.....wala ba syang idea na ako ang nakasabay nya kahapon sa elevator pero sa tingin nya palang ay naniniwala na ako sa mga pinagsasabi nila na ang tawag sakanya ay santanasia ang babaeng kapartner daw ni santanas
Napangiti ako sa sarili kong naisip pero dahan dahan rin nawala iyon dahil bumabangga parin sa utak ko ang sinabi nya na sana ay namatay nalang din ako
Nawalan nanaman ng emosyon ang mukha ko at tumitig sa kalsada
May pumasok na 8 na pasahero at sumiksik na kung saan
Nakita ko ang babaeng hirap na hirap na makatayo ng deretso dahil sa dami ng tao na nakasakay din
Hindi ako nagdalawang isip at tumayo ako at tumingin sakanya
"ahm miss? Ikaw na po ang umupo"nakangiting sabi ko dito
Tumingin ito saakin at napangiti rin sya,umupo sya kung saan ako naka upo kanina
"Thank you..."sabi ng babae saakin
Ako ngayon ang nakatayo at nakikisiksik sa mga tao, kumapit lng ako sa bakal at sumisilip ako sa labas kung malapit na ba ako sa condominium
Hindi rin nag tagal ay bumaba nako sa bus at papasok nako ng condominium
"Sharpton!"sigaw ni Han
"Dr.han saan ka po pupunta?"tanong ko sa kaibigan ko na kaharap ko lng ng apartment
"mag papahangin lng gusto mong sumama?"tanong nito ng nakangiti
"ahh sige susunod ako magbibihis lng ako"sabi ko dto
Ngumiti naman to at tumango
Agad naman akong dumertso sa elevator at wala naman sumabay saakin kaya sinarado ko na, pinidot ko ang 4floor at pag punta ko dto ay dali dali akong pumunta sa apartment ko at naligo
Paglabas ko ng cr ay nag bihis ako at lalabas na sana ako kaso may naalala ako
Kinuha ko memory card sa bulsa ng pantalon ko at napangiti naman ako kinuha ko narin pati ang airpods ko
Siguro panahon na para ibahin ko ang luma kong cellphone pinagtritripan kasi ako eh tss...
Binuksa ko ang drawer ko at sinilip ang 6 na karton ng iphone 11 pro max
Tatlong itim at tatlong puti, kinuha ko ang isang itim at sinarado ko ang drawer
Lagi nalang kasi nagpapadala sila lola saakin at ngayon ay pinadala nila ay 6 na iphone para daw matawagan ko sila pero hindi ko parin ginagamit ito dahil pang soundtrip ko lng naman ang cellphone at hindi naman ako mahilig sa social media
Nilock ko ang apartment ko bago ako umalis naabutan ko na nagbukas ang elevator at hinabol ko ito kaso biglang may nag sarado
Nag abang lng ako at hindi nagtagal ay nakasakay ako
May isang lalaki sa loob at ngumiti lng ako bilang pagbati,ngumiti lng din ito saakin
Sinarado ko ang elevator at tinitigan ang pintuan dahil ayaw kong may nakakasabay dto
"bagong cellphone huh?"sabi ng nasa likod ko, napatingin ako dto at sinilip ko ang kamay ko nakalimutan ko na bitbit ko lng ang karton ng iphone
"..."wala akong na sagot sa lalaki
TING!!
Pagkabukas ng pinto ng elevator at nagmadali akong lumabas at pumunta sa malapit na park
Nakita ko si dr.han na nakaupo sa swing
Lumapit naman ako dto at umupo sa tabi
"ang bilis mo ah?naligo kaba?"sabi nya sakin
"Halata naman sa buhok ko dr.han"sabi ko dto
"wag mo na nga akong tawagin na doctor dahil matagal na akong hindi doctor..."sabi nito saakin nagulat ako sa sinabi nya
"hindi kana doctor?!nung kailan lng ay nakita kitang nakauniform na pangdoctor"sabi ko dto
"sasabihin ko sayo ang totoo..."sabi nito at yumuko
"ano yun?"sabi ko dto at pinausog ang swing
"umalis na ako sa pagiging doctor last week lang,dahil nasasaktan ako pag ginagawa ko naman ang lahat para gumaling ang mga patient ko, pero mas hindi ko kinaya ang isang batang lalaki na hindi nakapag survive sa heart problem nya..."sabi ni Han na nakatingin sa malayo at halata sa mukha nya ang lungkot na nararamdaman nya
Hindi ko alam kung paano ko ito papatahanin pero nagulat ako ng bigla syang umiling dahil alam nyang papatahanin ko sya
"alam ko ang binabalak mo sharpton wag mo ng ituloy okay lang ako..."sabi nito at ngumiti saakin
Tumingin din ako sa malayo at pinipilit ko na kalimutan ang nangyari sa mga magulang ko pero malaking trauma ang sinapit ko dto
Flashback
"nasaan na si sharpton??"tanong ng mommy ko na hinahanap ako sa sala
"Mommy!!"ginulat ko sya habang nakatago ako sa likod ng pintuan
"nako naman ikaw talaga big boy kana ahh!"sabi ni mommy saakin at inayos ang buhok ko
"blow mo na ang candle mo hinihintay kana nila"sabi ni mommy saakin
Nakangiti akong tumango dto at lumabas na kami
Tumayo ako sa harapan ng cake ko, nasa right side ko si mommy at sa left side ko naman si daddy
"Happy Birthday to you!!"kanta ng lahat
Napatawa ako sa tuwa dahil yung iba ay iniiba ang lyrics ng kanta
"happy birth---"nagulat ako ng biglang may sumirit na dugo sa mukha ko at sa cake ko
Nakita ko si daddy na bumulagta sa sahig na may tama sa ulo, agad naman akong napatingin kung saan galing ang bala pero may nakita ako sa hindi kalayuan na lalaking nakaitim at tumakbo na ito
All I ever wanted was a happy birthday but why did it suddenly happen?.....
End of flashback
YOU ARE READING
My Perfect Lawyer
ActionSi Tanasia ay isang mahigpit at maldita na lawyer kinikilala din siyang "santanasia" ng iba niyang mga katrabaho dahil sa ugali niyang hindi maipinta.