Tonight is our musical play in school. For me, this is a dream come true lalo na because ang partner ko lang naman is my ultimate crush Miggy.
Malamang maraming inggit na inggit sakin na girls out there, pero alam ko namang imposibleng magustuhan niya ang sang tulad ko. May girlfriend pang sabit.
Good little girl
Always picking a fight with me
You know that I'm bad
But you're spending the night with meWhat do you want from my world?
You good little girlParang mahihimatay nako sa kilig gaya ng mga nasa audience but I tried my best to keep calm. This is just a show Marsela. Chill.
Now it's my turn to sing.
Bad little boy
That's what you're acting like
I really don't buy
That you're that kind guy
And if you are
Why do you want to hang out with me?Napatingin ako sa dako kung saan nakaupo sina Kuya Miguel and our parents. And of course, kakarating lang ng bratty twin sister ko. Si Marceline. We call her Mars, sometimes Celine. She's always wearing black like galing siya lagi ng funeral. She's this party girl type while I'm the complete opposite. Simula mga bata pa kami, she always gets me into trouble dahil napagkakamalan akong siya. Kasi nga, magkamukhang magkamukha kami. She's rebellious, spoiled, lazy, liar, sugarol, mapansamantala and what's really annoying about her existence is that she's Miggy's girlfriend.
Bakit nga kasi hindi nalang ako?
They say it's cute to have a twin sister but for me, it's more like a curse.
Don't you know I'm villain?
Every night I'm out killin'
Sending everyone runnin' like children
I know why you're mad at me
I've got demon eyes and they're looking right through your anatomy.Into your deepest fears
Baby, I'm not from here
I'm from the nightosphere
To me you're clear, transparent
You've got a thing for me, girl
It's apparentOf course, she gets to hug and kiss my dream Prince charming at the end. Niyakap niya rin ako.
"Hey sis. Galing mo kanina ah. Good job." Sabi niya lang at bumalik na sa pakikipag-usap kay Miggy.
"Congrats anak. We're so proud of you." Yakap ni Mommy.
"Galing mo dun anak. Just keep it up. Sana naman ganyan din ang iba dyan. Para hindi palaging masakit ang ulo namin." Sabi ni Daddy.
"I heard it Dad." Sabat ni Celine.
"Dapat lang talaga marinig mo. At saka pwede ba totoy? Lumayo ka muna dito kay Celine. Kay bata bata nyo pa. Pano kung nabuntis to? Kaya bang pambili ng gatas at diaper yang pagpapacute mo?. Lampungan kayo ng lampungan. Halika dito, napakahaliparot mong babae ka. Umuwi na tayo." Hila ni mommy kay Celine.
"Pero maaa.."
Kaya naglakad na kami palabas.
"Gumaya ka dito kay Sela. Imbes na boyfriend inuuna, inaatupag yung pag-aaral." Sabi ni Daddy.
"Pano naman ako dad?." Sabi ni Kuya Miguel.
"Isa ka pa. Puro ka cellphone, computer, videogames. Ikaw pa naman pinakamatanda." Sabi ni Daddy.
At hanggang sa bahay panay sermon parin ang parents namin sa dalawa kong kapatid. Siguro kasi sa aming tatlo, ako lang ang matino.
Having a twin sister also means wala kang sariling kwarto. I have to wake up and sleep every day with this annoying potato head.
No personal space at hindi uso ang peace.
9pm. Sa ganitong oras lumalabas si Celine para makipagkita kay Miggy o di kaya pumunta ng party with her friends. Hinahayaan ko na, at least makatulog naman ako ng maayos dahil wala nang maingay. Madalas kasi pinapatugtog niya yung rock music playlist niya sa mga ganitong oras. Nagpapasalamat nalang ako pag umaalis siya.
KINABUKASAN
Saturday.
Lumabas kami ng friends ko. Sina Ecka at Belle. Pumunta kami ng mall para mag shopping. Syempre kumain muna kami.
"Sana pala sinama natin si Celine." Sabi ni Belle.
"Kaninang 5 ng umaga pa siya umuwi galing party kagabi. Malamang tulog parin yun hanggang ngayon. At saka wala na yung ginawang matino. I don't want to get in trouble again because of her." Sabi ko.
"Eh pano yun? Alangan namang magparetoke ka para lang di ka mapagkamalang siya." Sabi ni Ecka.
"Uy, swerte nya naman. Ako pa mag-aadjust?. Anyway, CR lang ako saglit."
"Yeah yeah. Take your time." Sabi ni Belle.
Milagro, walang masyadong tao ngayon. I mean wala talagang tao. Papasok pako sa isang cubicle nang biglang may tumulak sakin papasok at nilock ang pinto.
"What the--s-sino ka?!." Gulat kong tanong sa babae.
"Sino ako? Hoy. Ako lang naman ang iniscam mo 2 days ago. Asan na ang pera ko?." Galit na sabi nito as she pulled my collar.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. At saka bitawan mo nga ako. Ngayon nga lang kita nakita sa buong buhay ko eh."
"Ang kapal din talaga ng mukha mo na magmaangmaangan no?. Ayan. May pruweba ako. Nung diniliver mo sa bahay yung maling item nung isang araw. Nakita sa CCTV ang mukha mo. Tapos sasabihin mong ngayon mo lang ako nakita?."
Napaisip ako. Marceline. Tsk. Not again.
"T-teka lang. Hindi naman kasi ako yan. Kakambal ko yan. Wala akong kasalanan--"
"At talagang lolokohin mo pa ako ha? Hindi mo na ulit ako madadala dyan sa pag-arte mo. Ibalik mo nalang ang pera ko bago pa lumaki ang gulo."
"Hindi nga kasi ako yan. Wala-akong-kasalanan."
"Ah hindi ka magbabayad. Edi halika na, sa prisinto ka na magpaliwanag." Hila niya sakin.
"Teka lang naman muna. Ihing ihi nako tapos bigla kang pumasok dito para pagbintangan ako sa kasalanan ng kapatid ko. At ngayon dadalhin mo pako sa prisinto? Pwede bang makaihi na muna?."
"Sige. Ayan. Umihi ka."
"Uhm, di ka man lang ba lalabas?."
"Ano? Hahayaan na naman kitang makatakas? Wag na no. Dito nako."
"What? So panonoorin mo kong umihi?."
"Wag ka lang makatakas."
"Seryoso ka ba?."
"Ano? Mag-uusap nalang ba tayo dito o iihi ka dyan kasi tatawag nako ng police." Nataranta ako nang kunin na niya ang phone niya.
"Oo na. Eto na. Iihi na."
Papatayin talaga kita Celine. Aaaargh!
YOU ARE READING
Scam This Be Love (Seby)
Fanfiction"They say the worst type of scam is love. It makes you invest more of your time, effort and feelings then one day, you're left with nothing." Sabi ni Abby. Little did she know that Sela, the twin sister of the one who scammed her could change everyt...