INCOMPARABLE LOVER
By: Hazuell
PROLOGO
"Ikaw ng bahala sa kanya, ha??
"P-pero----"
"Mila, Kailangan mo siyang ilayo. Kapag hindi mo iyon ginawa, hindi siya. Makakabalik dito"
Natigilan ang babae
"Huwag kang mag-alala, kahit saan kayo makarating, makakarating sa inyo ang tulong ko. Basta mag-iingat kayo, ha?
"K-kaya ko ba iyon? K-kaya ko bang palakihin ang batang ito?
"Kayanin mo! Tayong dalawa na lang ang nakakaalam ng lahat. Sanggol pa lang siya, kahit na sa langgam ay hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili. Kung manghihina tayo, lalo ka na, paano na siya? Makakaya mo bang makita na mapahamak siya sa kamay ng mga ganid na sukab?"
"H-hindi! H-hindi ko kayang makita iyon! I-ibinilin din siya sa akin ng kanyang ina na alagaan at mahalin, ituring na parang tunay kong anak. At nangako ako sa kanya"
"Kaya nga, bahala ka na sa kanya. At ako. Kailangan kong manatili sa tabi nila, babantayan kong kilos nila, sisiguruhin ko na hindi magagalaw ang malaking kayamanan ng mga Ragivan"
"S-sige. P-pero h-huwag mo kaming pababayaan, ha??"
"Pangako. At tandaan mo, sa ika-dalawampu't limang taon niya kailangan mo na siyang ilantad, ha??"
''S-sige, Aalis na k-kmi..."
At sa kadiliman ng gabi, isang anino ang makikitang palabas sa malaking bahay na iyon... hanggang makarating sa gate na bakal at nakalabas din doon... hanggang sa tuluyan na itong lamunin ng dilim....
I T U T U L O Y
BINABASA MO ANG
INCOMPARABLE LOVERBy: Hazuell
RomanceIncomparable Lover By: Hazuell TEASER: Kung saan-saan siya nakarating.. para takasan ang panganib na humahabol sa kanya mula pa noong bata siya. At sa pagtakas sa mga panganib, hindi na niya alam kung kanino magtitiwala, o kung paano magtitiwala...