"Hindi ko alam, siguro nagbabakasakali lang ako na maayos lahat ng gulo na nangyari."
Nakatingin lang sya sakin.
"Sumagot ka na, oo o hindi lang naman. Kahit anong isagot mo OK lang, desisyon mo naman yun."
Nakarinig na ko ng mahihinang hikbi sa loob ng hospital.
Tiningala ko si Vega, hindi sya yung umiiyak? Lumingon ako sa paligid at nakitang halos lahat ng kasama namin sa loob ay nagsisinghutan na. Nakakaiyak pala ang love story natin, kung love story pa ang tawag dito.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at bahagya kong nakita ang matamis na ngiti sa labi nya na agad din naman nyang pinawi.
"Bakit ba kayo nag iiyakan ha?" mataray na tanong nya sa mga kasama namin.
"E kasi nakakainis kayong dalawa, ang aarte nyo! Hanggang ngayon ang aarte nyo! Pag tong anak ko lumabas na pangit, ipapabarang ko kayong dalawa!" sigaw ni Sam sa amin.
"Umiiyak na sila, marami ng naistorbo sa relasyon natin," sabat ko naman.
"Relasyon? May relasyon tayo? At anong pakiramdam mo? O-oo ako dahil nag iyakan sila?" taas kilay mong buwelta sakin.
"Hindi naman sa ganun. Ano lang kasi, kita mo naman, diba? Ganun," natatangang sagot ko.
"Hindi ako o-oo dahil sa nag iyakan sila at dahil sa istorbong nagawa natin sa kanila," nangingiting sabi nya.
Napatulala ako sandali, teka? Ano raw?
"Umo-oo na sya! Uy! Gising!" narinig kong sigaw ng isa sa mga kasama nanin, hindi ko alam kung kanino galing yung boses na yun.
"Oo na?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti sya. "Oo."
"Hindi nga? Pwera biro?"
"Oo nga Nigel. Ano ba??? Nakakastress ka na."
Nakatunganga pa rin ako.
"NIGEL!"
Napabalikwas ako. "Wag ka naman manigaw."
"Kasi ikaw e. Isuot mo na sakin yung singsing."
Nagmamadali kong isinuot sa kanya yung singsing.
Akin na sya ulit.
---
"Nasan si Nigel?"
Nakailang ikot na ko sa venue ng kasal namin pero di ko sya makita.
Naghahanda na kami para sa gaganaping kasal. Ikakasal kami pagkatapos na pagkatapos ng birthday ko. Kasamang nagpaplano si Grace, yung babaeng kulang na lang sabunutan ko dun sa hotel. Yung um-order ng sinigang na hipon. Well, wedding coordinator pala sya at sa Singapore naka-base. At yung hipon ay para pala sakin. Natatawa na lang ako pag naaalala ang kabaliwan ko noong araw na yun.
Nasan na ba yung mapapangasawa ko?
Nahagip ng paningin ko si Franz kasama yung bagong prinsesa nya. Photographer din pala ang prinsesa kaya ayan, compatible na compatible ang dalawa. Nag o-ocular visit sila dahil bago lang sila sa lugar.
Natatawa ako dahil ang liit lang naman ng lugar na to pero di ko makita kung nasaan sya.
Napalingon ako sa bandang garden at doon ko sya nakita, kausap nya si Vincent. Ang kapatid ko na naging isa sa mga tulay namin. Kasama rin nila si Faith, girl friend ni utol. Akalain mong totoong may ipapakilala nga sya sakin.
Nasa di kalayuan sila mama at papa at sila mama at papa ni Nigel na ilang araw na lang magiging mama at papa ko na talaga.
Si Vic? Ewan ko, ang batang yun laging cameo.
Pinagmasdan ko muna si Nigel mula sa malayo. Ang dami naming pinagdaanan, ang daming luha ang nasayang sa isang hindi pagkakaunawaan. Pero masaya ako at hinayaan pa rin ng Diyos na kaming dalawa ang magkatuluyan sa dulo kahit ang "aarte" namin.
Napapangiti ako pag naiisip na ito na yun, malapit na. Titira na ko kasama nya. Yang mukha ng lalaking yan ang makikita ko pag gising ko araw araw at bago ako matulog sa gabi. At alam kong hindi ako magsasawa.
Sumigaw ako mula sa kinatatayuan ko. "Nigel!"
Napalingon sya sakin, ngiting ngiti. Kumaway sya at tinanong ako kung bakit.
Ngumiti ako ng malaki. "Mahal kita!"
Naglakad sya palapit sakin. Niyakap nya ko. "Vega! Mahal din kita!" sigaw nya.
Alam namin pareho na walang happy ending. Madami pang drama ang dadaan sa buhay namin. Siguro ganun talaga ang buhay, hindi ka makakaiwas sa drama pero magkakaroon ka naman ng chance na mamili kung sino ang gusto mong kasama sa mga dramang yun, at sa kaso namin pinili namin ang isa't isa. Basta nandyan sya, kahit drama series pa yan paniguradong yakang yaka.
"Ang landi nyo!" puna samin ni Sam.
"Ikakasal na e."
"Naku sa umpisa lang yan. Tignan nyo tong si Paulo, ilang buwan na kong di nilalandi."
"Mahal, buntis ka," namumulang sagot ng asawa nya.
"Kahit na, hindi mo na yata ako mahal e."
"Mahal kita."
Napangiti na lang kaming dalawa ni Nigel.
Sobrang laki na ng tyan ni Sam at alam na namin ang kasarian ng baby nya. Girl. At ang ipapangalan nya ay Star.
-The End-
Author's Note:
Sinulat ko talaga to sa kasagsagan ng pag iwan sakin ng boyfriend ko haha. Seaman sya at nasa wedding industry naman ako, kaso hindi ako wedding coordinator or photographer. Malapit na sya bumalik kaya kailangan ng tapusin, hindi pa nya po to nababasa. Kung sakasakali man na mabasa nya to, paniguradong may mga editing pa na magaganap :) kaya basa na lang po ulit hahaha.
Salamat po sa pagbasa :)
BINABASA MO ANG
Stars in the Sky
RomanceNakipaghiwalay si Vega sa halos apat na taon na nyang seaman boyfriend na si Nigel. Tatlong taon din ang lumipas ng muli silang magkita, wedding coordinator na si Vega at sya ang mag-aasikaso ng kasal ng dating nobyo. Nasasaktan sya pero ginagawa ny...