Ikasiyam na Kabanata

70 3 0
                                    

Tatlong araw ang dumaan mula nang huli kong makita 'yung weirdong manyakis na maganda ang mata. Three days ko na ding pinag-iisipan ang mga sinabi ni Jem tungkol kay Francis.

Sinabi ko kay Alex ang sinabi ng boyfriend niya. Baka naman daw kamukha lang ni Francis ang nakita nito dahil nadinig din niya noong sinabi ni Francis na bumaba ito galing sa bus. O 'di kaya'y may sumundo lang na kamukha noong kotseng nakita ni Jem.

Ayoko na sanang gawing big deal, pero isa talaga sa kinaiinisan ko sa sarili ko ang pagiging masyadong paranoid. Hindi ako nakakampante hangga't hindi ko nakukuha ang sagot na makakapag-panatag sa loob ko.

"'Nak, mukhang malalim ang iniisip mo dyan?" dinig kong sabi ni Mama.

Nakaupo ako ngayon at nakatulala sa may dining table. Galing si Mama sa taas at mukhang paalis na para pumasok, "Ah, wala Ma. Kinakabahan ako kasi ang tagal mag-encode ng grade."

Hindi na din pala namin sinabi sa dalawang matanda ang nangyari three days ago. Ayoko nang mag-alala pa ang mga magulang ko dahil alam ko ding busy sila. Wala din namang nangyaring masama samin.

"Osiya. Aalis na 'ko. Ipagtimpla mo ng kape ang Tatay mo at pababa na 'yon," bilin nito sakin at humalik sa noo ko, "Siya nga pala, bakit hindi mo ayain magsimba sila Alex nang makita ng mga kaibigan mo ang kapilya natin?"

Oo nga no? Siguradong matutuwa ang mag-jowa lalo na si Jem. Mapapabendisyonan niya na naman ang girlfriend niyang nuknukan ng arte.

"Sige po, Ma. Anong oras po ba misa ngayon?"

Tumingin si Mama sa relo niya bago sumagot, "Ang alam ko'y alas kwatro. Tumawag ka na lang sa Tita Berna mo. Siguradong alam niya 'yon."

Malapit lang kasi sa bahay nila Tita ang simbahan ng Gerona. Isang sakay lang naman din ng tricycle galing dito sa Nordes ay makakarating ka na din.

Tumango ako dito. "Hindi ka kakain, Ma?"

"Uminom na ko ng kape kanina, 'Nak. Baka ma-late ako. May meeting oa naman ang mga teachers ngayon."

Ngumiti na lang ako dito saka siya hinatid sa labas.

Wala pang limang minutong nakakaalis si Mama ay bumaba na nga si Tatay. Kasunod nito ang nakamangot na naman na Era.

Nakapag-prito na ko ng itlog. Tatapusin ko na lang 'tong hotdog at gigisingin ko na si Alex. Mukhang puyat ang mag-jowa dahil tumambay kaming apat kahapon sa labas. Pinanuod namin magkabit ng banderitas ang mga kabataan para sa nalalapit na fiesta. Mag-e-extend pa nga daw 'tong mag-jowa ng two days para 'don.

"Tatay naman kasi inaantok pa ko." sabi ni Era. Pagalit nitong kinakamot ang mukha niya kaya natawa 'ko.

"Aba'y sino bang may sabing magpuyat ka, ineng?" sagot ni Tatay at umupo na sa hapag, "Kailangan laging malinis ang bahay dahil may mga bisita tayo. Hala't kumain ka na nang masimulan mo ng magwalis."

Ngumuso ang kapatid ko at padabog na umupo para kumain. Hindi nakaligtas sakin ang pagtawa ng Tatay namin. Naiisip ko minsan, kay Tatay ko siguro namana ang pambubuska kay Era. Tuwang-tuwa kami pareho kapag lumolobo na ang pisngi ng kapatid ko.

"'Nak, tawagin mo na ang mga kaibigan mo nang makakain na tayo." utos ni Papa sakin. Tumango ako dito bago umakyat sa taas.

Pagdating mo sa taas ng bahay namin ay may mini sala set din na nakalagay. Hindi katulad sa ibaba na may TV, tanging lamesa na may nakapatong na dgake plant, book shelf, isang mahaba at single sofa lang ang nakalagay. Ganito daw kasi ang uso dati sabi ni Lolo. Kung hindi padamihan ng lababo ay padamihan naman ng sofa ang labanan.

Natatakpan naman ng puting kurtina ang balcony kung saan matatanaw mo daw dati ang mga dadaong na barko sa dagat ng Norwen ─ ito ang dagat na pumapalibot sa buong bayan ng Gerona. Isa 'to sa mga pinagkakakitaan hanggang ngayon ng mga kababayan ko. Hindi na nga lang gaanong kita ngayon ang dagat dahil may katapat na kaming malaking bahay at dahil din sa mga nagsisitaasang puno.

Nang mapadaan ako dito ay napansin ko ang tanging naiibang kulay sa mga librong nakalagay sa bookshelf. Mga librong kino-collect ko kasi ang nakalagay dito kasama ang mga magazines ni Era. At sa pagkakatanda ko ay wala akong black na librong inuwi dito. Halos lahat ng dark themed book ko ay nasa dorm dahil karamihan dito ay mga paborito ko.

Lalapit na sana ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwartong tinutuluyan ni Jem, "Gising na si Alex?" kakamot-kamot pa ito ng matang nagtanong sakin.

Umiling ako, "'Di pa. Gigisingin ko pa nga lang kayo."

"Ako na gigising. Pwedeng pumasok?"

Tumango na lang ako. Wala namang mawawala sa kwarto ko at hindi naman magnanakaw 'tong boyfriend ni Alex.

Pumihit ako patalikod para bumalik na sa kusina. Nang lumingon ako sa kinaroroonan ng bookshelf ay kusang nanlaki ang dalawang mata ko nang hindi ko na makita ang nag-iisang itim na libro doon.

Minabuti kong lapitan ito para ma-check. Siguradong sigurado ako sa nakita ko. Imposibleng magkamali ako dahil 'yun lang naman ang naiibang kulay kanina.
Ini-scan ko dahan-dahan ang bawat shelf nito. Pati sa likod ng bawat row ay kinapa ko din pero wala talaga. Ano bang nangyayari?

"Girl? 'Di ka pa bababa?"

Gulat akong napalingon kay Alex. Gising na pala 'to. Magkahawak sila ng kamay ni Jem at mukhang pababa na.

"Ah, susunod na. Sige una na kayo."

Pinaningkitan pa ko ng mata ng kaibigan ko pero sumunod din naman. Naiwan akong mag-isa dito at pinakatitigan ang book shelf na 'to. Dumagdag pa 'to sa mga isipin ko.

Bumaba din ako pagkatapos ng ilang minuto. Tinanong pa ni Tatay kung bakit ang tagal ko daw. Sinabi ko na lang na may inayos ako sa sala sa taas.



Natapos kaming kumain ng agahan nang magprisinta si Jem na siya na daw ang maghuhugas. Ayaw pa sanang pumayag ni Tatay pero pinilit din siya ni Alex. Sila na daw ang bahala. At dahil ako ang nagluto, si Era ngayon ang nakatokang magwalis.

Hinihintay kong matapos kumain si Patchi nang lumabas si Tatay para pumasok. Nagbilin pa 'to ng mga kung ano-ano kaya natapos na si Patchi sa pagkain ay hindi pa din siya nakakalis.

"Tay, sabay na kaming lumabas. Tagal mong magsalita natapos na tuloy kumain si Patchito." sabi ko at pareho kaming natawa.

"Mag-ingat kayo. Baka kung sino na naman ang makapasok dito."

Tumango ako. Mas okay ngayon dahil may mga kasama naman ako. Hindi naman siguro mangangahas na pumasok 'yon ng madaming tao.

Hinatid namin ni Patchi si Tatay sa terminal ng pedicab. Mas murang sumakay dito kesa sa tricycle. Isa lang din naman ang ruta kaya dito na pinipiling sumakay nila Mama't Tatay.

Natigil ako sa paglalakad pabalik nang huminto si Patchi. Mukhang magseseremonyas na siya.

Hinila ko ang leash ng aso papunta sa medyo madamong part sa may gilid ng kalsada. May CCTV dito kaya baka mahuli pa kami kapag hinayaan kong kung san-san magbawas si Patchi.

Nang matapos na ang seremonyas ng aso ko ay hinila ko na siya para umuwi. Baka hinahanap na ko ni Alex. Hindi din ako nagsabi na ilalabas ko muna si Patchi kaya baka nagtataka na 'yon kung bakit ako wala.

Nasa tapat na kami ng bahay ni Ka Lucing nang may humarang sa dadaanan ko.

"Señorita Ara," sabi ng lalaki bago ngumiti, "Nagkita tayong muli."

Tadhana Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon