DRAKE's POV
Nakakainis di pa rin ako makapaniwala na may babaeng gangster group ang RBG. Babae sila yong leader nila si Sapphire bwesit siya...hindi ko parin nakakalimutan nong muntik na akong matamaan ng kunai niya argh!!!. Ang yabang sa inis ko nasasabunutan ko na pala ang sarili ko.
"Hoy dude parang kang baliw diyan.. Badtrip?"-Reed.
"Aaaaah!! "-sigaw ko at sinuntok ko yong pader.
"Dude kalma lang "-Clyde.
"Paano ako kakalma naiinis ako pati kasi sa mission natin kasama natin sila buti pa yong numeros. Maaarte pa ata sila baka nga sila pa ang maging dahilan kaya tayo mapapahamak "-sunod- sunod kung litanya.
"Tara na nga lang sa old building"-Aj.
*Old Building *
Nakarating kami agad sa destinasyon namin, walang katok katok pinihit ko ang doorknob di kasi nakalock .Pagbukas ko may mga lalaking nakaitim na nakaabang sa amin. Pinaakyat nila kami sa 3rd floor akala ko mapapasabak kami.... wala man lang elevator.Pumasok kami sa unang silid kung saan nakahilera ang isang mahabang mesa at sampung upuan at nakaupo si shadow sa swivel chair.
"Oh buti nakarating kayo, take your sit "-sambit niya habang nakatalikod.
"Ano bang kailangan mo? "-Fire.
"Be patience malalaman niyo rin mamaya"-sabi niya at tumayo sa kaniyang kinauupuan at dumungaw sa may bintana After 10 minutes.
*Boogsh*
SHADOW's POV
Masyadong mainipin ang aking mga panauhin gusto ko muna makilala ang ipinagmamalaki nilang STONE tama nga kaya ang hinala ko.Sa haba ng paghihintay namin nakarinig kami ng malakas na pagbagsak ng pintuan. Ikinabigla ko ang nakita ko apat na babaeng nakamaskara.Kilala ko ang dalawa sa kanila tama nga ako kaya pala mahirap mapatahimik dahil natrain sila magaling.
"Hahahahah!!!"-Ako.
"Tapos ka ng tumawa? "-tanong ni Citrine habang naglalakad palapit sa mesa.
"Sa tingin ko"-sagot ko at ngumiti demonyong ngiti.
"Akalain mo nga naman magkikita pa pala tayo "-Amethyst.
"It's a small world "-kibit balikat ko.
"Hindi kayo umiimik na dalawa diyan "-baling ko kila Sapphire at Ruby "Buhay pa pala si Lady K at kayo "
"Ano ngayon? "-Ruby
"Sandali nga gulong- gulo na kami... magkakilala kayo?! "-nalilitong tanong ni Storm
"Oo sino ba namang makakalimot sa kaniya kung lagi siyang ngplaplano kung paano ka papatayin na puro naman sablay "-matapang na sagot ni Sapphire.
"Ang pinagsisilbihan niyo lang naman ang puno't-dulo ng lahat kung hindi dahil sa kaniya walang masisirang pamilya "-sambit ko.
"Kaya ba ngayon Lang namin kayo nakilala dahil laging kayo ang pinag-uukulan nila ng atensyon? "-Fire.
"Kung yon ang pagkakaintindi mo"-Sapphire.
"Baka nakakalimutan mo na si Lady K ang sumira ng buhay ko kaya dapat mamatay siya. Hayaan mo iisa-isahin ko ang mga taong malapit sa kaniya"
*Boogsh*
Kinuwelyuhan niya ako pagkatapos suntukin
"Wag na wag mo silang gagalawin "-galit na galit niyang litanya
BINABASA MO ANG
MISS LOVE HATER IS LOVABLE
RandomAng storyang ito ay naglalaman ng magulong bakbakan at kaganapan sana hindi malito ang mga magbabasa nito.Mayron din mga masasamang salita na di karapat-dapat e-apply sa totoong buhay.Kailangan ng malawakang pag-unawa sa pagbabasa nito at kung mabo...