Kabanata 13

1.7K 43 3
                                    

Serenade

"Sure kana ba? 6 pm mag oopen 'yon tas mag coclose sila by 11 pm. Ang aga mo pa naman natutulog." Ani Vanessa.

Sinulyapan ko sya at nagkibit balikat. "Wala rin naman akung choice e. Kesa nakatunganga ako, dapat may ginagawa ako. Thankful na rin ako kasi may boses ako na ganito."

Funny how I'm comfortable with Vanessa. Every time shes around, parang gusto gusto ko mag salita at gawin lahat ng bagay na hindi na iintimidate. Nakakagaan lang talaga sa pakiramdam.

Day off nya ngayon at naisipan ko na mag aapply sa isang resto bar. Kung saan nag hahanap daw ng freelance singer. MWF lang daw na kakanta ka doon. Magkaiba ang sweldo at ang tip na matatanggap ko everynight. Malaking tulong na rin 'yon dahil malaki rin daw ang sahod doon. Kaya nag bihis ako ng pormal. Maglalakad lang kami dahil malapit lang naman 'yon dito sa bahay. Nasa labas lang ng subdivision kaya less inconvenient.

Ni lock ko ang pinto pati na ang gate. I'm sure safe naman ako na mag lalakad dito. Walang makakakilala saakin tsaka ibang lugar nato. I think, 21st people don't really believe about the witchcraft and black magic. Lalo na pag dito sa syudad.

Hinatak ako ni Vanessa sa gilid nya. Kaya sabay kami nag lalakad. Hindi umabot ng 30 minutes at narating na rin namin ang sinasabi nyang resto bar. Close pa 'yon pero nag tanong kami sa guard if pwedi ba. He let us in.

Si Vanessa ang sumalubong sa isang sexy na babae na nakaupo sa high chair.

"Sawadikap, Ma'am!"

Lumingon ito sa kanya at tumayo kaagad. Nag beso ang dalawa at nag usap saglit. Wala akung maintindihan sa sinabi kaya nanatili ako sa sulok malapit sa pintuan.

"Ay, teka madam! May kasama ako. Alam kung nag hahanap kapa ng isang freelance singer. Magaling 'to."

"Talaga?" Nilingon nya ako. "Ang ganda babae pala 'to. Show us what you got, girl." At tinuro ang stage.

Naglakad ako papunta doon at tumayo. Nanatiling nakatayo at tiningnan ang paligid. Kunyare may mga taong nakasuporta saakin.

"Aaaah ooooh... ladida dadida..."

"I've been trying to forget you but I can't... You made me a fool, ain't cool..."

Nakatingin lang ang dalawa saakin habang hawak nila ang wine glass.

"Its like there's something missing in my life... maybe its you, It is you..."

Nakangiti lang ako habang buong puso kinanta 'yon. Na rerelate ako dito. I've been trying to forget Greg. Kahit hindi ko sya nakikita, parang ang hirap nyang kalimutan. When something is already imbedded to your soul, mahihirapan ka talaga. Even when you really try.

"I just can't get you out of my head... You're the reason, That I wake up in my bed..."

'Yon lang ang iniisip ko. Thats my reason to wake up early every morning. Kahit wala naman talagang pagasa pero pinilit ko parin. Thats how stubborn I am.

"I got you stuck in my mind can't get out... Can't get out..."

Tiningnan ko ang dalawang audience na dinadama rin ang aking kanta.

"Please get out..."

Nagpalakpakan silang dalawa kaya tinapos ko na doon ang kanta. Bumaba ako sa maliit na stage at nilapitan sila.

"Sabi ko sayo, Mamshie e! Maganda na nga, maganda rin ang boses." Ani Vanessa.

"Can you start tonight? I bet, maraming broken ngayon na pupunta dito. Haha may pinaghuhugatan kaba?"

Tumawa ako at tumango. "Of course, Ma'am."

Umupo muna kami saglit at kumain. Nagkwentuhan ang dalawa kaya tahimik lang ako. Pagtinatanong nila ako, sumasagot rin naman minsan.

From Afar (Isla del Fuego series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon