Bigla lang pumasok sautak ko nung nilesson ng english teacher namin si Helen. :)
__________________________________________________
Helen's POV
"Hoy Helen ano namang iniisip mo dyan?" Sabi ng bestfriend kong si Troy sakin na may kasamang pitik sa noo.
"An sakit ahh." sabi ko habang kinukuskos yung noo ko.
"Bakit kasi ganyan nanaman yung mukha mo? Iniisip mo nanaman si Paris no?"
"Alam mo naman pala? Bat kailangan mo pang itanong?"
"Hala? Galit ka na nyan? Lika nga. Kain tayo. Para sumayasaya ka naman. Treat ko na. Pero sa susunod treat mo naman ahh?"
Hinatak ako ni Troy sa labas ng university at dumiretso kami sa mall.
Dinala niya ko sa Mcdo. Siya ang nagdecide kais treat niya daw yon. Ayos diba? Di man lang ako tinanong.
"Huh? Si Paris ba yun?" Bigla niyang sabi.
"Huh? Asan asan?" Hinanap ko naman agad kung saan niya nakita si Paris.
"Amm.." Sabay subo sakin nung fries.
"Ayan, edi nakasubo ka din. Galing ko diba?" Sabi niya nang may pataas taas pa ng kilay.
"Sira ulo ka talaga!"Binatukan ko nga.
Pero kesa umangal eh nginitian niya pa ko."Ayan. Bumabalik na ang abnormal kong bestfriend." Ang galing talaga mambwiset nito kahit kelan. Pero in fairness natuwa din ako. Kasi kahit papano. Nakalimutan ko si Paris kahit saglit lang.
Si Paris siya ang boyfri-- I mean Ex-boyfriend. Masakit man pero yun ang totoo. Nagbreak kami last 43 days. Bilang na bilang ko yan. Ganun ko siya kamahal. Kaya nagulat talaga ako nung nagbreak kami. Ang sabi niya? Ang kanilang famous line na 'It's not you. It's me' Badtrip diba? Kaya buti nalang. Tong abnormal kong bestfriend hindi ako iniiwan. Dahil kung hindi? Baka mabalita nalang na may tumalon galing sa building o kaya nagpalunod sa dagat.
"Kumain ka pa. Minsan lang ako magtreat kaya sulitin mo na."
Tinapat niya yung kutsara niya sa bibig ko.
"Ayaw ko nga niyan. Kutsara mo yan ehh.. Eeew."
Sabi ko at sumubo na nang sarili ko."Arte neto. Kala mo naman may rabies ako? Baka ikaw. Ikaw tong nakagat na ng aso dyan eh."
"Gusto mong kagatin kita?" Medyo lumapit ako sa kanya.
"Helen? Helen. Ikaw nga." May nagsalita galing sa likuran ko.
"Pa-paris? H-hi." Anong sasabihin ko? Ngayon lang ulit kami nagkausap at siya pa ang lumapit.
Napatingin ako sa babaeng kasama niya. At napansin niya rin ata yun.
"Ahh. This is May, my girlfriend. May, this is Helen. And her bestfriend Troy."
Ouch. Wala na. Wasak na si Hearty. (_ _) </3
"Ahhh. Ge." Troy. Alam niya kasi na nahurt ako.
Umalis na rin sila Paris non. At si Troy inaya na kong umuwi.
Naglakad kami pagdating sa gate ng village namin. Magkatabi lang ang bahay namin. Kaya sabay talaga kami.
"Sorry." Sabi ni Troy habang nakatingin lang ng diretso.
"Ano ka ba? Wala yun no. Okay lang ako." Nakatingin lang din ako sa daan.
"Okay ka lang, pero hindi mo namalayang lumagpas na tayo sainyo."
Oo nga. Lumagpas na kami. Ano ba yan."Hindi mo naman kailangan magkunwaring okay ka lang. Kung hindi naman. Ngayon pa ba tayo maglolokohan Helen?"
Dahil don nag simula na kong umiyak. Nanaman.
"Kasi naman *sob* 43 days *sob* palang mula nung *sob* nagbreak kami *sob* tapos -- tapos *sob* may girlfriend na agad *sob* siya? *sob* Ang unfair Troy. *sob*" Niyakap ako ni Troy. Ayan, basa na tuloy yung damit niya.
"Kilala mo si Helen? Yung sa mythology?" Bigla niyang sabi. Humiwalay ako sakanya at tinignan siya ng may pagtataka.
"Oo? Bakit?" Kilala ko yun. Dun nga ako mismo pinangalan ng mga magulang ko eh.
"The face that sailed a thousand ships" Hinawakan niya yung mukha ko.
May naramdaman akong kung ano sa tiyan ko. Ano yun?
"Dahil si pagkuha ni Paris sayo nagsimula ang Trojan war. Maraming namatay. Kaya hindi talaga kayo pwede. You are not ment to be happy."
"Hindi kita naiintindihan Troy."Napangiti siya sa sinabi kong yun. Hinawakan na niya yung magkabilang pisngi ko.
"But that's the best part. They called you Helen of Troy." Then he kissed me.
BINABASA MO ANG
Helen of Troy (one shot)
Short StoryAccording to the mythology. Helen went to Troy because of Paris. A twist of history