Ang Babae Sa Sari Sari Store

89 2 0
                                    

Ako si Ruth, 15 yrs. old at graduating nakatira sa isang bayan sa bulacan .

Meron kaming maliit na sari sari store katabi ng bahay namin sa tapat ng kalsada ..

Si nanay ang nagbabantay nito dahil si tatay ay may trabaho at may kapatid akong 7 yrs old kaya si nanay ang laging nasa bahay ..

Minsan ako ang nagbabantay pag wala akong pasok o kaya pag may lakad si nanay .

Sa bawat pagbantay ko gabi gabi ay lagi ko nalang nakikita yung babaeng nakaputi, pinagtataka ko nadaan lang siya sa tapat ng tindahan namin ..

Bistidang puti ang suot ng naturang babae at mahaba ang buhok at na nakatakip na halos sa kanyang mukha kaya kinikilabutan ako pag nadaan siya sa aming tindahan .

At pinagtataka ko lagi pa siyang nadaan pag saktong walang nabili sa tindahan .

Kinaumagahan habang nag aalmusal tinanong ko si nanay tungkol sa babae .

"Nay sino ba yung babaeng nakaputi na laging nadaan sa tapat ng tindahan tuwing gabi?" Takang tanong ko kay nanay

Sumagot naman siya na halata sa mukha niya ay gulat at tumigil sa pagkain .

"Wag muna lang pansinin yun"sagot ni nanay sakin na hindi nakatingin sakin

Kaya di na ko sumagot, pinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain ..

Sa katagalan nasanay nalang ako at di pinapansin yung babae . baka kapitbahay lang namin na nanakot ..

Pero isang gabi di ko inaasahan ang matutuklasan ko at hinding hindi ko makakalimutan na dapat sinunod ko nalang ang sinabi ng aking ina .

11pm yun at halos wala ng nadaan sa kalsada . Mangilan ngilan nalang na mga sasakyan ang nadaan, magsasara na sana ako ng tindahan ng biglang dumaan ulit yung babaeng nakaputi ..

Pero pinagtataka ko puno ng dugo ang puti niyang bistida at gutay gutay at puro putik ang kanyang paa ..

Nagtaka ako kaya nilapitan ko sya, ng papalapit nako bigla siyang naglaho na parang bula kaya napatakbo ako sa tindahan para patayin ang ilaw at ikandado ang tindahan ..

Pagpasok ko sa tindahan ay di ko inaasahan ang aking nakita sa labas ng tindahan, yung babae nakatingin sakin na pula ang mata at nanlilisik, umiwas ako ng tingin at mabilis pa sa alas kwatro na pinatay ang ilaw sa tindahan
at kinuha ang kandado at mabilis na kinandado ko ang pinto ..

Ng matapos ko na ang pagkandado ng tindahan ay tumalikod na ko at papasok ng bahay ngunit saaking pagtalikod ay nasa harap ko na ang babae, kaya nagsisisigaw nako at tumakbo sa aming bahay ..

END -

Please Vote And Follow Me :)

Nyick's Kilabot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon