Quarantine: Day 17
Panda POV
Natapos na naman ang maghapon. Thanks God so far wala pang positibo sa COVID19 dito sa aming probinsya. May panic buying pero sapat pa naman para sa mga mamayan ng Aurora.
Sinalubong ko si Inay. Marami siyang pinamili. May bokayo, crackers, calamansi juice at tokwa.
Time check 6:10 P.M.
Share ko lang. Kinilig ako kay Nokdu kanina. Ginawa niyang dahilan yung utang ni Ate girl at pinatawan ng malaking interes. Hinding-hindi na niya pakakawalan pa si Ate Girl. Mapapasabi ka na lang ng sana all. Ang cute din nung batang mahilig kumain.
Kinatok na ako ni Inay kakain na. Pritong tokwa at munggo ang ulam namin. As usual channel 28 pinapanood ni Itay. Mga old songs ang pinapatugtog ni D.J. Jamie, The Winner Takes It All by Abba.
Naalala ko na naman pinanood ko kagabi Mama Mia! Here We Go Again. Mga kanta din ng Abba mga background music.
Sa totoo lang hindi naman sa pang babash. Mas gusto kong pakinggan ang mga old songs. The Beatles, Bee Gees, Eagles, Michael Learns To Rock, Westlife at mga OPM songs. Bukod sa mga walang bad words mas malalim ang kahulugan ng lyrics. Nakakarelax at nakakainspire. Tamang-tama masarap kumain pag may kantang naririnig. Kaunti lang ang kinain ko gabi naman.
Patapos na akong magligpit ng mga pinagkainan. Tumunog ang phone ko. May nagtext.
Lucky: Kumain ka na?
Oh si Lucky pala.
Me: Yes po. Kain ka na din.
Lucky: Hindi pa luto niluluto kong ulam. Hulaan mo kung ano?
Me: Pakbet?
Lucky: Tama. Galing mo naman 😊
Me: Ako pa 😊 Kain ng marami hah para tumaba ka naman. Payatot ka pa din hanggang ngayon. Haha biro lang po.
Lucky: Ganon talaga mabilis metabolism ko. PandaKekok ka naman.
Me: Hmmmmpf cute naman.
Lucky: Mukha ka ng minion 😂
Me: Mahal mo naman.
Lucky: Sobra po. Luto na kain muna kami.
Me: Ok po.
Itutuloy..