POL #1. Layuan mo ako Depression!

190 35 19
                                    

A/N; Ang tulang ito ay para sa mga taong muntikan nang makaranas ng depression katulad ko, at para din sa mga taong nakaranas o nakakaranas na ng depression. Sana po ay ma-inspire kayo sa munti kong handog na Tula.💙

Layuan Mo Ako DEPRESSION!
Inilathala ni: SimpleGirlOnBlue

Karamihan sa atin ay nade-depress,
Dahil narin ito sa labis na stress.
Kaya ang lunas sa sobrang pagka-stress,
Ay ang kasiyahan ang ating i-express.

Ang depression ay may maraming epekto,
Ang pagkabaliw ay halimbawa nito.
Dahil maraming nabaliw dahil dito,
Pati pamilya din nadadamay nito.

Nang 'di mo madadamay ang pamilya mo,
Lagi mong alagaan ang sarili mo.
Nang pati depression ay maiwasan mo,
Bawas pa ang problema ng pamilya mo.

Laging manalangin sa itaas natin,
Na ang depression ay maiiwasan din.
At lagi lang sabihin sa isip natin,
Na ang depression ay malalayuan din.

💙END💙

A/N;
Ang tulang ito ay may tugma, lalabindalawahing pantig, may apat na saknong, at may apat na taludtod sa bawat saknong.

Poetry of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon