Chapter 21
"Siguro nga anak kailangan mong kasama ang asawa mo sa lugar kung saan unang naging kayo. Para bumalik ang ibang alaala sa isip mong nawala."
Nasa kotse na ang kanyang inang si Cleffy. Nag-uusap muna sila bago isara ang itinaas ang bintana ng kotse. Kasama nitong iuwi muna sa bahay nila ang apo na si Troy.
"Bye, anak. Mag-ingat kayong mag-asawa sa biyahe." Pinaandar na ng ina ang makina.
"Bye, mom. Bye baby Troy. Yaya please take care of my son," pahabol na sabi ni Yanny.
Kumaway si Travis na naroon rin pala sa tarangkahan nakatayo. Sinundan na lang nila ng tanaw ang kotse na papalayo. Pumasok na si Yanny sa loob ng bahay. Nakangiti itong humawak pa sa kamay ng asawa at hinila niya na rin ito kasabay ng pagpasok sa loob. Magiliw si Yanny sa daan na nakkikipag-usap sa asawa. Ikinatutuwa din ito ng husto ni Travis.
Booom! Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid. Napitigil ang mundo ni Yanny. Napakabilis ng pangyayari. Nandilim ang kanyang buong paligid. Wala na siyang makita at unti-unti na siyang nilamon ng kadiliman. Parang hinatak ang kanyang buong ulirat pababa sa ilalim ng daigdig.
"Bakit ang dilim?" nangangatog niyang tanong sa sarili.
Isang manipis na guhit lang ng liwanang ang tangi niyang natatanaw mula sa itaas At tanging sa isang maliit na baging siya nakakapit. Wala na siyang pagpipilian. Kung hindi ang dahan-dahan niyang inaangat ang sarili upang makaahon paitaas ng baging. Kadiliman ang nasa kanyang likuran. Kaya tiyak na lalamunin siya nito kung siya ang makabitaw sa mahigpit niyang pagkakapit.
'Kaya mo 'to' lakas-loob niya itong ibinulong sa sarili.
Kasabay sa kanyang pagsusumikap makaahon ang dasal na maitimtim niyang ginawa. Naalala niya ang ganoong sitwasyon na naulit lang uling mangyari.Pagod na pagod siyang napaupo pagdating sa itaas. Sa isang maputing bato niya ipinahinga ang hinihingal niyang puso. Habol hininga pa siya ng inilibot ang tingin sa paligid. Nanginginig ang dalawang braso at ramdam ang hapdi sa kanyang mga palad. Hindi nga siya nagkamali nakarating na siya sa lugar na iyon. Isang lalaking nakaputi ang umupo rin sa tapat na kung saan naroon din ang isa pang puting bato.
"Hindi pa oras upang ikaw ay pumarito," Tanging sinasabi sa kanya ng mahiwagang nakaputing lalaki. Mahaba ang balbas nito at tila napabanal ng kanyang wangis. Piinalibutan ito ng liwanag. Ganun pa man kitang-kita niya ang hitsura ng lalaki.
"Ikaw po ba si San Pedro?" Tanong ng bigla niyang naisip sabihin noon.
"Bumalik ka roon?"
Pagkasambit nito sa kanya bigla siyang nahulog. Dahil pangalawag beses na itong nangyari sa kanya. Hindi niya na lubos kung ano uli ang sasabihin sa kanya ng lalaking nasa kanyang harapan.
"Narito ka uli. Bumalik ka roon dahil hindi mahaba pa ang iyong kandila."
Pagkarinig niya sa salitang iyon. Parang siyang bumagsak mula sa itaas. Dama niya ang sa sarili na parang ang layo ng kanyang pagkahulog.
"Mommy!" mahina niyang daing.
Pawis na pawis si Yanny habang niyayakap ng ina. Unang nakita ng kanyang mga mata ang luhaang ina. Nakaupo sa gilid ng kanyang kama . Katabing nakatayo ang kanyang daddy Rigo. Bakas sa mga mukha ng mga magulang niya ang labis na kaligayahan.
"Salamat at ligtas ka," garagal ang boses ni Cleffy habang nagsasalita.
"Tubig mom!" Unang hiniling ni Yanny sa ina.
Uhaw na uhaw siya sa kanyang pakiramdam. Nagmadaling pumasok ang doktor at siya ay sinuri.
"Nalagpasan niya na ang lahat. Isang traumatic shock lang ang nangayari sa anak niyo," masayang wika ng doktor.
Muling nag-uunahan ang mga luha ng kanyang ina. Hinawakan niya ito at pinakalma. Alam niyang labis itong nag-aalala sa kanya. Matapos nitong makinig sa doktor ng mga bilin para sa kanyang mga iinuming gamot lumingon na uli sa kanya ang ina.
"Dad, mom okay na ako," mahinang saad ni Yanny.
Sinabi niya ito upang mapanatag ang kalooban ng mga magulang. Gusto niyang ikuwento ang mga nangyari sa kanya na tila ba isang panaginip. Pero minabuti niyang isipin na sa ibang pagkakataon na lang. Nakangiting pinisil ng mga magulang niya ang knayang mga kamay.
"Labing dalawang oras kang walang malay anak. Kaya ganun na lang ang aming panalangin na sana'y malagpasan mo uli ang iyong kalagayan," paliwanag na sabi ni Cleffy sa anak.
Kasunod na ikinuwento sa anak ang tungkol sa kanyang pagka Amnesia. Ipinaalala ang lahat ng mga nangyari mula noong may bahagi sa kanyang isip na nawala.
"Mom, ang asawa ko at ang anak ko?"
Napatanong ito matapos maalala ang pangyayari. Masaya silang nagkwentuhan mag-asawa. Nang may biglang isang kotseng nasa kanilang likurain ang nagpumilit mauna at sumabog pa ang unahang gulong nito. Nakabig nga ni Travis manibelapero dahil matulin sa expressway tumilapon sila sa railing ng kalsada. Hanggang doon na lang ang huling naalala ni Yanny.
"Suwerte pa rin kayo anak dahil walang kasunod na sasakyan," nakangiting wika ng kanyang ama.
Nagkatinginan pa ang kanyang daddy Rigo at mommy Cleffy bago bumaling uli ng tingin sa kanya. At parehas nilang hinuhulaan ang pagbabalik ng alaala ni Yanny. Hindi kagaya noon na wala itong maalala sa kanyang mag-ama.
"Hindi kasi namin dala si Troy kaya kinuha muna ng daddy niya," sagot ni Cleffy sa anak.
Malungkot man sa isip niya na wala si Travis sa kanyang tabi. Pero ikinagagalak niyang marinig na walang nagyaring masama sa asawa. Hindi baleng sa pag-uwi na lang niya ng bahay makita ang kanyang mag-ama basta naalis ang kanyang biglang pangamba.
"Mom gusto ko ng umuwi."
"Anak hindi mo na ba mahintay ang bukas? Iyon kasi ang bilin ng iyong doktor.
Ayaw pa sanang pumayag ni Cleffy pero napapayag din siya sa gusto ng anak. Pati kasi si Rigo nakiisa sa desisyon ng anak. Alam niyang maayos na ang pakiramdam ni Yanny kaya nagpumilit ng umuwi.
BINABASA MO ANG
Yanny, I Love You (COMPLETED)
RomantizmKung ano man ang kasalanan ng ama ay pagbabayaran ng anak. Napakalapitin ni Rigo noong kanyang kakisigan kung kaya madalas nilang pinag-aawayan noon ni Cleffy na humantong pa sa hiwalayan. Bayad utang nga ba ang isang anak na babae sa mga kalokohan...