KABANATA 29

10.5K 418 78
                                    

[Adara]

I don't how Pierre managed to get fast where I was that night. Basta paglabas ko ng building, si Pierre agad ang lumitaw sa screen ng phone ko. He was so mad at me na hanggang sa biyahe namin pauwi ay hindi siya tumigil sa panenermon. Daig pa niya ang babae.

Hindi na muling nagparamdam pa sa 'kin ang mga tauhan ni Don Franco simula noon. Baka akala nila ay natakot talaga ako. Hindi naman ako tumigil sa pagkalap ng mga impormasyon tungkol kay Don Franco. Mahirap lang talagang maghagilap lalo na't wala akong resources na matino. Halos galing lang sa internet ang mga nakakalap kong balita tungkol sa kanya. Pero hindi pa rin ako titigil dahil malapit ko nang makamit ang sandata kong panlaban sa kanya.

Wala na rin akong balita tungkol kina Christian, Sam, at Keira. Hindi ko alam kung nandito pa ba sila sa bansa o bumalik na ng Amerika. Wala na akong nakikita sa kanila sa ACF Net, pero ang importante naman ay alam kong ipinagpapatuloy nila ang buhay na mayroon sila.

Buong buwan kong itinuon ang pansin ko sa pagtapos ng internship ko sa ACF Net. Nag-aayos na rin ako ng requirements ko for graduation dahil ilang linggo na lang, magmamartsa na ako. Handa na rin ang mga requirements na kakailanganin ko para sa pag-a-apply ko ng trabaho.

"Ayaw mo ba talagang mag-fulltime?" Inirapan ko si Pierre na kanina pa ako kinukulit na maging fulltime assistant niya. Wala na naman siyang magawa kaya ako ang pinepeste niya rito sa opisina.

"Hindi pa 'ko guma-graduate pero kating-kati ka nang ma-recruit ako?" sagot ko habang inaayos ang CV ko para sa application ko ng trabaho right after my graduation. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras pagkakuha ko ng diploma ko. Iyon na ang araw na pinakahihintay ko after all the sleepless nights I've been through in investigating Don Franco alone.

"Yes and you should be grateful. Wala pa 'kong ibang inaalok ng ganito maliban sa 'yo," aniya habang patuloy sa pagbabasa ng bagong issue niya ng magazine. Kokonsensyahin pa 'ko. Natapos ko na lahat ng paper works na kailangan kong ipasa sa admin ng school. Kailangan ko na lang makapagbayad ng grad fee ngayong linggo. Nakatutuwa lang na may pa-allowance ang ACF Net para sa aming mga interns. At least natipid ko iyong pera na binigay ni papa.

"Then thank you, Mr. Villafuerte. But I'm sorry I have to decline your offer." Nginitian ko siya nang pilit. From the past few months na nagkasama kami ni Pierre, he became a really good friend to me. This internship wouldn't be this easier if he wasn't there helping me secretly. Hindi man niya sabihin sa 'kin nang harapan, alam ko lahat ng ginagawa niyang pabor para sa 'kin.

"Do you already have plans after grad?" nakataas ang kilay na tanong niya. Ayaw talaga niyang tumigil hangga't 'di ako pumapayag sa gusto niya. Alam naman niya kung ano talagang departamento ang gusto kong pasukan.

Hinawakan ko ang baba ko at nag-isip. "Hmm. Madami. Hindi ko na nga alam kung alin ang uunahin ko. Tapos dadagdagan mo pa?" medyo pabiro kong sagot.

Ibinaba niya ang hawak na magazine at umayos siya ng upo paharap sa 'kin. "Bakit ba gustong gusto mong maging parte ng isang news department? Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" Nabanggit ko kasi sa kanya iyong tungkol sa pangarap ko without mentioning of course my plan about Don Franco.

"Ikaw ba? Bakit ka nag-artista?"

"I want to entertain people. I want them to forget their problems or whatever they have whenever they see me."

"The same goes with me, Pierre. I want to serve the people the news that they deserve. Gusto kong ihatid sa mga tao iyong balitang dapat nilang malaman. Balitang walang pinoprotektahan na kahit sino. Balitang walang katumbas na halaga ng pera." Natawa ako sa seryosong itsura niya. "Sobrang idealist ko ba?"

STS #1: Dauntless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon