I Don't See Any Difference

22 0 0
                                    

" Love , will always find a way to make us HAPPY "

" Mikael " tawag ni Andrea sa matalik na kaibigan .

Nasa gym ngayon ang magkaibigan si Mikael at Andrea .

Nakita ni Andrea na papalapit si sa deriksyon nila ang nobyo ni Mikael na si LA .

" G---! " Sisigawan na dapat ni Andrea si LA ngunit pinigilan sya ng kaibigan sa pamamagitan ng tingin .

" Babe " bati ni LA sa nobya . Ngunit nginitian lang sya nito .

" Sino siya ? " tanong ni Mikael sa kasintahan sabay turo sa babaeng kanina lang ay kahalikan nj LA .

" Uhm , pinsan ko siya " sabi ni LA sa nobya .

" Ahh "  tipid na sagot ni Mikael , at saka ngumiti muli .

Nakaramdam ng pagkainis si LA dahil sa pagiging martyr ng kanyang nobya . Ayaw na niya kay Mikael kung kaya't ginagawa niya ang lahat upang hiwalayan siya nito .

" Oh Andrea , nandyan ka pala " nakangiting sabi ni LA sa kaibigan ng kasintahan .

" Ha-ha-ha " sarkastikong tawa ni Andrea .

" Eto naman , di mabiro " tinarayan na lamang niya ito .

" Oo nga pala , ano ang sinadya niyo dito ? " tanong ni LA sa nobya .

" Ahh ,  diba sabi mo pumunta ako dito kasi may sasabihin ka ... ? " litong sabi ni Mikael sa nobyo .

" Ah oo ! May sasabihin nga ako " ika ni LA .

" Talaga . Ano naman iyon ? " masiglang tanong ni Mikael .

" Mikael , Hin---! " pinutol ni Andrea ang sasabihin ni LA .

" Mikael , tara na ! Ipagpabukas na lang natin ito . Uwi na tayo  . Nagugutom nako ehh " paga-aya ni Andrea sa kaibigan . Alam na niya ang sasabihin ni LA .

Makikipaghiwalay na ito . Pinoprotektahan lamang ni Andrea ang kaibigan dahil ayaw niya itong masaktan . Lalo na't ngayong tuluyan nang nahulog ang loob ng dalaga sa kasintahan .

" Sandali lang Andrea , mukhang importante ang sasabihin ni LA " ika niya sa kaibigan .

" Ahhh , kase ... Mikael ... "

" Let's break-up " wika ni LA sa dalaga .

* Andrea's POV *

" Let's break up "

Tumingin ako sa direksyon ni Mikael

" Hahahahaha ! Magandang biro yan ! Hahahahaha ! " tawa ni Mikael . Ngunit bakas sa mukha nya ang kaba .

" Seryoso ako Beatrice " seryosong sabi ni LA . Oh no

" No . no . please . sabihin mo nagbibiro ka lang . LA please . Mahal na mahal kita . please LA . " mangiyak-ngiyak na sabi ni Mikael .

" Sorry , Beatrice . Pero hindi na kita mahal . Matagal na . " sabi ni LA sa kanya

Napakagago mo Lee Andrew . Hindi mo alam kung sino yang sinayang mo .

" No . Please Lee . Don't do this . I Love You Lee . Mahal na mahal kita please . Stay with me   Di ko kakayanin . " iyak ni Mikael .

" I'm sorry . Pero , hindi na mangyayari iyon Mikael . Paalam na " sabi ni Lee at saka umalis .

Iniwan nyang luhaan si Mikael doon . Niyakap ko sya at saka tumayo muli .

" Lee Andrew Sandoval !!! " sigaw ko at saka ko sya sinugod .

" Wait lang Elein ha ? " pagpapaalam nito sa linta nyang babae na mukha namang palaka .

" Oh Andrea , ipagpapalit mo din ang Bestfriend mo sakin ? " Aba ! Gago to ahh , masampolan nga .

" Kapal mo huh ? Sa tingin mo ipagpapalit ko ang bestfriend ko sa isang gagong katulad mo ?! "

" Wag kang magsalita ng tapos . Malay mo isang araw , magising ka na lang at marialize mo na mahal m-- ! Aray ! What the hell  !? bakit mo ginawa yun ? " sigaw niya sa akin . Nagalit yata . Ha-ha . Ikaw ba naman ang sapakin . Hindi ko siya sinagot . Tinalikuran ko na lang siya at saka binalikan si Mikael .

Nadatnan ko siya na naka upo mag isa sa bleachers . Nakatungo . Umiiyak . Tulala .

" Andrea , I want him back " nagulat ako sa sinabi niya tanga ba siya ?!

" Tanga ka ba ? Sinaktan ka na nga nung tao tapos yo-- ! "

" Is it wrong to love ?! " she snaped at me . " Nagmahal lang ako Andrea . " Pagpapatuloy nya .

Niyakap ko siya at saka siya humagulgol .

" Di ko kaya Andrea . I want him back " iyak niya sa akin .

Paano kaya nagawa ni LA na saktan ang isang katulad mo ?

Ang tagal kong tinago

Ang dami kong ginawa                    Para magsinungaling ...

Para lang makasama ka ...            Para maprotektahan ka ...

Para itagong mahal kita             Mikael Beatrice Lopez ..

Mahal na pala kita ...                       Higit pa sa isang kapatid , o kaibigan ...

Di ko alam na ganto pala ang kakahantungan ko ...

Di ko lang maamin sayo dahil baka layuan mo ako ...

Kaya please , tama na ...                Tama na ...

Sasaya ka rin . Pasasayahin kita . Bigyan mo lang ako ng pagkakataon .  Pangako yan .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Don't See Any DifferenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon