Hayden's POV
Nakita kong paalis na yung mga babae kanina at sinundan ko sila ng tingin hanggang makalabas na sila ng tuluyan.
"Diba sila yung nilapitan mo kanina? Sino ang mga iyon?" Tanong ni Lance sa akin.
"Bago mong chicks? Akin na yung isa hahaa"- Jacob
"Loko nito, hindi no." Sabi ko sa kanila.
"Sino nga yong mga 'yon?" - Carson. Isa pa tong gunggong nato sarap upakan.
"Wala na kayong pake dun." I told them. Ayokong isa sa kanila eh maisama sa koleksyon ng mga to.
"Sungit naman nito" -carson.
"I have to go" Sabi ko sa kanila at saka tumayo.
"Punta ka mamaya ha." Sabi ni Lance sa akin.
"Yeah" sabi ko at saka umalis na. May importante pa akong pupuntahan.
Mae's POV
After starbucks we went on different stores. We are not the type of person na bibili kung saan-saang stores, ibahin n'yo kami uso rin kaya sa amin ang window shopping hehehe. Pero kapag may gustong-gusto na talagang bilhin dun na kami gagastos.
This time I bought a pair of shoes kasi napakaganda nung design eh and its my favorite brand. At nawala narin naman ang pagkabad mood ko sa nangyari kanina.
And right now we are here in the bookstore, we're going to buy things we can use in school. And also this is one of our bonding, all of us loves to read. Kaya tambayan na rin namin ang mga ganitong store.
After almost two hours of roaming around the store binili na namin ang mga kinakailangan namin.
"It's almost 6pm, dinner na muna tayo? " - Rica said habang palabas na kami ng bookstore.
"Sige It's sooo nakakagutom eh." - sagot naman ni jade.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kanila kasi nagugutom na rin ako.
"Katsu Sora tayo, what do you think girls?" Ann said while pointing on the Japanese Restaurant near us.
We all agreed with her suggestion, kaya andito na kami ngayon.
Nang nakahanap na kami nga table, umupo na kami and tumawag na kami ng waiter.
"Can I have your orders maam?" Tanong sa amin ng waiter ng ito'y makalapit na.
After taking our orders umalis na siya.
"What time kayo susunduin?" Panimula kong tanong sa kanila. Baka kasi nakalimutan na nilang kailangan na naming umuwi.
At gaya ng iniisip ko, nakalimut nga. They all look at there phone liban sa akin kasi sasabay lang naman ako kay Jade, because we are in the same subdivision. Akala siguro nila sasakay pa rin kami ng jeep, eh madami nang pumipila sa mga oras na to eh.
"Nagtext pala si mommy kanina, they saw us kaya sasabay nalang daw ako sa kanila pauwi." -Rica.
"Sasabay na rin ako kay kuya Kev pag-uwi aantayin nalang daw niya ako sa parking lot." -Rhiane
" Papunta na rin dito si Manong Robert, tsaka joan sabay nalang tayo." -Ann while looking at joan.
"Sure. Wala raw kasi si manong sa bahay. Inutusan yata" - Joan. Same subdivision rin kasi silang dalawa.
"Papunta na rin si kuya rito." Kath said while still on her phone.
I look at jade siya nalang ang hindi sumasagot.
"Tatay Tomas is in the parking lot na ,wait nalang n'ya tayo doon. Sabay tayo sissy right?" Jade said while looking at me.
I just nod at her as a yes sa tanong nya. Sakto ring dumating na yung orders namin. Kaya kumain na kami.
BINABASA MO ANG
We Were Once Everywhere
Novela JuvenilAng storyang ito ay tungkol sa isang babaeng nagngangalang Mae. Siya ay mapagmahal na anak, masunurin, at hamdang gawin lahat para mapasaya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ang pagboboyfriend ay ni minsan hindi sumagi sa kaniyang isip dahil nangako...