Chapter 10: Group Date

160 5 0
                                    

I'm perfectly in love with this guy who makes me happy whenever I am with him.
                                                                - Zirie

Zirie's Pov

Sabado ngayon at walang pasok kakagising ko lang at 5 am palang, tinignan ko ang kanyang mukha.

"Alam mo Gray, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing kasama kita" sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.

"Goodmorning Gorgeous" sabi niya sabay halik sa labi ko.

"Goodmorning handsome" sabi ko sa kanya sabay kurot ng ilong niya.

"Halika na, maghanda na tayo ng almusal" sabi ko sa kanya at agad din siyang tumayo, nakatopless siya at hindi yata nakalagay sa vocabulary niya ang word na 'Magdamit'.

Kinuha ko ang mga ingredients na kailangan ko at nagsimula ng maghanda. Habang nagluluto ako nagulat ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran.

"tulungan na kita" sabi niya sakin kaya tumango ako. Hanggang sa natapos na kaming magluto, mahilig kasi ako sa Pancakes kaya Ayan.

"Saturday ngayon and I have plans for the both of us" sabi niya sakin.

"Plans ka diyan, maglilinis muna tayo ng bahay." sabi ko sa kanya.

"Edi gawin nating bonding" sabi niya sakin. Hanggang sa natapos na kaming kumain. Nag Simula na kaming maglinis ng bahay.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko nagliliinis, nakita ko siyang may dalang map at balde kaya napangiti ako. Kumuha ako ng tubig mula sa balde gamit ng kamay ko at tinapon ko ito sa kanya

"Ah, gusto mong maglaro ah" sabi niya sakin kaya tumakbo ako.

Nandito kami ngayon sa garden naghahabulan, kinuha ko ang hose at itinutok ko sa kanya iyon. Masayang-masaya Talaga kaming dalawa kapag magkasama kami. Hanggang sa nahuli niya ako.

"Kasalanan mo Talaga to, yan tuloy basang basa na tayo" sabi niya habang yakap ako mula sa likuran.

Nabigla kami nang biglang may bumusina at agad na bumungad ang The BADS.

"Bro, anong nangyari sa inyo?" natatawang sabi ni Lucas.

"Oh bakit kayo Nandito?" tanong ni Gray sa kanila.

"Wala lang, namiss kalang namin. Ito naman sungit." pabirong sabi ni Logan.

"Tss, mga panira kayo eh!" sabi ni Gray kaya bintukan ko siya.

Nandito kami ngayon sa loob ng bahay,

"Kuya, punta tayo ng karinderya" sabi ni Isaac habang nakaupo kaming lahat, nasa tabi ko si Gray.

"Oo nga bro, para naman hindi na mahirapang magluto si Miss Beautiful" sabi ni Liam kaya tinignan ko si Gray.

"Fine, magdidate sana tayo eh. Kaso mga panira kayo eh!" sabi ni Gray kaya bintukan ko siya.

Nandito kami ngayon sa kotse.

"Zi, Dun na kayong dalawa sa likod dahil baka maging halimaw pa diyan ang iba" sabi ni Logan kaya tinignan ko siya ng masama.

"Sandali lang ah padating na siya." sabi ni Lucas. Ilang minuto ang paghihintay nang makarating na ang hinihintay ni Lucas.

"Akala ko ba tayong dalawa lang?!" sigaw ni Lena kay Lucas habang nakapamaywang ito.

"Eh yan Talaga kapag The BADS. Eh andito din naman si Zi" sabi ni Lucas sabay kamot sa kanyang ulo. Sumakay na ang lahat.

Mabuti naman at malaking van ang ginamit namin kaya kasya kaming lahat.

Foul Play Between Love: The Reckless Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon