Chapter 1

8 1 0
                                    


" Magreresign ka talaga?? Baliw ka na " hindi makapaniwalang tanong ng buddy ko.

Sabagay sino bang hindi mabibigla?  Ito ang pangarap ko . Pangarap naming dalawa.
Tapos bigla-bigla nalang magreresign.

" Oo nga. Paulit-ulit?? Don't worry may pumalit na sakin bilang buddy mo kung yun ang pinag-alala mo." sabi ko sa kanya sabay inom ng alak na nasa baso

" Hindi yun ang iniisip ko. Bakit ka ba magreresign ?? Naging mabuti naman ang takbo ng huling misyon natin  ah ?? Anong insektong pumasok sa utak mo ??"

Itong babaeng to na talaga ang tanongera ng taon...
Hindi talaga siya mauubusan.

" Haaaaaayyyyyyy. Napakamatanong mo talaga. Dahil gusto ko na mag-asawa. Happy ?"

Dahil sa sinabi ko napabuga sya sa kanyang iniinom na alak ng di oras.
Paubo-ubo nyang tiningnan ang buo kung katawan mula ulo hanggang paa...
Napailing sya .

" Sa pagkaalala ko hindi naman nabagok ulo mo diba? Why out of the blue ??" taas kilay nyang sabi

Napapangiti nalang ako ng maalala ko ang oras na yun .

"  I think Mr. cupid shot me here " hinawakan ko ang aking puso "bigla nalang kasi itong tumibok ang puso ko nung nagsalubong ang mga mata namin. And I said to myself that he's the one. Kaya gusto ko syang maging asawa. At mamuhay ng normal na walang prinoproblema. Minsan lang tumibok ang puso ko. Kaya naman egra-grab ko na." sabay kindat sa kausap ko

Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.
Tumayo sya sa harapan ko na nakapamaywang

"  Lalaki ? Asawa? Bakit di ba pwedeng mag-asawa ka kahit isa kang secret agent ??"taas boses nyang sabi

Tumayo ako't tinakpan ang bibih niya.

" Are you crazy? Hinaan mo nga boses mo baka may makarinig sayo.  " sabi ko na luminga-linga sa paligid baka may nag eeardropping sa amin.
Andito kasi kami sa isang sikat na bar.
Nagcecelebrate sa huling araw ko bilang isang Secret Agent...

Bumalik sya ng upo sa inuupuan nya kanina na nasa harapan ko.
Itong babaeng to talaga walang preno ang bunganga.

" Gusto ko namang mamuhay ng normal. Hindi ba pwede yun? Sawa nako humawak ng baril. Bumuntot sa mga salot na mga tao. Naiintindihan mo ?" dagdag ko pa

Inirapan nya ako.
" Tss! Ang sabihin mo. Youre attention will focus on that man. Paano kung di ka magustuhan ng sinasabi mong lalaki?? "

Ang Nega talaga ng isang to.

" Parang di mo naman ako kilala.  Makikita mo. Isang araw kasal na kami. " pangiti-ngiti Kong turan habang iniimagine ang imahe na kinakasal kami

" Quit dreaming. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo. " iniinom nya muna ang huling alak na tinagay nya sa baso bago ito nagsalita ulit.
" Mauna na ako. Ayoko maging bitter sayo kaya. I'll look forward to your marriage. " tinap nya ang balikat ko at umalis..

Tss!  Makikita mo..
Magugulat ka nalang...
Ininom ko narin ang huling alak na nasa baso tyaka tumayo.
Lumabas nako ng bar dahil mukhang late na kailangan ko na ring umuwi.
Hinanap ko ang motorbike ko kung nasan ba yun naka park dahil nakalimutan ko.
Sa dinami-dami na ng sasakyan na nakapark dito sa labas mukhang matatagalan ako nito ah.
Pumunta ako sa kaliwa para hanapin ito habang iniikot-ikot ang susi sa daliri .
Napahinto ako saglit dahil may bagong dating na sasakyan at pinark nito sa bakanteng area.

Bumaba ang may-ari ng sasakyan.
Nang bumaba ito at humarap sakin.
Bigla akong napangiti ng lihim.
Mukhang Akin ang gabi na to ah??
Nagsimula itong maglakad sa gawi ko.
Humakbang din ako ng dalawang hakbang na pagiwang-giwang na animoy isang lasing .
Best ACTRESS goes to ME.
Nang magkapantay na kami.
Sinadya kung matumba sa tapat nya.
Ang bilis ng reflexes nya ah.
Sinalo nya ako na hawak ang balikat ko.
Perfect!!

Kehlani MonteSilvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon