(A/N:) Credits to @ally_angeleen dahil sa paggawa ng book cover ng isa kong story ^_^ , Yiiieee thank you ulit
________________________________________________________________
" Hi princess, We have a surprise for you" , sabi sakin ni mom habang nakangiti ng pagkatamis-tamis
"What is it?", tanong ko kay mom
" Later princess, hintayin muna natin ang dad mo", saad sakin ni mom
Tuwang-tuwa ako dahil may surprise ulit sakin sila mom at dad, tila hindi mabura sa labi ko ang ngiting nagpapatunay na masaya nga talaga ako...Isang ngiti na tila hindi mapapantayan ng kahit anuman.
Ilang minuto ang nakalipas bago dumating si dad sa mansyon. Agad akong tumakbo papunta sa kanya nang makita ko siya at agad siyang niyakap. Binuhat naman ako ni dad at pumunta ulit kami kay mom.
Ilang sandali ay binaba ako ni dad. Lumuhod siya sa tapat ko upang magkapantay kami.
"Princess, may ibibigay kami sayo ni mommy ah", sabi ni dad sakin habang diretso akong tinitignan sa aking mala-abong mga mata.
"Ingatan mo to princess, huwag mo itong iwawala...kung maaari itabi mo ito o isuot mo" , sabi naman sakin ni mom habang hinahaplos ang aking buhok..
"Opo mom and dad, pinapangako ko po sa inyo na iingatan ko po yung ibibigay niyo", sagot ko kay mom.
"Mabuti na man kung ganun", sabi sakin ni dad habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha ko.
Maya-maya pa'y may inilabas si dad na isang maliit na box. Nangigibabaw ang mga kulay nito lalong-lalo na ang malagintong kulay ng laso.
Binigay ito sakin ni dad kaya agad ko itong binuksan...
At doon, tumambad sakin ang gintong kwintas na may simbolo ng organisasyon namin. Isang pendant na may mala-bilog na ginto na may dalawang baril sa loob at rosas sa gitna ang nakaukit rito. Tuwang-tuwa ako sa nakita ko, kahit isa lamang itong kwintas ay pinapahalagahan ko pa rin toh dahil bigay to sakin ng mga magulang ko. At Kahit bata pa lamang ako ay alam ko na ang tungkol sa organisasyon ng pamilya namin, dahil simula't -simula pa lang ay pinaalam na agad sakin yun nila mom.
"Thank you po", pagpapasalamat ko kay mom at kay dad sabay niyakap sila ng mahigpit..
"Ok princess, maglalaro muna tayo ah", sabi sakin ni dad
"Ok po, ano pong laro?", tanong ko sa kanila
"Maglalaro tayo ng tagu-taguan, magtatago ka at dapat kailangang hindi ka namin mahanap ah...Got it?" , pagpapaiwanag ni dad
"Yes dad", sagot ko
"Ok, go now princess!!, Remember we always love you" , sabi sakin ni dad
"We love you princess", sabi naman sakin ni mom habang yakap-yakap ako
Kahit medyo naguguluhan pa ako sa mga inaasal ng magulang ko ay sinunod ko na lang sila..
"I love you too" , pahabol na sabi ko bago tuluyang umalis.
Tumakbo agad ako papunta sa basement, at nagtago ako sa loob ng isang lumang cabinet..
Maya-maya pa ay bigla akong nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril, kinabahan ako sa mga nangyayari. At ang tanging naiisip ko lang ay sila mom at dad.
Agad akong lumabas sa cabinet at agad na umakyat palabas ng basement...
Tila hindi ko matanggap ang nakita ko, unti-unting tumulo ang luha ko nang makita ko ang walang buhay na katawan ni dad sa sahig.
BINABASA MO ANG
World So Cold
Action"Please maawa ka sa anak ko, parang awa mo na...Ako na lang patayin mo" , pagmamakaawa ng lalaking nasa harapan ko ngayon Pasensyahan na lang, kung ano ang ginawa nila ganun din ang gagawin ko. Gantihan lang to.. "Sorry mister, but this is how I pay...