CHAPTER 3

0 0 0
                                    

CHAPTER 3:

ELLE

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman, halo-halong emosyon at pagkabagabag. Kailangan kong mamili kung pag-ibig o pamilya...

Parehong matimbang pero kailangan kong isakripisyo ang isa.

"Elle, what now? Iiyak ka na lang ba diyan?" singhal ni Zarina

"Sis, wala naman tayong magagawa kungdi suportahan kung ano man ang desisyon ni Elle" ani Xavier na kakambal ni Zarina, inabotan niya ako ng tubig

"Hay naku Xav, kung ako man ang nasa kalagayan ni Elle. Mas pipiliin ko naman na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko, ang boyfriend andyan lang yan." katwiran ni Zarina

"Eh hindi nga ikaw si Elle, si Zarina ka wala kang magagawa kungdi suportahan o kaya payuhan si Elle." ani Xavier

"Wag ka ngang mangielam" angil ni Zarina

"Oh kayong magkapatid baka naman mag-away pa kayo riyan" ani Ninang Chona na kararating lang at pumagitna na sa kambal niya.

"Eh paano tong si Xavier pakeelamero" sabi ni Zarina

"Ako pa ngayon? Baluktot kasi mga katwiran mo Zarina" depensa ni Xavier

"Oh tama na riyan, tigilan na ninyo iyon. Walang dulot yan kung pag-aawayan ninyo" ani Ninang Chona "Ikaw naman Elle, ang mapapayo ko lang sa iyo, gawin mo kung ano ang sa tingin mong dapat. Maaring pagsisihan mo, ngunit ang mahalaga ay ang mga natutunan mo."

I just nod.

"Anak," umupo siya sa tabi ko "Alam kong mahirap, pero anak, sang ayon ako kay Zarina. Mas mahalaga na maging ayos ang pamilya mo kasi kung mahal ka talaga ni Henry, maiintindihan niya."

"Ma naman isa ka pa" ani Xavier

"Xavier, kailangang intindihin natin ang sitwasyon ni Elle, bagamat pareho kayong may punto ni Zarina, pero Anak nasayo pa rin ang huling desisyon"

Tama nga naman, ako pa din ang may hawak ng desisyon. Matagal kong tinitigan ang cellphone ko.

'Incoming call.... Henry'

"Tumatawag siya hija"

Ayokong sanang sagutin... nasasaktan ako. Pero tila may sariling buhay ang mga kamay ko at kusang nasagot ang tawag.

"Hey Love?"

"H-Henry..."

"Yes Love, bakit? May problema ba?"

"I love you..."

"I love you the most, anniversary natin tomorrow. Tara date tayo?"

i can feel the happiness in his voice

"Let's break up"

"Punta tayo sa paborito natin kwekkwekan"

"Henry!"

"Bibilhin na natin yung pangarap natin na couple shirt. Elliese ilelegal na kita kay Mama"

"Henry, wag mo na akong pahirapan pa. Maghiwalay na tayo"

Tila ilog na rumagasa ang mga luha ko na sa mga mata ko ay nagpapahapdi. Kumikirot ang puso ko, napakasakit sa akin nito.

"Elliese, mahal na mahal kita. Please wag mo akong iwanan, alam kong madami akong pagkukulang"

Alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko din siya. Pero wala akong magagawa.

"Henry, please just let me go..."

THE KING'S OBSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon