My Crush On You (Onew)
Fan Fiction
Written by: Baby JHU.
Date started: 16Dec2011
Date ended: 16Dec2011
Genre: Romance; Fan Fiction
Isa na namang araw ng pagtunganga. Psh... eto na naman ang gagawin ko dito sa shop. Kainis... BORING!
“HOY! Babaeng tulala! Wag ka ngang maginarte na parang bored na bored ka at parang gustong gusto mo na umuwi. Alam kong may hinihintay ka!” sapak sakin nung kasama ko sa summer job. >.<
“WAG KA NGA! Mamaya marinig tayo ni Kuya Jun, pagalitan pa tayo. Tanggalin pa ako sa trabaho!” sabi ko na lang.
Lunes ngayon. April. Summer. Kaya ako nasa Summer Job. At ang trabaho ko... waitress sa isang coffee shop.
Yung hinihintay ko? Hmm.. sabihin na lang natin na isa sya sa mga suki ng cafe at crush ko. Tuwing hapon, pagkalabas niya galing sa summer class nya, dumidiretso sya dito sa cafe para mag-relax. Stalker ba? Hindi ah... ADMIRER AKO! Maganda kaya ako, sabi ni Inay.
Marami akong alam sa kanya dahil na rin kay Kuya Jun. Naging close na rin kasi sila dahil sa suki na nga sya ng cafe. Kaya sa tuwing makikipagkwentuhan sya kay Kuya Jun, yung tenga ko biglang lumalaki at biglang lumilinaw ang pandinig ko.
Hff... maghapon na akong nakatunganga. Alam nyo naman na hindi ganung kabenta sa mga pinoy ang coffee house dahil unang una, PARA KAPE LANG KELANGAN PA SA SOSYAL?! Kayang-kaya na yan ng 3-in-1! OK, opinion ko yun. Malay ko bang adik kayo sa starbucks?
TING TONG TING
Hay.. ayan na! 4PM na. Ibig sabihin, malapit na syang dumating. Any minute now, andito na sya.
Tumakbo muna ako sa may tapat ng coffee brewer para tingnan yung reflection ko. I’M FINE. Pwede na yan.
NEXT! Pumunta sa may pinto. Hintayin sya para pagbuksan ng pinto at paupuin sa favourite spot nya, sa tapat ng cashier.
AYAN NA SYA!
SHOOT! Bakit ba pag nakikita ko sya parang bumabagal ang lahat? Nagiging makinang ang paligid. Puno ng bulaklak na humahalimuyak dala ng hangin atsaka humahampas sa mukha nya nagiging dahilan kung bakit pumapayid yung buhok nya. Isang senyales na CRUSH NA CRUSH KO talaga sya. Nag-iiba ang lahat pag sya na ang nasa harapan ko.
“HOY THEA!” sigaw nung kasama ko. Ibig sabihin, iba na naman ang itsura ko... nakakatawa na naman. Lagi na lang kasi na pag nakikita ko sya, natutulala ako at nagmumukhang tanga sa pangangarap.
TING TING TING!
“Good Afternoon, Sir Onew!” binate ko sya pagkabukas ko ng pinto para sa kanya.
“Good Afternoon,too, Thea!” masigla nyang bati.
WAAAHHH!!! Nakita ko na naman ang mga ngiti nya. Sobrang lapad. Sobrang ganda. Grabe!
“Hi Sir Onew! Same order po?” tanong nung kasama ko sa may malapit sa cashier.
“Yes... make it two please?” sabi naman ni Sir Onew.
Two? Bakit? May kasama ba sya? Well, duh, obviously wala. Pero baka susunod na lang. Lalaki kaya o babae?
OUCH! Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Babae? May girlfriend na kaya si Sir Onew? Pagkakaalam ko, wala. Flings, meron. Pero girlfriend? Sabi nga nya kay Kuya Jun dati, wala daw sa isip nya ang pagpasok sa isang relasyon ngayon dahil may hinhintay raw sya.
Hinihintay? Baka dumating na yung hinihintay nya? Hay... Ano ka ba naman Thea?! Wag ka ngang malungkot! Wag ka ngang umarte jan na parang nagbreak kayo ng boyfriend mo! Karapatan ni Sir Onew na magkaroon sya ng girlfriend! Asa ka pa namang magugustuhan ka niya! Tingnan mo ang distansya nyo... LANGIT SYA! UOD KA LANG!