Chapter 8

7 2 0
                                    

It was not the last time that River drove me home. Actually, that was just the start.

Kapag may pagkakataon, I always have excuses para makasabay sa kanya.

I usually stay late at the library para hindi makasabay kay Red. Valid naman ang excuse ko since hindi kami pareho ng subjects at malay ba niya kung may mga assignments na binibigay ang professors namin. Si Khel naman ay mas nauunang umuwi dahil sumasabay siya sa pinsan niyang doon din nag-aaral.

Just like today.

Nasa library ako while lazily scanning a cookbook. Really self? At ito pa talaga ang napili mo.

I was just passing time. I was waiting for the clock to strike five. Dahil usually iyon ang oras ng uwian ni River.

Madalas dumidiretso na ako sa building nila. Naghihintay ako ng konti sa paanan ng hagdan pagkatapos makikita kong parating na din siya. Kapag naman wala pa siya sa first floor, umaakyat ako sa office ng Student Government and I always find him there sitting behind his very own desk.

Madalas ko pang makita roon sina Clayton at Juancho. Tinatanguan lang din nila ako. They're already familiar faces to me at talaga namang mga seryosong tao sila.

I don't know if River was spoiling me dahil sa tuwing nagpapakita ako sa kanya kapag hapon, hindi siya tumatanggi sa akin na ihatid ako.

Nang sa wakas ay five o'clock na, ibinalik ko ang hiniram kong book sa shelf at inayos na aking bag. Inilabas ko rin ang compact mirror ko at pinasadahan ng tingin ang aking mukha. When I'm contented, I stood up and made my out of the library.

Sakto namang pagkalabas ko ng building ay tumunog ang cellphone ko.

"Nixi, where are you?"

It was my cousin, Cole.

"O kuya napatawag ka! Nandito pa ako sa school."

"Okay. Malapit na ako sa school ninyo. Susunduin kita."

"Ah wait Kuya. Ahmm no need."

"I called Red. Tinanong kita sa kanya. Cannot be reached ka kanina. She told me na nagpaiwan ka pa sa library at wala kang kasabay pag-uwi."

"Ha? Meron!"

"Sino?"

Shit. Of course, I can't say his name. Mortal na kaaway ng kuya ko si River.

"Ah eh..balak ko magtrain na lang."

"No way. Maraming kidnappers ngayon at hindi ka nagmula sa isang ordinaryong pamilya. Huwag na huwag kang magcocommute."

Umiral na naman ang pagiging overprotective nito.

"Kuya, I'm a big girl now."

"Sa iyo na rin mismo nanggaling, you are still a girl. No buts. I'll fetch you now."

He ended the call.

I sighed deeply. Susunduin ako ni Kuya so that means hindi ako makakasabay kay River.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Sayang pa naman yung matagal kong paghihintay, almost two hours.

I went to the parking. At naroon na nga si Kuya at nakasandal sa kanyang sasakyan.

"There you are pretty." Nakangiting bati niya sa akin. He gave me a bear hug.

I hugged him back.

"Bakit mo pala ako hinahanap?"

"Wala lang. Namiss ko lang ang pinsan kong maganda. Saan mo gusto kumain? Tara Chili's tayo then arcade after." Excited na sabi niya sa akin.

I curled my nose. May utang nga pala sa akin tong loko na to. He promised me na lalabas kami once a month kapag college na ako. Since I started my college years, once pa lang niya ako inaya. And that was a lifetime ago.

Don't Let Me Forget YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon