Every Single Second Counts

83 2 10
                                    

Insert: Patawad, paalam by Moira and I belong to the Zoo. I was listening to this song while writing this.

---

They say time is short, too short to know everything about the world. Too short to feel the eternity of love. Well, I agree.

I don't have a problem before if I would spend a year or a single month with my true love because I think even a single second is impossible. I love my friend which is married right now with his dream girl. It may be sound ridiculous but I did help him to get his girl, his love of his life, to make him happy. That day I accept the truth that I would never have a chance to spend time with my true love since it will never happen. Actually it can, iyon lang hindi niya ako mahal.

Gusto ko pa rin maranasan na makasama ang taong mahal ko na syempre dapat mahal din ako. Iyong tipong kayang tawirin ang silangan hanggang kanluran para lamang masilayan ang ngiti ko. Iyong tipong ngiti pa lang niya kumpleto na ang araw ko. Iyong aabutin niya ang mga bituin sa kalangitan para sa akin tapos ipaglalaban niya ang pagmamahalan namin sa mga magulang namin. Magagawa niya ring isagaw sa buong mundo na ako ang mahal niya at kaya niya akong pakasalan sa lahat ng simabahan. Makakaya niya rin mapaputi ang uwak masuyo lamang ako, maghanap ng isang bulaklak na kulay bahaghari mawala lang ang tampo ko at kayang manatili sa akin tabi hanggang sa pumuti ang buhok ko.

Yes, I am hopeless romantic. Before.

Masasabi kong ako na ang pinakamaswerteng babae sa mundo noong nakilala ko si Lincoln. He was an Architect student sa isang kilalang paaralan. Matagal ko na siyang nakikita noon sa mga cafe at mga tabing restaurant ng school namin dahil na rin magkatabi ang eskwelahan na pinag-aaralan namin. Pero kahit matagal ko na siyang kilala, kailan ko lang siya napansin dahil na rin nakatuon ang buong atensyon ko kay Francis.

It was a gloomy day when we had our first interaction with each other. Nakatambay ako sa cafe na tapat lang ng school namin. Kahit masingkit na ang mga mata ko ay nagawa ko pa rin itong paliitin dahil sa inis kong nararamdaman. Kitang-kita ko kung paano sinusuyo ni Francis si Perry.

Ang babae naman na iyon ay puno ng kaartehan sa katawan at nagawa pang snob-in si Francis at ang mga dala nitong rosas at tsokolate para sa kaniya. Kala mo naman maganda, well, she is really beautiful, but it doesn't give her the right to snob Francis. For her information, Francis was sick! Sick! I will be at her side if it is an important shit but it's not.

Hindi niya man lang kinamusta 'yong tao kung ayos lang ba at aba! Nagawa pang mag-inarte at nag-amba na makikipagbreak 'pag hindi sinuyo. Tirisin ko anit nito!

"Ahm, excuse me can I sit here?" Isang tanong mula sa hindi ko kakilalang tao. Hindi ko na siya nilingon pa at abala ako sa pangtotorture kay Perry na may lahing demonyita.

Tumango lang ako at hinayaan siyang umupo.

Wala naman akong kasama at isang milktea lang naman ang inorder ko, nahihiya rin naman ako sa may-ari ng cafe na 'to at isang oras na ata akong nakaupo rito.

"'Pag talaga ako nagkaroon ng pagkakataon na matiris ko 'yang fake mong kilay humanda ka." Bulong ko sa sarili ko habang tinititigan ng masama ang kampon ni satanas.

May pairap-irap pang nalalaman. Tumirik sana ang mga mata niya nang tuluyan. Nakita ko ang pasimple niyang pagpunas sa mga peke niyang luha at hinarap na rin sa wakas si Francis at may pasimple pang hampas sa kaniya. Itong babaeng 'to tsansing ka ha!

"Hindi kaya magliyab na iyong magsyota sa labas dahil sa sama ng titig mo." Napalingon ako sa lalaking nakiupo sa mesa ko dahil sa kaniya ko narinig ang mga katagang iyon.

Makapal na kilay, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at mapupulang labi ang sumalubong sa pagmumukha ko pero imbis na mabighani ay lalo lang akong nainis.

Every Single Second CountsWhere stories live. Discover now