{CHAPTER 4}
Papasok na ako ngayon kasama si kuya Jasper. Gusto ko din sana na mag taxi pero ayoko. Syempre sayang din yong pamasahe ko.
"Take care!"pahabol na sigaw ni kuya
Natapos na ang klase namin sa umaga. Kaya pupunta ako ngayon sa Principal's office para umoo sa offer niya. Sayang naman kasi yung magiging ipon ko diba. It's not that I wanted to live in hell. Well of course ikaw ba naman 'yong magturo sa isang Matteo na well known bully. Halata naman kasi.
"Samahan na kita?" tanong ni Alyssa ng sinabi ko na pupunta ako sa Principal's office.
"Ha? Hindi na! Tsaka baka ma boring ka lang do'n " pangungumbinsi ko sakanya.
"Sure ka ba?" paninigurado niya.
"Oo naman. Thank you!" tumawa pa ako para hindi siya makahalata na nagsinungaling lang ako.
Papunta na ako sa Principal's office. Hindi naman masyadong malayo kaya nakarating ako ng madalian lang. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Oh Isabella ikaw pala. Nakapag desisyon ka na ba? Maupo ka" aniya.
"Pumapayag na po ako pero puwede po bang mag pa alam na? Pupunta po kasi ako sa uno bar sa Saturday po. Gig po kasi donn yung kuya ko,gusto ko po sana manood?"
"Of course. Nagpaalam nga din saakin si Matteo, Saturday din 'yon. "
Ngumiti siya at ganon din ako. Baka sabihin niya na napipilitan lang ako na totoo naman talaga. Ayoko din na ipahalata sakanya na napipilitan lang din talaga ako.
"Ahh Opo kabanda po nila kuya si Matteo "
"I see" aniya
Lumabas ba ako sa office. Aniya'y magsisimula daw ang pagtuturo ko ngayon. Sasabay nalang daw ako kay Matteo na pupunta sa bahay nila. Bakit?! Pwede naman ako mag taxi na lang or something diba?! Uhmmm.
"Bilisan mo baka may makakita pa sa'tin dito at pagkamalan tayo. Baka sabihin na mag on tayo or something. " aniya.
"Ano? Wala nga akong gusto sayo, e. 'yong maging tayo pa kaya?!" naiirita kong sabi.
"Asus nasa endenial stage ka pa lang. Pero hayaan mo alam na alam ko na 'yong mga style niyong ganyan. Kayong mga babae talaga. "Aniya sabay ngiti.
"Huh! You wish!" singhal ko.
Ang kapal ng apog niya diba. Hindi ko na lang siya pinatulan. Bahala siya diyan. Kung bakit pa kasi dito eh kung pwede naman sa isang coffee shop nalang. Pero Baka mag sasara na sila anytime soon. Kaya hindi na lang ako aarte. Sa bahay nalang talaga nila ang pwede naming mapupuntahan. Sana nga hindi niya ako pahirapan sa pagtuturo sakanya.
Naalala ko si Kuya Jasper. Itetext ko nalang siguro para mag paalam.
Me:
Kuya huwag mo na akong hintayin ngayon. Pupunta kami Kila Matteo. You know. I'm his tutor.
Pagkarating namin ay tinignan ko ang bahay nila. Spanish style, hindi naman Mukang Luma Pero ang ganda. Bumukas yung malaking gate na may "DOMINGUEZ " sa taas Kulay gold. Meron pang fountain sa gitna tapos sa baba naman niyong ay may mga bulaklak.
"Kailan pinagawa 'tong bahay niyo?" tanong ko
"I don't know " aniya sabay tingin din sa bahay nila
Pagkapasok namin sa bahay nila ay agad kaming sinalubong ng mga maid nila. Hindi naman sila marami pero sakto lang. Ang laki ng bahay nila.
"Doon ka nalang umupo" aniya sabay turo niya sa sofa.
YOU ARE READING
Forgiving Heart (completed)
RomanceLove is a great attraction to someone. Love can also include sacrifices, too complicated and too risky. Kaya ba ng isang Matteo Dominguez ang mapaibig ang isang Isabella Villiafuente kung ang pananaw niya ay isang distraction lamang ang love? Can...