2020

6 2 0
                                    

Vacant namin ng tatlong oras, may huli pa kaming klase sa Calculus mamayang 9PM. Kaya naman napagpasyahan kong pumunta muna sa tambayan naming magkakaklase. Umaalingasaw ang ingay nila, ang iba ay natutulog sa sulok, samantalang ang iba ay inaaliw ang mga sarili. At siya. Tahimik na nakaupo sa gilid habang nagce-cellphone.

Umupo nalamang ako sa isang sa isang upuan malayo sakanila para naman makatulog ako dahil literal na tatlong oras lang ang tulog ko kakaayos ng mga plates namin.

Hindi pa man din ako dinadalaw ng antok ay napatingin ako sa mga kaklase kong paunti-unting nagsisialisan sa tambayan.

"Uy, saan kayo pupunta? Di pa 9 ah?" Tanong kong puno ng pagtataka, pero parang wala silang naririnig. Kaya naman kinuha ko ang bag ko at dali daling tumayo kaso...

"Nicole" ... may naramdaman akong kamay na kumapit sa braso ko. Halos kilabutan ako at mangiyak nang marinig kong muli ang boses na iyon na tinatawag ang pangalan ko. Pakshet, sobrang miss na miss ko na yun.

Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Naguguluhan ako. Dapat ba akong umalis at iwan siya ng parang bula o dapat harapin ang mga mata niyang kahit hanggang ngayon ay may kakayahan paring magpakilig sa akin.

"Oh, Josh. Bakit?" Tinitigan ko siya mata sa mata at nagpakawala ng isang alanganin ngunit sinubokang-gawing-matamis na ngiti. Hindi ko dapat ipakita sakanya kung gaano ako nanghihina ngayong nasa harapan ko na uli siya. Dahil kapag nangyare yun, talo ako. Talo na naman ako.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Takte, bakit parang naluluha niyang sabi? Takte, umayos ka Nicole. Wag kang magpapaapekto.

Umupo ako sa dati kong pwesto, kumuha siya ng isa pang upuan at umupo na rin. Hindi kami magkaharapan, magkatabi lang kami at parehong nakatingin sa katapat naming mga iba pang upuan.

"Musta ka na?" Umpisa niya.

"Eto naghihingalo sa mga plates saka sa iba pa nating subject hahaha." Pilit kong itinawa ang sinabi ko para di maging awkward masyado ang atmosphere naming dalawa.

"Aww, ganun ba? Hahaha"

"Oo eh. Ikaw?" Tanga. Pwede naman na sanang itigil nalang doon ang usapan, bat nagtanong ka pa, self?

"Lumalaban pa"

"Ah, tama yan. Laban lang"

"Sana all lumalaban HAHAHAHA" Bigla niyang biro na ikinagulat ko at napatingin sakanya nang hindi sinasadya. Nakatingin lang siya sakin mata sa mata at nakangiti. Bwiset na ngiti yan Josh! Tangina. Yan yung ngiting gustong gusto ko lagi makita eh.

"Eh? Edi wow hahahahaha"

"Nicole"

"Hmm?"

"Sorry..."  Josh, wag mo nang tapusin please.

"... sorry kasi mas inuna ko pride ko. Sorry kasi napagsalitaan kita nang hindi maganda. Sorry kung di kita pinakinggan.  Sorry kasi alam kong nasaktan kita. Sorry sa lahat ng ginawa ko Nicole."

"Josh, ano ka ba? Hahaha" Pilit kong tawa habang siya tuloy tuloy pa rin ang paghingi ng tawad.

Takte naman Josh oh, ano ba to? Hahahaha.

"Nicole please, please balik ka na. Sobrang miss na kita. Di ko kayang mawala ka Nicole please. Please magbabago ako please balik ka na." Hindi ko na kinaya ang lahat nung makita kong may pumapatak na na luha mula sa mga mata niya. Hindi ko kayang marinig ang nanginginig niyang boses. Hindi ko kayang makita yung itsura niya ngayon na nagmamakaawa sakin nang ganito.

Bitaw NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon