Prologue

19 0 0
                                    

Napatulala ako sa pader ng waiting shed habang hawak ang isang stack ng papel na mayroong pangalan at litrato ko. Halos wala nang espasyo para sa mga bagong papel na ididikit ko, yung iba nga'y naninilaw na ang papel. Isa isa kong pinatungan ang mga papel na naninilaw na ng ilan sa mga poster na hawak ko habang bumubuhos ang ulan at malakas pa ang pagkulog at sunod sunod ang pagkidlat, mukha ngang magtatagal pa ako sa waiting shed na ito dahil tanging ang motor ko lang ang gamit ko at hindi ko rin naisip pang magdala ng kahit anong pwedeng pananggalang sa ulan.


Hindi ko inakalang isang araw, dadating pala ako sa point na mapapasama ang sarili kong portrait at pangalan dito mismo sa pader na punong puno ng mga missing posters--and my biggest wtf moment is that I'm the one pasting it. 

Ako lang din naman ang maghahanap sa sarili ko. Walang itinuturing na kaibigan si Aji Quizon kundi si Ada Quizon lang, ang kakambal ko, and I've been assuming my twin sister's identity for days for the sake our safety. Hindi namin alam kung ako nga ba o sya ang pakay nila, ilang araw na din mula nang huling makarinig ako ng balita mula sa kanya. 


Mas lumakas pa ang hangin at nilipad ang ilan sa mga papel na hawak ko kung kaya't niyakap ko ang mga natira pang poster. Ang ilang mga nilipad ng hangin ay nabasa na ng ulan at ang iba naman ay nahulog lang sa paanan ko. Yumuko ako para pulutin ang mga poster na pwede ko pang magamit at napaatras ako nang may isang kamay na nag-abot sa akin ng iilan pang papel.


Nagiisa lang naman ako sa lugar na ito kanina at halos wala naman talagang taong dumadaan dito sa tuwing ganito ang panahon, walang bus o mga sasakyang magdadahas na dumaan sa madulas na kalsadang ito kapag may bagyo. Wala din naman akong naramdamang pagdating ng kung sino.


"Alexandra Jane Quizon..." sambit ng isang hindi pamilyar na boses. 

Saka lang ako nagdesisyong tingnan sya mata sa mata at agad lang akong tumango bilang tugon.

"Siya nga po," kasabay ng pagsasalita ko ay kinuha ko ang mga flyer sa kamay nya at iniwan sa kanya ang isa. "Nawawala po ang kakambal ko. Pakitawagan nalang po itong number ko kung sakaling makatanggap po kayo ng balita sa kanya." 

"Saan mo sya huling nakita?"

"Noon pong nakaraan. Alam ko pong nakita nyo kami doon, nasalubong ka po namin nung--"

"Sigurado ka bang doon sya nawala?"


Tango lang at isang tipid na ngiti ang isinagot ko at hindi na ako muling nagsalita pa. Naghari ang katahimikan sa pagitan namin kaya agad ko nang idinikit ang iba pang mga poster sa mga natitirang espasyo sa pader. Ramdam ko pa ding nasa likod ko lang sya at hindi pa umaalis.


"Napagmasdan mo bang mabuti 'yang pader na pinagdidikitan mo ng missing poster ng kapatid mo?"

Natigil ako sa pagdidikit ng mga poster at agad ko ding sinundan ng tingin ang iba pang mga posters na nasa harap ko. Ang iba sa mga ito, sampung taon nang nakadikit, ang pinakarecent bukod sa missing poster ko, dalawang taon na ang itinagal dito sa waiting shed. 

Sa tinagal tagal, walang nagdikit dito ng kahit isang campaign ad, wala ding nagtatanggal ng mga missing posters. 

"Tumatakbo sa bulung-bulungan ang buhay sa Arrabona. Hindi mo ba alam na lahat ng mga nakapaskil sa mga missing posters na nandyan, pinapatay nila?"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alexandra, Presumed DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon