Chapter 11

48 4 0
                                    

Gaya nga ng sinabi ko, pagkatapos kumain ay inikot ko sila sa bahay namin. Since alam na nila yung sala, dining area, at kusina sa first floor, nag simula kaming umikot sa garden

"Andami nyong halaman. Ang gaganda pa, mukhang nadidiligan araw-araw" puna na naman ni Lexter habang tinitignan nya yung sunflower namin dito sa garden

"Ah, oo. Bilin kasi ni mama yun sa mga maids na from time to time, diligan sya para mamunga" sagot ko sa kanya

Next naman ay yung swimming pool area kung nasaan sila kuya

"Kuya, ikot ko lang sila sa bahay ah" pinangunahan ko na si kuya bago sya nag tanong

Agad naman syang tumango at binaling ang kanyang tingin kay ate Aya na ngayon ay nag iihaw ng barbeque

Sana all

Nung nakita ako ni ate Aya, agad nya naman akong pinalapit kaya sumunod ako

"Oh, bigyan mo din sila ah" sabi nya sa akin at binigay sa akin ang limang barbeque sticks

Ngumiti ako sa kanya, "Salamat ate"

Pagbalik ko ay inabot ko naman sa kanila yung barbeque na bingay ni ate Aya

"Pakisabi salamat ah" sabi ni Yasin at kumagat na sa stick nya

Hindi na kami masyado nag stay pa dun sa pool area dahil nga nandoon sila kuya. Ayaw na rin naman nila kasi dahil nakakahiya makisiksik doon

Pumasok nalang ulit kami sa bahay para pumunta sa second floor

"Bale dito sa second floor kasi, puro kwarto sya and eklavu" sabi ko sa kanila habang umaakyat kami ng hagdan

"Pansin ko lang, hindi tayo dito dumaan kanina ah. Mas engrande ito" sabi ni Yasin

"Malalaman nyo mamaya kung bakit"  biro ko sa kanya

Unang makikita sa left side ay yung kwarto ko, at sa right side naman ay kwarto ni kuya. Hindi ko na pinatingin pa sa kanila dahil makalat, at nakakahiya yun

"Ano ito?" Tanong ni Evron dun sa maliit na switch sa gilid ng dingding

"Ah, ginagamit namin sya tuwing gabi. Pagkamadilim, pipindutin yan tapos magkakailaw" explain ko sa kanya at tumango naman sya

After nung kwarto namin, may sliding door sa magkabilang dingding na makikita, at pag binuksan yun, terrace sya

"Tapos, ito yung masters bedroom" sabi ko nung nakarating kami sa dulo ng hallway

"Para saan yung pintong ito?" Tanong ni Derron at tinuro yung pinto sa kanan ng masters bedroom

Since may pinto sa kanan nito at nasa kaliwa nito yung hagdan paakyat sa third floor

"Pare, pag binuksan mo yan nasa kabilang dako ka na ng mundo" biro ni Lexter sa kanya kaya sinamaan sya ng tingin

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon, "Bale, ito yung second floor 2.0 HAHAHA" tawang sabi ko at pumasok

Tawag namin ni kuya na second floor 2.0 yun dahil nandito yung entertainment room, gym room, laundry room at kung ano-ano pa

"Una syempre ay yung banyo, ayan" sabi ko at binuksan ang unang pinto sa kaliwa

Sinara ko naman sya agad. Sumunod ay yung maids room naman at yung mga guest rooms. Again, hindi ko na sya binuksan pa. Next ay yung entertainment room, gym room, at yung laundry room nga

"Shete, ang yaman ah. Naka marble yung sahig" puna ni Lexter pagbukas ko ng entertainment room

"Huy may recliner seats oh!" Gulat na sabi ni Evron

Tinapik naman ako ni Yasin sa balikat, "Ikaw na talaga!"

Tumawa naman ako at sinara na. Sumunod ay yung Gym room naman ang binuksan ko. Panigurado mas mag rereact sila dito

"Shete! Lahat ng equipments nandito!"

"Pwede bang dito nalanag ako mag gym?"

"Woah"

"How to be you po?!"

Oh diba, I knew it

"Lahat ba ginagamit nyo?" Tanong ni Evron sa akin

"Hindi lahat, pero kung sinisipag kami, most likely half nito nagagamit" sagot ko sa kanya naman

Sandali pa sila namangha bago mag aya bumaba

"Ito yung reason oh, Yasin. Dito tayo kanina bumaba" puna ko at tinuro yung staircase sa tabi ng Gym room at entertainment room

"Ah, connected din pala sya sa baba. So, dalawa yung hagdan nyo?" Sabi nya sa akin

"Yup. Yun nga lang, yung nasa sala, glass sya. Dito, kahoy lang" explain ko sa kanya at doon bumaba

Hindi an namin inikot yung third floor dahil studio room at office room lang naman sya

"Naka sound proof ba yung studio mo? Kasi diba may office dun, eh most likely dapat tahimik ang paligid pag ganon" sabi sa akin ni Evron habang bumababa kami

"Uh oo. Pinasadya sya talaga ni papa" sagot ko

Pagkababa namin sa first floor, ay nakita ko naman na papasok na sila kuya mula sa garden

"Oh, so the difference between the two staircase ay yun una, sala ang makikita mo, but here, yung dining agad" sabi ni Derron naman

First time ata na ang haba ng sinabi nya

Agad akong tumango sa kanya, "Yup, exactly"

Nag desisyon kaming maupo nalang sa sala habang iniintay ang sundo nilang apat. Mauna masundo sila Yasin kaya hinatid ko sila sa mismong gate

"Salamat, Yasin at Evron" paalam ko sa dalawa bago umalis sasakyan nila

Maya maya naman ay dumating ang sundo ni Lexter. Ihahatid ko pa nga sya sana sa labas kaso tumanggi sya

"See you sa school sa Monday, alright" paalam nya sa akin bago sya tumayo

"Yup. Ingat ka" sagot ko sa kanya at tumango sya

Naiwan naman kaming dalawa ni Derron dito sa sala. Wala sila kuya dahil nasa entertainment room ulit sila. Mamaya, pagkaalis ni Derron susunod ako sa kanila. Nakakinggit ah

"Parating na ba sundo mo?" Tanong ko sa kanya

Tinignan lang nya ako, "My driver said, he's on his way"

Tumango ako. Tsk, suplado ah

Meron ba sya?

Nanaig ang katahimikan sa amin at naputol lang iyon nung may mag door bel. Panigurado sundo nya na yon. Tatayo na sana ako kaso pinigilan na nya ako

"Stay there. I can handle myself" awat nya sa akin

Tinanguan ko naman sya, "Ok, see you sa school"

Tumango naman sya sa akin bago sya lumabas ng pinto. Tinignan ko pa sa bintana kung nakaalis ang sasakyan nya bago ako umakyat sa entertainment room. Pagkarating ko doon ay agad akong pumasok doon

"Oh, nakauwi na bisita mo Kee An?" Tanong sa akin ni ate Paris

Naupo ako sa tabi ni Kisha na ngayon ay kumakain ng popcorn, "Opo ate"

Ganon lang kami hanggang sa matapos ang movieng pinapanood namin. Hindi ako masyado nakanood since nararamdaman ko ang vibrate ng phone ko sa bulsa

Third year band

Yasin: @Kee An Leonda thank you ulit

Yan yung pinakarecent na message. Hindi na ako nag back read pa dahil nanonood nga ako. Mahigit kumulang 200+ din yun noh. Nakakatamad kaya

--------------------------------------------------------

Crazy Enough To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon