PROLOGUE

32 4 2
                                    

PAALALA

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

(Wrong grammars ahead)

"Sana 'di mo nalang ginawa Ma," nag-aalalang tugon ko kay Mama ngunit inirapan lamang ako nito.

Ilang beses na itong nangyare at ilang beses ko na rin siyang pinagsabihan tungkol dito. Sana naman ngayon magsawa na siya at tigilan na.

"Will I be sorry for that? Ofcourse not!" pahisterya niyang sabi.

Napailing nalang ako sa iritasyon. Nakakainis! Ang tanda-tanda na niya pero nasasangkot parin sa mga gulong dapat sana'y pambata. I can't even imagine reading articles with her name on it!

'A 45 years old woman had a fistfight with a 50 years old man'

'Suntukan ng dalawang matatanda sa mall, nag-trending!'

"You're a woman with class, yet you're involved to such nonsense!" patuloy kong pangangaral sa kaniya.

Pinandilatan niya ako ng mata. Tila ba may nasabi akong mali.

"What? You call that nonsense, hija?" sabay hilot niya sa kaniyang sentido. Problemadong-problemado sa mga naririnig mula sa'kin.

Ano ngayon ang pakiramdam na sinesermonan?

Nakakapanibago lang na bumaliktad na ang sitwasyon. Kung noon kami ng kapatid ko ang pinagsasabihan dahil sa sunod-sunod na pakikipag-away sa ibang bata, ngayon naman yung nanay namin ang nagiging pasaway.

"Calm down babe," singit ni Renver na abala sa pagda-drive.

Paano naman ako kakalma sa lagay na 'to? Sa t'wing naaalala ko ang mga pangyayari kanina'y parang magkaka-altapresyon ako.

"O, sige! Lapit ka rito panot! Subukan natin yang tapang mo," hamon ni Mama sa matandang lalaki na kanina pa niya hinahamon ng suntukan.

Kararating lang namin ni Renver dito sa mall dahil nabalitaan naming nasangkot na naman sa isang gulo ang nanay kong pasaway.

Agad na nilapitan ni Renver ang matandang lalaki at agad na pinakalma, samantalang pinigilan ko naman ang inang halos umusok na ang ilong sa galit.

"Mama tara na po," sabay hila ko sa kaniya papalayo sa kaaway.

Akala ko okay na siya dahil sumunod naman siya sa'kin, yun pala bumubwelo lang para atakihin ang kabila.

Dahil sa sobrang bilis niyang  tumakbo ay hindi ko na siya nahabol. Basta-basta nalang nitong sinuntok ang lalaki na agad rin namang gumanti sa kaniya.

Next thing we knew nasa Admin Office na kaming lahat. Ayaw pa sanang pumayag ni Mama na pumunta rito kaso wala na rin siyang nagawa nung pinangakuan siya ni Renver na aayusin ang lahat ng gusot.

"Good thing you're with us, Renver. Kase kung wala ka paniguradong yayabangan lang kami nung matandang panot na 'yon."

They both laughed. Magkasundong-magkasundo ang dalawang ito. Parang mas anak niya pa ito kesa sa'kin.

"Nag champion ka pala sa boxing, Tita," biro niya.

Hindi na ako nakisali sa usapan nila. Renver's busy driving while talking to my mom. Usapan parin ang tungkol sa nangyari.

Umabot rin sa point na sinabi niyang nanghinayang siya sa bag na naging sanhi ng away. Gustong-gusto niya iyon at nagiisang design nalang kaso nakuha na nung matandang lalaki.

NEVER PROMISED (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon