11.
Just a minute after Wade came ay dumating din si Tristan na may kasamang dalawang security guard. Hingal na hingal sya at halatang tumakbo ng malayo. Nadatnan pa nilang nakatutok ang baril ni Wade sa lalaking nagtangkang kidnap-in ako kani kanina lang.
Nagulat si Tristan ng makita akong nakasalampak sa sahig kaya dali dali syang lumuhod kapantay ko.
"Ayos ka lang ba?" sinasabi ng mata nya ang matinding pag aalala.Pero imbis na sumagot sa katanungan nya ay tinuro ko ang kriminal na nasa harapan ko.
"He tried to abduct me"Napalingon si Tristan pati na din ang kasama nyang security sa lalaking nakataas ang mga kamay sa ere ngayon.
"Arrest him" utos ni Wade. Itinayo ako ni Tristan at pinadaan ang dalawang security na pinoposasan ang lalaking iyon.Hindi pa ito nakakalayo ay dumating si Beverly galing supermarket na namumutla. Naabutan nya pa ang eksena.
"What the hell just happened?" nakatulala lamang ako habang pilit sini-sink in ang nangyari. Tristan tried to explain to Beverly.Lumapit sa akin si Wade. Hindi ko alam kung anong super powers Ang meron sa lalaking ito at kung saan saan sumusulpot. Nagulat ako ng idinikit nya ang hinlalaki nya sa gilid ng labi ko kaya nasampal ko sya. Napatigil sa pag uusap ang dalawang nasa likod namin. Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko.
At doon ko lang narealize na pinunasan lang ni Wade ang dugong nasa labi ko.
"I'm sorry." mabigat kong buntong hininga. Lumapit muli si Tristan."Did he hurt you?" umiling ako.
"I bit his hand until his skin almost fell out" I know it's gross cause Beverly made a face about it. But I think it's survival.
"We have to report this to Wendy" nakapamewang na saad ni Wade.
"Nasabi ko na sakanya kanina. Sa sobrang taranta ko sa tawag ni Tristan ay natawagan ko si Wendy at sinabi sakanya ang nangyayari"Mabilis ang naging pangyayari at naghiwalay kami nila Beverly at kay Wade ako sumama. Sabi nya ay pupunta kami sa headquarters at irereport ko kay Wendy ang nangyari. While Tristan and Bev went home.
Nasa shotgun ako katabi nya na syang nagdadrive. Walang umimik sa amin sa unang mga minuto subalit binasag nya ang katahimikan ng magsalita sya.
"You're not being attentive. Kung hindi ako dumating at nakuha na ng lalaking iyon ang baril at tinamaan ka"
I hope he knew just how much I tried to reach out for that gun.
"He's not gonna shoot me. Kahit hindi ka pa dumating ay hindi ako babarilin ng lalaking iyon." alam kong gusto nila akong makuha dahil may impormasyon silang gustong malikom galing sakin. Therefore, they won't hurt me.
Almost 7 pm ng marating namin ang headquarters. Dumiretso kami sa last floor which is ang office nila Wendy. Ito pa lang din ang floor na nalibot ko.
Pagpasok namin sa mismong opisina nya ay nakatayo at nakatanaw sya sa glass window, kitang kita ang city lights at ilaw ng mga sasakyan na nakikipag gera sa traffic. May hawak syang baso ng wine ng lingunin nya kami. Inilapag nya ito sa drawer na malapit at lumakad palapit sa amin.
"Are you both okay?" subalit walang sumagot sa tanong nya.
"It was an attempted abduction if I arrived any later than I did" hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may pagkamayabang ang pagkakasabi nito ni Wade.Umupo kaming tatlo at doon ko isinalaysay ang nangyari.
"Walang duda na ang mga Mercenaries ang nasa likod nito. They probably want you as their bait to get the night watch back" kumento ni Wendy."And I remember that man. He was the same man from that night" tulala kong saad. Napatingin naman si Wendy kay Wade na may nagtatakang mukha.
"I thought you killed them all" but Wade just shrugged.
BINABASA MO ANG
The Nightwatch
Mysterie / ThrillerLittle did I know how a mere watch could alter my prosaic life into a tangled one and unveil secrets that were kept concealed from me for a long time. Date Started: December 17, 2019 Date Finished: May 29, 2020 Completed✔️