Kinagabihan...
Hindi ako lumabas ng bahay maghapon. Wala akong gana. Hindi ako dumaan sa shop. Buong maghapon akong naghintay na may darating na Danny, magtetext o tatawag man lang. Pambihira, magkalapit lang kami ng bahay!
Nakahiga na ako at tulala lang akong nakatitig sa kisame. Maya maya ay may biglang nagchat sakin sa messenger, dali dali ko itong kinuha saka tiningnan kung sino ito.
Inexpect ko talaga na si Danny ito, pero nagkamali ako. Meron akong message request galing kay Angeli! Biglang bumilis ang pintig ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Parang nanginginig pa akong binuksan ang mensaheng iyon.
Nagsend siya ng photo. Screen shot ito na magka-video call sila ni Danny! At parehas pang parang kilig na kilig na nakatawa ah! Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung ano na tong nararamdaman ko.
Ilang segundo lang ay nireplyan ko ito.
"Ano yan?" maikling tanong ko.
Hindi siya nagreply. Naghintay lang ako ng dalawang minuto sa reply niya, pero hindi ito nagreply, sineen niya lang. Kaya nag-chat ulit ako.
"Sini-send mo ba sakin yan para pagselosin ako?" irita kong tanong.
"Hahaha! Nag-work naman ba?" aba! Naghahanap ba to ng away?
"Pwes, hindi ako nagseselos. At wala akong pake kahit maghapon, magdamag pa kayong mag-usap jan." Sa totoo lang naiiyak na ako.
"Uh-oh... pasensya kana ha... heto kasing si Danny, tawag ng tawag, hmmm alangan namang i-reject ko diba? Ansama ko namang tao kung ganun." ano bang gusto nitong mangyare?
"Nilalandi mo ba ang boyfriend ko?!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko!
"What a word! Nilalandi? Baka nakakalimutan mo, mas nauna akong minahal kesa sayo! At ano naman ang magagawa ko kung, bumabalik na siya sakin? Haaayysss... kawawa ka naman. Nagsisisi kana ba dahil nagpagamit ka sa kanya? Baka nga kapag nag-se-sex kayo, ako ang nasa isip niya!" Naramdaman ko nalang bigla ang mga luhang umaagos na sa aking pisngi. Humihikbi na ako at patuloy lang ang pag-agos ng aking mga luha.
Hindi ko na magawang magreply, pinatay ko nalang ang cellphone ko at isinubsob ang mukha ko sa unan ko. Iyak lang ako ng iyak. Nakadapa na akong humahagulgol sa iyak. Sobrang sakit. Parang tinutusok ng libo libong karayom ang puso ko sa sobrang sakit.
Napagod na siguro ako sa kakaiyak dahil hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Nagising nalang ako nang kumatok si Manang Josie.
"Ma'am Eunice? Nandito si Sir Danny sa baba. Gusto ka raw makausap." ayoko na muna siguro siyang makita. Gusto ko na munang mapag-isa.
Hindi ako sumagot kay Manang Josie."Ma'am Eunice?" tawag pa ni manang Josie, pero hindi ko ito pinansin. Ipinikit ko nalang ang mga mata saka tinakpan ng unan ang tenga ko.
Pagkatapos nun ay bigla nang tumahimik sa labas. Umalis na siguro yun.
Dalawang minuto lang ang lumipas ay kumatok na naman ito. Pero hindi ko parin ito pinansin. "Babe..." Nang marinig ko ang boses ni Danny ay bigla ko nalang naibukas ang mga mata ko.
"Babe... pagbuksan mo naman ako oh..." sabi pa nito. wala talaga akong balak na buksan ang pinto kaya mas idiniin ko pa ang unan na nakatakip sa aking tenga.
mga limang minuto ang nakalipas ay wala na akong narinig sa labas. Maya maya pa ay parang may narinig akong mga susi. Susi? Naku, may susi pala kay manang Josie! Naiyak nalang ako bigla. At hindi ko na naman mapigilang mapahagulgol.
"Babe?..." nabuksan nito ang pinto. Agad naman itong lumapit sakin saka pilit na kinukuha ang unan na itinatakip ko sa tenga ko. At nagtagumpay nga ito.
BINABASA MO ANG
Love and Lust Part II
Любовные романыPAALALA: Ang istoryang ito ay napakaraming kalaswaan! Kung hindi ka open minded, mas better kung 'wag mo nalang itong basahin. Para lang ito sa mga mambabasang open-minded! Si Eunice ay isang independent na babae. Sa murang edad ay pagkakakitaan na...