Isang malakas na pagsipol ng hangin ang sumalubong sa akin habang papalabas ako ng eskwelahan.Tumingala ako at napansin ang makulimlim na kalangitan." Nakakapagtaka wala namang sinabi sa balita na uulan ngayon?". Muling umihip ang malakas na hangin at tinangay nito ang hibla ng aking buhok kasunod nito ay ang malakas na kulog at pagguhit ng kidlat. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang unti-unting pagdampi ng mabibigat na patak ng ulan sa aking balat. "Oh crap! I forgot to bring my umbrella!". Agad-agad akong tumakbo sa waiting shed na malapit sa school at pumara ng traysikel. Halos basa na din ang kalahati ng aking uniform dahil sa ulan. Tiningnan ko ang loob ng aking bag at napansing medyo nabasa din ng ulan ang iilang pahina ng aking mga libro at notebooks.
"Kung sinuswerte ka nga naman..." mahina kong saad sa aking sarili habang umiiling.
Sumilip ako sa labas at napansing tila mas lalo pang lumakas ang ulan. Halos hindi narin makita ang makipot na daanan patungo sa kalapit na bayan na aking tinitirhan dahil sa lakas ng ulan at unti-unting pagkagat ng dilim dahil malapit na rin pumatak sa ala sais ang oras.
"T-teka m-manongg..parang iba na po yata ang dinadaanan natin." Saad ko ng mapansing tila ibang direksyon na ang tinatahak namin ngayon.
Tiningnan ko ang drayber ng sinasakyan kong traysikel ngunit hindi manlang ito umimik. Malikot ang mga mata nito habang nakatitig sa aming dinadaanan. Sinilip ko ang labas at nakitang papasok kami sa isang masukal na kagubatan. Kinabahan ako ng biglang kumurba ang gilid ng kanyang mga labi. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa aking bag at akmang tatalon na sana ng bigla nitong binilisan ang pagpapatakbo ng traysikel.
Halos hindi ko na marinig ang malalakas na patak ng ulan dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Sunod-sunod din ang pagpatak ng aking mga luha. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at pilit na nag-iisip ng mga paraan na pwede kong gawin upang makatakas.
"Screeeeeetchhhh!!!..." Nagulantang ako sa lakas ng pagkakaapak sa preno ng drayber. Halos mauntog ang ulo ko sa lakas ng impact na idinulot nito.
Bumaba ang drayber at halos mawalan ako ng hininga ng makita ang pagbunot nito ng isang maliit na punyal mula sa bulsa ng maong na pantalon na suot nito. Tila may kakaiba sa mga ngiti nito. Di na ako nag dalawang isip na bumaba ng traysikel at tumakbo. Sobrang lakas ng ulan kaya di ko makita ng maayos ang daanan. Hirap din akong tumakbo dahil maputik at madulas ang lupa. Nagulat ako ng may biglang humablot sa buhok ko.
"Arghhhh!!! Bitawan mo ako!!!.." Sigaw ko habang namimilipit sa sakit dahil sa lakas ng pagkakahawak nito sa aking buhok na halos kumawala na sa anit ko.
Isang nakakapangilabot na tawa lamang ang pinakawalan nito habang kinakaladkad ako pabalik kung saan naka park ang kanyang traysikel.
Halos sumubsob ako sa putikan ng bigla ako nitong bitawan. Sinubukan kong tumayo para tumakbo at tumakas ulit ngunit marahas ako nitong hinawakan sa magkabilang braso at patalikod na itinali ang aking mga kamay pati na ang aking mga paa dahilan para tuluyan akong masubsob sa putikan. Pumunta ito sa kanyang traysikel at may kung anong kinuha sa loob nito. Bumalik ito na may dala-dalang maliit na bote na may lamang kumikinang na berdeng likido sa loob. Tiningnan ako nito at muli na namang sumilay ang kurba sa gilid ng kanyang mga labi. Yumuko ito at mariing hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit ang isang kamay.
"Finally, the long wait is over..." saad nito na may halong kasiyahan na mababakas sa mukha.
Binitiwan ako nito at mas lalo akong nanlamig ng muli nanaman nitong inilabas ang maliit na punyal na nakita ko kanina. Agad akong napa atras habang nakaupo dahil sa takot ng makita ko ito.
"P-please p-parang awa niyo n-na..". Pagmamakaawa ko habang patuloy parin ang pag atras. Di ko alam kong may luha ba talagang lumalabas sa mata ko dahil sa lakas ng ulan ngunit patuloy parin ako sa pag iyak.
Tila wala itong naririnig. Nakangiti pa ito habang patuloy parin sa paglapit. Napasinghap ako ng tumama ang likod ko sa isa sa mga puno. Nakita kong mas lalong lumawak ang mga ngiti sa mukha nito. Agad itong lumapit sa akin at itinaas ang hawak nitong punyal.
Kitang-kita ko kung paano ito kuminang ng tamaan ito ng liwanag mula sa kidlat."Now all I need to complete the process is....your sacred blood."
Malakas na sigaw ang pinakawalan ko ng akmang itatarak na nito ang punyal saakin. Ngunit laking gulat ko ng isang malakas na bultahe ng kuryente ang tumama sa likod ng lalaki dahilan para mapaluhod ito at mamilipit sa sakit.
"ArggghhhhhHhh!!!.." Hirap na usal nito.
Nilibot ko ang aking paningin at nagtaka kung saan nanggaling ang bagay na iyon. Ngunit tanging kadiliman at mga nagtataasang puno lamang ang aking nakita sa paligid. Muli kong tiningnan ang lalaki at napansin ang mga lapnos sa kanyang katawan na sumisilip mula sa sunog na bahagi ng kanyang kamiseta. Halos hindi na ito makagalaw sa sobrang hapdi na idinudulot nito. Sinubukan kong umatras para gamitin ang pagkakataong iyon para makatakas ngunit hirap ako makagalaw dahil sa nakatali kong mga paa. Halos hindi ko na rin ito maramdaman dahil namanhid na ito sa lamig at higpit ng pagkakatali. Napansin ito ng lalaki at agad akong tiningnan gamit ang mga nanlilisik nitong mata. Kinabahan ako ng bigla itong gumapang at inabot ang aking mga paa. Nagpupumiglas ako at nagsisisigaw habang pilit na inaalis ito sa pagkakahawak.
Nagulat ako ng bigla nanaman itong napadaing sa sakit at sa pagkakataong ito ay napahiga na ito sa lupa. Napasinghap ako ng makitang unti-unti ng nalulusaw ang balat nito. Nakakapanindig balahibo din ang mga sigaw nito na tila hinuhugot mula sa kailaliman ng lupa. Nagulantang ako ng bigla itong tumingin sa akin habang nanlilisik ang mata.
"Babalikan kita! Tandaan mo yan!!" Ito ang mga katagang binitawan niya bago pa man tuluyang malusaw ang kanyang katawan sa lupa.
*****
Auhors note:
Hi guys!! Sorry po sa mga typos or grammatical errors. First time ko lang po magsulat ng isang story so I hope you like it guys.
BINABASA MO ANG
The Prophecy
Fantasy' Fear not, for behold. When the stars align, a light from the shadows shall bring forth a saviour. Darkness will vanquish. The sun will rise again.' *** Disclaimer This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and inciden...