First story ko to ~
Sana magustuhan niyo :)
Happy reading!
--------------------------------------------------------------------
"Where are you honey?! I've been waiting for you for like an hour already." may halong pagkainis ang tono ng boses ng kausap nya sa kabilang linya.
Di nga nya alam kung sino ang nasa kabilang linya eh.
Siguro si Mia to o baka si Joy? O di kaya si Beatrice? Si Shane? Ahh basta sigurado sya isa to sa mga flings nya.
Ano ba naman kasi yan sa dinami dami naman kasing kalandian nya di nya na halos matandaan lahat -___-
Alanganing napangiti si Trevor sa naisip nya ngunit agad namang nabura ng makita nyang palapit na ang demonyita-- este asawa nya sakanya.
Kaya napilitan syang kausapin ang babaeng nasa kabilang linya na tila galit na galit sakanya.
"Sorry babe. I still have a lot of work to do. Alam mo naman ang nature ng trabaho ko. I hope you understand." may halong pasexy at agam agam ang boses nya na sana mauuto nya ang nasa kabilang linya.
Halos mahulog siya sa upuan nya ng tila walang anumang hinampas sya ng babaeng kararating lang sa bahay nila sabay bulyaw sakanya gamit ang mala-amplifier nitong bunganga.
"Sino na nanaman ba yan?! Gabing gabi na ang landi landi mo parin! Di ka pa ba tapos dyan?!!! " pero di nya ito pinansin habang patuloy pa rin ito sa kakadada ng kung ano ano.
Sanay na sya get up na ganito. Yung nakatira sila sa iisang bubong. Yung nag-aaway sila kahit maliliit lang na bagay. Yung walang humpay na asaran at pikunan.
Normal naman yun diba?
Mag-asawa sila eh... sa papel nga lang.
Walang commitment. Walang sila. As in wala.
Kagustuhan lang naman ng mga magulang nila ang nangyari sila kaya eto sila ngayon pinagtyatyagaan ang company ng isa’t isa.
Naputol ang pagbabalik tanaw nya ng magsalita yung kausap nya sa kabilang linya.
“I thought madami kapang gagawin? Eh ba’t may narinig akong boses ng babae?! Are you with another girl Trevor?! Answer me!!!” Potapepe naman oh. Halos sumabog ang eardrums nya sa lakaw ng sigaw ng kausap nya.
Nahalata naman ata ng asawa nya na tila nabadtrip sya kaya bigla nalang din itong nanahimik.
“Shit naman babe eh. Ako?! Magloko!?! I thought kilala mo ako. Wala akong ibang babae babe. Alam mong ikaw lang. Katrabaho ko yung narinig mo. Wala ka bang tiwala saakin?” sinabayan nya yun ng nagtatampo effect na boses nya para naman convincing yung arte nya.
Di nakaligtas sa mga mata ang exaggerated na pagirap ng asawa nya sakanya habang linalantakan nito ang sandwich nyang ginawa na para bang ngayon lang ito nakakain after 3223423 years.
Bigla nalang syang napasigaw ng nakita nyang inilang kagat lang nito ang sandwich nyang ginawa kaya naman nabulunan ito sa pagkagulat.
Noong una di nya ito pinansin pero ng bigla nalang itong nagtatalon ay nagpanic na sya.
“Putangina naman kasi Yssabelle eh! Kung makalamon ka parang laging aagawan.”
Sabay dukwang sa babaeng ngayong nakaupo na sa sofa at mangiyak ngiyak habang umuubo na halos masabay na ang ngalangala nito.
Medyo natuwa sya sa naisip nya atleast pag natanggal ang ngalangala ng babaeng to mababawasan na ang ingay sa bahay nila.
Pero walang anumang napatakbo sya sa kusina sabay kuha ng tubig para inumin nito at ng pagbalik nya walang sabi sabing inagaw nito ang baso ng tubig sakanya at walang ano anong linaklak yun.
BINABASA MO ANG
Back off! HE'S MINE.
RomanceEarly marriage? Fixed marriage? Akala ko noon sa TV lang at sa mga romantic books na nababasa ko yan nangyayari. Little did I know na mararanasan ko rin pala ang ganyang sistema. Thanks to my ever loving Dad and his business partner. May instant asa...