CHAPTER TWO.
DEIGNH'S POINT OF VIEW
Napabangon ako bigla sa pagkatulog ko. Napatingin ako sa orasan. 3:30AM palang. Nakakainis kasi lagi akong dinadalaw ng bangungot. Mabuti nalang talaga nagigising agad ako. Thank God.
Nawala na antok ko kaya naisipan kong bumaba at naghanap ng maiinom.
Pagkakuha ko ng tubig, pinagmasdan ko ang buong bahay. Napakatahimik, walang tao. Napabuntong hininga ako.
Ilang taon na ba akong iniwan ng magulang ko? Hindi ko na maalala. Pero ayos lang kasi may mga tao pang nagpapahalaga sa'kin. Hindi nila ako sinusukuan kahit sino pa ako. Kahit hindi nila ako kadugo.
Kaso hindi ko sila kilala. Basta nagugulat nalang ako, may nagbabayad na ng renta at kung ano-ano pang bills ng bahay na 'to tsaka bigla-bigla nalang may naiiwang grocery supplies sa tapat ng bahay. Kaya bilang pasasalamat, naglalagay ako ng isang liham doon sa ilalim ng floor mat. Nakatutuwa lang kasi everytime na naglalagay sila ng grocery supplies kada buwan, alam kong kinukuha nung tao na 'yun 'yung liham kasi nawawala siya sa ilalim ng floor mat. Ang cute lang.
Malapit na rin pala mag isang buwan. Makapagsulat nga ulit mamaya.
Napag-isipan kong magjogging sa labas. Ganito na gawain ko tuwing binabangungot ako. Pampatanggal takot.
Suot ang aking jacket at pajamas with matching rubber shoes, lumabas ako ng bahay. Syempre nilock ko 'yung pinto.
Naglakad lang muna ako sa buong subdivision, hanggang sa magjogging na ako. Habang nagjojogging, nakaramdam ako ng may nagmamasid sa akin. Lumingon ako sa likuran ko. Wala naman.
Nagpatuloy lang ako sa pagjojogging. Nakakailang minuto na ako at nakakarinig ako ng yabag ng tao.
Kalmado lang ako na nagjojogging papunta sa mailaw na lugar hanggang sa bigla kong hinarap ang sarili ko at nakita ko ang isang lalaking nakaitim na damit na may kutsilyo.
Akmang isasaksak niya sa akin 'yung kutsilyo nang unahan ko siya't mabilis na sinaksak sa tagiliran niya. Napabitaw ako sa ginawa ko.
Oh shit! Anong ginawa ko?!
Nagpanic ako. Napatakbo nalang ako palayo sa kan'ya. Tumingin ako sa likuran ko at nakita kong bumagsak na ito nang tuluyan at hindi na gumalaw.
Pagharap ko sa daan, may papalapit na poste. At hindi ko ito nailagan.
Tumama ang ulo ko sa poste at bumagsak ako sa sahig.
"Aww." Nahilo ako doon! Hawak ko ang noo ko na binalik ang tingin sa lalaking nasaksak ko.
"Huh?" Wala na siya doon! Paanong—
Hindi kaya nag-iimagine nanaman ako ng kung ano-ano?
Napatampal ako sa noo ko. "Aray huhu." Nalimutan kong tumama pala ako sa poste. Hindi talaga imagination 'yung pagtama ko sa poste.
Umuwi ako sa bahay habang hawak ang noo.
END OF CHAPTER TWO.