CHAPTER THREE.
DEIGNH'S POINT OF VIEW
"Ano kayang nangyari kay Deignh?"
"Pfft! Pulang-pula noo niya!"
"May lagnat ata 'to eh."
"Psst Deignh!" Hinarap ko 'yung kaklase kong tumawag sa akin. Nginuso niya 'yung noo ko. Tumawa ako nang mapakla at iniwas ang mukha ko. "Ah haha! Wala 'to. Malayo sa bituka."
"Luh 'di naman kami nag-aalala. Curious lang ako sa dahilan niyan. Pang tsismis lang hahaha!" Umalis na ito habang natawa. Napasimangot ako't pumunta sa upuan ko.
Saktong pagkaupo ko nang magbell. Ang lahat ay nagsibalikan na rin sa kanilang sari-sariling upuan para hintayin ang teacher.
Pumasok na ang teacher namin. Ngumiti ito at bumati kami sa kan'ya.
"Good morning, class. May bago tayong kaklase. Please be nice to him." Samu't-saring bulungan maririnig mo pagkasabi ng teacher namin.
Nice. Sana mabait muna siya bago niya sabihin na maging mabait kami sa kan'ya. Give and take kumbaga. Hindi katulad ng iba d'yan.
"Come in." Pumasok ang umaapaw sa kagwapuhan na lalaki. May ibang nangingisay sa upuan nila dahil sa kan'ya. Napatampal ako sa noo't napangiwi. Injured nga pala noo ko.
"Introduce yourself."
Tipid itong ngumiti at nagpakilala. "Fhrinze. Pleasure to meet you all." Nilibot niya ang paningin niya. Mukhang naghahanap ng mauupuan.
"Please be seated, Fhrinze." Pumunta siya sa pinakalikuran, kung saan may isang bakante.
'Yung bakante na 'yun, nasa likuran ko lang.
Naramdaman kong nakaupo na siya. Nagstart na magklase 'yung teacher namin.
Habang nagkaklase siya, hindi ko maiwasang hindi mapahikab. Ugh, ang aga ko nga pala nagising kanina.
Dumagdag pa 'tong sakit ng noo ko dahil sa pagkakatama ko sa poste.
Biglang bumagsak ulo ko sa desk. Patuloy pa rin sa paglelesson 'yung teacher namin.
Papikit na ang mga mata ko nang—
"I'm quite disappointed class. Why is the newbie and the smartest ones sleeping on my class?"
Napabangon ako. Nakatingin sa akin 'yung teacher ko. Napalunok ako.
"Deignh, Fhrinze, out. Magkita tayo sa office ko." Wait, what?
END OF CHAPTER THREE.