One Shot

6 1 0
                                    

James Pov

Vee, pag- aawayan na naman ba natin to? - galit na anas ko sa girlfriend ko

Ehh kase naman Vee kahit bukas lang naman , diba ilang beses nang na postponed ang date natin - sabay pout nito

Akala ko ba naiintindihan mo ko? Alam mo naman kung ano ginagawa ko diba? - ang hirap talaga pag pagiging nurse ang trabaho. Minsan lang magkaroon ng oras dahil sa hectic schedule  sa hospital samantalang siya naman ay isang accountant.

Palagi nalang ba James? Kahit minsan lang naman bigyan mo naman ako ng oras. Alam ko kung gaano kahirap ang trabaho mo, pero minsan lang ako humingi ng pabor. Iniintindi kita palagi - galit na siya, umiyak siya sa harapan ko at yun ang pinaka ayokong makita, ang masaktan siya nang dahil sa akin.

I'm sorry Vee, promise next time I'll make it up with you - sabi ko sa kanya habang pinapatahan siya.

Nakatulog siya pagkatapos noon. Kaya agad akong naligo para pumasok na sa hospital. Hindi naman kami ganito dati eh, simula kase nung iniba yung shift ko nagiging ganito ka busy na ako. Wala siya sa umaga at wala naman ako sa gabi. Para ngang hindi na kami masyadong nakakapag-usap. At narealize ko kung anong sakripisyo ang ginawa niya. Umuwi siya dito ng maaga para makasama lang ako.

Nagdaan ang ilang araw parang nagiging cold na sakin si Aella, kaya napagpasyahan ko na mag leave muna ngayong araw para supresahin siya. Naghanda ako ng dinner date dito sa condo namin. Bumili na rin ako kanina ng boquet of flowers at tsaka si Stitch na paborito niyang stuff toy. 6pm na kaya uuwi na yun.

Pero nagdaan ang ilang oras hindi parin siya umuuwi, pero hinintay ko siya kase baka nag over time lang. Hanggang sa nakatulog ako dahil sa antok.

Nagising ako dahil sa isang katok. Pagbukas ko nakita ko si Aella na lasing.

Pre, hinatid ko lang si Aella. Nagyaya kase kanina yung boss namin kaya hindi siya nakatanggi - saad ng katrabaho niya habang akay akay padin si Aella.

Ahh , ganun ba pre. Maraming salamat sa paghatid sa girlfriend ko - at kinuha ko agad si Aella sa kanya. 

Kinabukasan

Vee, kumain kana - hindi ko na sinabi sa kanya ang ginawang paghahanda ko kagabi ,baka sa susunod nalang.

Okay - tugon niya

Tapos ka na ba? Ihahatid nalang kita sa opisina ninyo tutal madadaanan ko lang din naman yun papunta sa hospital. Kung nagtataka kayo bakit umaga ang shift ko ngayon, nakipagpalit kase ako ng schedule sa kaibigan ko kase gusto kong bumawi sa kanya.

Akala ko ba gabi pa yung shift mo?- takang tanong niya habang nakaharap sa salamin.

Nakipagpalit ako ng schedule kay Anthony

Ahh, okay - casual na saad niya.

Mabilis kaming nakarating kase wala pang masyadong  traffic.
Bago siya bumaba ay sinabihan ko siya na susundoin ko siya mamaya.

Pero hindi yun nangyare kase may emergency dito sa hospital at sa katangahan ko  hindi ko man lang siya na text na hindi ko siya masusundo.

Pagdating ko sa condo tulog na siya.

I'm sorry Vee, I'm sorry - saad ko at hinalikan siya sa ulo.

Bigla siyang nagising dahil dun.

James, mag-usap tayo - nakikita ko sa mga mata niya na kagagaling siya sa pag-iyak.

Maghiwalay na tayo - diretsong saad niya

No Vee, hindi tayo maghihiwalay - hinawakan ko ang kamay niya

Ayoko na , pagod na pagod na akong  intindihin ka. Pagod na akong maghintay sa wala. - isang katagang ayaw na ayaw kong marinig sa kanya pero ano ba naman ang magagawa ko kung ayaw niya na. Kasalanan ko naman ang lahat kung bakit siya nagkakaganyan. At ngayon nakikita ko siya ulit na nasasaktan at umiiyak. Siguro nga hindi kami sa isa't isa.

~~~~~~~~ 2 years later~~~~~~~~~~~

Oi pre natanggap mo ba yung invitation para sa reunion natin?

Ahh, oo nakita ko na kahapon

Pupunta ka ba?

Oo naman - makikita ko na siya ulit. Sa dalawang taon na yun siya parin ang taong minamahal ko.

~Reunion day~

I just wear a formal attire gaya ng theme ng reunion namin.

Dumating ako sa venue at marami rami na sila doon. Kitang kita ko na successful na lahat ang mga kaklase ko noong highschool.
At kasa- kasama ang mga boyfriend at girlfriend nila.

Umupo lang ako sa gilid habang naghihintay na magsimula ang kasiyahan.

Nang bigla siyang dumating , kahit kailan di pa rin siya nagbago ang ganda ganda niya parin.

Nagsimula na ang party,  at nagsasayawan na silang lahat sa gitna maliban sa akin at sa kanya. Live music pa nung una pero habang tumatagal ay nagiging solemn na ang kanta.

Nakita niya ako at ngumiti lang sa akin. Lalapitan ko na sana siya para ayaing sumayaw pero naunahan na ako.

Binigyan siya nito ng bulaklak at hinawakan na ng lalaki ang kanyang kamay. Bigla akong nagselos, pero ano kang karapatan ko. Habang sumayaw sila ay kitang kita ko kung gaano siya kasaya.

Ako sana yun eh.
Ako sana yung nagbibigay ng bulaklak sa kanya.
Ako sana yung nagpapangiti sa kanya.
Ako sana yung humahawak ng mga kamay niya.
Ako sana yung kasayaw niya.
Ako sana yun.

You are the one of another man.

When I was your man........

When I Was Your ManWhere stories live. Discover now