AJ'S POV
"Ummmmm!" paguunat ko. Kakagissing ko lang at wala pa ako sa tino para bumangon. Basta automatic na lamang akong napangiti ng makita ko ang phone kong nag-blink at nagwarning na 2% na raw sya. Napangisi ako ng maalala yung nangyare kaninang madaling araw. Naging sobrang bilis talaga ang oras na kausap ko si Dianne, ang dami naming topic at asaran na pinagusapan after ko maopen up ang kalagayan ng kasunduan namin. Para bang bumawi kami sa mga oras na hindi kami nakakapag usap dahil sa hectic na schedule. Hindi ko naman maitatanggi na kasi nauuwi sa pikunan ang usapan namin ay nagenjoy ako sa magdamagan naming pag uusap. Nawala ang ngiti ko ng mapansin ang dalawang taong nakatingin sa akin. Natila may nakita silang alien na nagising. Sila Sorath sa kasalukuyang nagkakape at si Mr. Dou na may hawak na mga papel. Natigilan sila sa ginagawa at nakatitig sa akin. "What?""Magpapanggap na lang akong walang nakita" sagot ni Mr. Dou. Hindi ko na lamang ito pinansin. Sa susunod magiging aware na lang ako sa paligid tuwing ngingiti nagmumuka akong outcast sa kanila. Nagpatuloy lang sya sa pag check ng mga papel na hawak hawak nya.
"Aj, sabi mo di ka na magpupuyat. Sa pagkakaalala ko 90% yang battery ng phone mo kagabi tas ngayon nanghihingalo na" reklamo ni Sorath. "Rinig ko pa kayong naguusap ni Dianne, hanggang sumikat ang araw"
Pag marami ng sinasabi si Sorath dalawa lang yan, worried sya o galit sya. Napatigil naman sa pagbabasa sa papel si Mr. Dou at nasipat ang tingin sa akin tsaka umiling na tila dismayado.
"You even cancelled all projects and offers kay Dianne, without telling her" paalala ni Mr. Dou sa akin. Ikinalaki pa ng mata ni Sorath ang narinig sa manager ko at sinipat din nya ako ng tingin.
"What? I just wanted to give her more time in school instead sa modeling. Hindi naman kasi dapat sya magmodel, di ba?" paliwanag ko. Teka? bakit feeling ko kailangan kong magpaliwanag sa dalawang girlfriend ko dito sa kwarto? parang ganun. Sabay pa silang umiling at nag 'tssktssk'. Naiangat ko na lamang ang dalawa kong kamay sa pagtataka sa kanila.
"You always checked on her every day, kulang na lang gumawa pa ako checklist ng mga bagay na ginagawa ni Dianne a day at ibabalita ko sayo" pagbuking sa akin ni Sorath. Napanganga naman ako sa sinabi nito at napahinto saglit. Hindi ko na naipagtanggol ang sarili ko dahil bigla na lang sumingit sa usapan si Mr. Dou.
"Nagagalit ka rin kay Ethan at sa mga staff ng studio nya tuwing tinititigan si Dianne" reklamo ni Mr. Dou. Lumapit na ito sa akin at nag cross arms, he give me a glare.
"You even brought a dress for her kahit na meron na dapat syang isusuot sa pageant, Sara told me, nangingisay nga sya sa kilig dahil sa ginawa mo" paliwanag ni Sorath.
"Wala naman akong ginagawa kay Sara!" rason ko rito. Baka inaakala nyang inaakit ko ito, nagkakamali sya.
"But you done something with Dianne" banggit ni Mr. Dou. Gulat na napatingin si Sorath sa kanya at ganun din naman ako. Sndali? nililitis na ba ako ng langit? Anong tinutukoy nya na ginawa ko? "One of the staff in Ethan's studio, told me na nakita nya kayo, you were so intimate with her! You even pulled her dress down"
"WHAT? AJ! GINAWA MO YUN?" napatayo na sa gulat si Sorath. Naalala ko na yung pang yayaring yun, na tinopak ako that moment tas naisip ko lang na asarin ito pero napunta sa kung saan na. Hindi na ako makatingin sa dalawa. Dahan dahan lang akong tumango, hinampas nya ng malakas ang ulo nya sa sobrang disappointment. "dapat umpisa pa lang na idamay mo si Dianne sa mga kalokohan mo pinigilan na kita eh"
"Wait nga lang! Sandali! Kagigising ko lang tas nilalatag nyo na sa akin lahat ng pinag gagawa kong kalokohan. I have no idea sa lahat ng pinag sasabi nyo" paliwanag ko sa dalawang ito. Napakamot ako ng ulo. Mukhang sumasakit na naman ata yung ulo ko ah. "Ano ba? pinagtatanggol nyo ba si Dianne? Warriors ba nya kayo?"
BINABASA MO ANG
Kiss me and I'll be yours (COMPLETED)
RomanceSi Ash Jan Evans na kilala sa screen name na AJ Evans ang dumating sa buhay ni Dianne na isang pangkaraniwan lang na tao. Nang dahil sa ka pilyohan ni AJ hindi lang career ang nagulo nya kundi pati na rin ang buhay ni Dianne. Ano kaya ang nagpa spec...