Mula pa lamang sa labas ay narinig namin ang boses nina James at Charlotte. Nasa kalagitnaan sila ng isang hindi seryosong argument pagpasok namin. Sa hapag-kainan ay nakaupo si Charlotte at kaharap ang kanyang laptop, habang nasa kusina si James at nagluto. Nang makita kami ay kaagad silang tumigil sa pagbatuhan ng mga remark saka kami binati. Nakilala nila agad si Madeline dahil siguro madalas kaming magkakasama sa Unibersidad. Maliban doon, nagtaka sila kung bakit siya nasa bahay o kung ano ang relasyon namin sa isa't isa.
"Hindi ko pa kayo naipakilala nang maayos sa isa't isa." Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila. "Lin, sila 'yong naikwento ko sa'yong nag-aaral din sa Alfaro. James, Charlotte, Madeline second cousin ko."
Bahagyang yumuko si Madeline saka nginitian sila. "Nawa'y okay lang sa inyo kung dumito muna ako sa weekends."
Luminga ako sa kusina at sa hagdan, ang kamay ko nanatiling nakapihit sa nakaawang pinto sa likuran ko. "Nasa taas ba si Renata?"
Sumulyap si Charlotte sa likurang pinto sa kusina. "Ando'n pa ata siya sa hardin, buong maghapong nagdidilig at nagtanim ng gulay."
Tumango si James. "From time to time, we'd check on her. Kaso determinado siyang tapusin ang inumpisahan niya. Nag-alok na lang kami na kami ang magluto ng hapunan ngayon."
Sumulyap ako kay Madeline na lumikbo lang sa mahabang upuan, sinubukan hindi maglapat ang tingin namin. Itinuon lang niya ang mga mata niya sa sahig, at mula nang tumapak siya sa loob ay halatang merong bumagabag sa kanya.
Kahit ilang buwan na ang nakaraan ay natatandaan ko pa rin ang amoy ng ginataang labong na hinain ni James noong gabing iyon. Tumulong si Edmund kay Charlotte sa pagligpit at paghanda ng mga plato, habang tahimik lamang si Madeline sa sulok, ang mukha niya pumutla. Sa pintuan ay nanatili pa rin akong nakatayo, kinunsumo lamang ang lahat ng nangyari sa paligid.
"Lin, magsabi ka lang kung hindi ka komportable," wika ko sa kanya. "Pasensya humid dito sa loob. Gusto mong magpahangin muna sa labas?"
Hindi ko inasahang ang pagtango niya at mabilis na pagtayo. Taliwas sa tensyonado niyang balikat ang ngiting ipinakita niya. "Buhay pa ba 'yong punongkahoy ng Kamagong sa likuran ng bahay? Pwede ba tayong magpitas ng bunga, bigla na lang kasing hinahanap ang taste buds ko ang lasa nito," dagdag niya sa aking pagtango.
Tinitigan ko siya para tiyaking desidido siyang pumunta sa hardin kung saan naroon si Renata. Pabalik ay tiningnan niya ako na may kombiksyon.
"Okay. Kunin ko lang flashlight ko." Akma na kaming lalabas nang tawagin ako ni James. Tumigil kami sa pintuan saka lumingon sa kanya.
"Ate Josie, tatakpan lang po muna namin ang pagkain," wika niya nang mapansin ang flashlight na hawak ko. Sa likuran niya ay kauukupa lang nina Edmund at Charlotte sa sala. "Hihintayin namin kayong bumalik."
"Mauna na lang kayong kumain." Nagpaumanhin sandali si Madeline para kunin ang sombrero sa bag niya. "Baka kasi matagalan pa kami. Hindi pwedeng malipasan kayo ng gutom."
"Okay lang po talaga sa amin. Kumain na rin kasi kami ng meryenda kanina." Hininaan niya ang boses niya, "Saka hindi alam ni Renata na may darating na bisita kaya kinaunti lang ang mga rekado. Noong isang araw, nagalit siya dahil maraming nasayang."
"Kumain lang kayo hangga't gusto n'yo." Lumingon ako kay Madeline nang tumigil siya sa gilid ko. Ngumiti ito ng pilit sa akin bago ko bumaling kay James. "I insist. Ako na ang bahalang kumausap kay Renata. Kakasya naman sa ating anim ang pagkain."
Walang niisang poste ng ilaw ang nakatukod sa likuran ng bahay. Sa kabila nito, hindi kami nahirapang hanapin si Renata dahil sa mahinang liwanag mula sa lamparang hawak niya. Samu't saring ideya ang tumakbo sa isip ko sa kung ano ang magiging reaksyon ni Renata. Ngunit nanatili lamang neutral ang kanyang mukha, mahirap basahin o maunawaan.
BINABASA MO ANG
Reverie
Misterio / SuspensoHalina't pumasok sa gubat at magliwaliw, kalimutan ang oras at direksyon. Kung ikaw ay maligaw ay huwag mangamba. Magpariwala. Walang mas hihigit pa sa katinuan ang alisin ang mga kadenang gumapos sa mga isip natin at pilit tayong maging malaya. Kas...