Chapter(32): Sibling Time

1.9K 79 1
                                    

Tama na muna tayo sa suspense ah. Pagbabalikin ko muna mga characters ko opxx. Nadulas char! Wala pang clarifications kung sila na ba talaga ah! Bawal umasa!

Warning: Typos up ahead.

Happy reading!

Faye Elizabeth's POV(Eliza)...

I was reading my book in my room when someone knock at the door. Nilapag ko ang libro ko sa bedside table saka lumapit sa pinto at binuksan iyon.

"Hi sis!"masayang bati ni Kuya Gab.

"Anong kailangan mo?"tanong ko pa.

"Ouch! Papasukin mo muna kaya ako ah!"sigaw nya sakin.

"Ayoko, lumayas ka na dito."sabi ko.

When I was about to close the door, hinarang nya ang paa nya sa pinto para di ko iyon masara.

"Arte mo naman!"sigaw nya sabay tulak sakin.

Muntikan pa kong matumba sa pagkalakas-lakas ng tulak nya.

Tanamo!

"Halika bilis! Magba-vlog ako!"sigaw nya sabay hila sakin papunta sa kama ko.

Napabuntong hininga nalang ako bago nagpatangay sakanya.

Nang makaupo ako ay agad kong kinuha ang libro ko at nagpatuloy sa pagbabasa habang si Kuya naman ay inaayos ang camera nya sa dulo ng kama ko.

Nang maayos iyon ay naupo na sya saka sinet ang timer ng camera at bumalik sa tabi ko.

"Hey guys! This is your cute and handsome darling, Gab."sabi nya sabay kindat. "And today, kasama ko ang kapatid kong si Eliza!"

Tumingin lang ako kay Kuya saka bumalik sa pagbabasa ko.

"Hoy siraulo ka ah! Bilis na, magpakilala ka na."sabi pa nya habang kinakalabit ako. "Eliza!"

"Pano ako magpapakilala eh sinabi mo na pangalan ko!"sigaw ko den sakanya.

"Ano ba't sigawan kayo ng sigawan dyan?!"

Napalingon kami ni Kuya sa may pinto ng bigla iyong bumukas. Si Mama.

"Si Eliza kasi. Napaka-gaso. Ayaw mamansin, di na nya lab ang Kuya nya."sabi ni Kuya with matching paawa effect pa.

"Di tatalab sakin yan."sabi ko pa.

"Mama labas ka na please."sabi ni Kuya.

"Subukan nyong mag-away, tatamaan kayo sakin."banta pa ni Mama bago umalis.

Nang makalabas si Mama ay may kinuha si Kuya sa ilalim ng kama at doon ko nakita ang hawak nya.

"Ibaba mo yan."banta ko sakanya.

"Not until you say something on my vlog."sabi pa ni Kuya.

"Isa."

"Dalawa, tatlo, apat, lima. Alam ko kahinaan mo."sabi ni Kuya.

Kinuha nya ang isang libro ko. Yung Ang Mutya ng Section E ni Eatmore2behappy. Binuklat nya iyo saka hinawakan ang isang pahina.

"Ang ganda ng papel, sarap pilasin."sabi ni Kuya.

"You wouldn't do that."sabi ko pa.

Ngumisi sakin si Kuya kaya nakaramdam ako ng takot. Alam kong alam ni Kuya na mahal na mahal ko ang book collection ko kaya hindi ito maaari.

The Gangster's Princess: Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon