W#1: 22

3.5K 50 2
                                    

Ang akalang rumantiko at magandang gabi ni Sienna ay napalitan ng kaba at panlalamig dahil sa hindi inaasahang bisita. Sa halip na asawa ang darating ay isang tao pala na ayaw niya ng makita pa.

Ang taong iyon ang dahilan kung bakit siya nalagay sa ganitong sitwasyon.

"What are you doing here?" Malamig na tanong niya dito kahit ang totoo ay natatakot siya.

Inilapag naman ng lalaki ang basong may laman na wine bago siya nito sagutin.

"I'm here to surprise you....pero mukhang ako ang nasupresa dahil sa hinanda mo" masayang sambit nito at nakinang pa ang mga mata.

Napakuyom naman ang kamao ni Sienna dahil sa sinabi nito. Hindi naman niya hinanda ito para sa taong kaharap niya ngayon. Hindi rin siya nag-pakapagod para dito.

"Tss! This surprise is not for you. It's for my husband" diniinan pa niya sa salitang binigkas niya sa huli dahilan para sumama ang itsura ng kausap.

Ngunit saglit lang iyon dahil ngumiti na naman ito.

"Husband? For real?" Sabay tinitigan siya nito ng mataimtim "Asawa nga ba?" Sabay ngumiti ito ng nakakaloko.

Si Sienna naman ay nagtitimpi lamang dahil sa mga oras na ito ay gusto na niyang kalbuhin ang lalaking ito. Gusto niyang itarak ang kutsilyo na ginagamit nito panghiwa sa porkchop.

"Yes, he is. So back off." Ganti niya dito ngunit hindi man lang natalaban ang lalaki.

"Hmmm yummy. Masarap ka pa rin magluto" puri nito sa niluto niya "Kagaya pa rin ng dati. Mukhang mapaparami na naman ako ng kain nito, babe" sabay subo nito ng porkchop.

Nalukot na naman ang itsura ni Sienna ng bigkasin nito ang salitang 'babe'. Hindi na siya nito pagmamay-ari kaya wala na itong karapatang tawagin siya ng 'babe' .

"I'm not yours so don't call me babe. I'm someone owned" matigas na saad niya dito.

"Really? Is this someone is calling you wife?" Mapang-asar na tanong nito.

"Yes, coz I'm his wife" madiin niyang saad pabalik dito.

Tumango tango lang ito habang ninanamnam ang pagkaing nasa bibig nito. Si Sienna naman ay hindi masikmura ang niluto niya dahil sa taong kaharap niya ngayon pero kailangan niyang ipakita na hindi siya takot dito kahit ang totoo ay gusto na niyang tumakbo at magtago.

"Ma'am Sie pasensya na po sa istorb----------" hindi na natapos ng katulong niya ang sasabihin nito ng tingnan ito ng lalaki at kumaway pa dito "Sino ho siya ma'am Sie? Akala ko ho para kay sir itong ginawa niyo" nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Para kay Sir mo nga ang hinanda kong ito kaso may pesteng dumating kaya nasira ang gabing ito" pagpaparinig niya dito.

"Ganun po ba ma'am. Sige po, alis na po ako. Mag-usap na po kayo ng bwisita este bisita niyo" sabay yumukod ito at umalis na.

Napabuga na lamang ng hininga si Sienna at sabay sinamaan ng tingin ang lalaki dahil tumawa ito.

"Awww peste na ba ang tingin mo sa akin? Samantalang dati ang------" hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito.

"Pwede ba umalis ka na dahil pag naabutan ka ng asawa ko baka kung anong magawa noon sayo" plain na saad ni Sienna sa lalaking kausap.

W#1: LET ME TASTE YOU 《R+18》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon