CHAPTER 2

490 19 14
                                    

March 25, 2004  . . . 

Nakatayo si Novel sa gilid ng swimming pool habang naaalala ang masamang pangyayari. Isang pangyayaring bumago sa kaniyang buhay. Tuloy-tuloy na pumapatak ang kaniyang mga luha at nanginginig. 

“Patawarin mo ako Yena, k-kasalanan ko ang lahat. Kung hindi kita dinala rito, sana b-buhay ka pa rin. S-Sana hindi nagbago ang buhay ko,” aniya habang umiiyak. Pinunasan niya agad ang luha nang makarinig ng yabag ng paa papalapit sa kaniya.

“Kahit ilang beses ka pang umiyak diyan at humingi ng tawad hindi mo na maibabalik ang lahat sa dati. Hindi  mababalik ang buhay ng anak ko sa pag-iyak mo riyan,” boses ng tinuring niya na ring tunay na ina, si Inna.

“At siya nga pala, ayokong makita ang pagmumukha mo kaya naman manatili ka na lang sa kuwarto o kaya naman sa dorm mo. mag-aral ka roon! Huwag ka masyadong magdrama riyan dahil kahit ilang beses mo iyang gawin ay ‘di mo mababago ang katotohanan. Ang katotohanang ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Yena!” Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang umiiyak.

“Dapat makamit mo ang sinabi naming grado, huwag na huwag mo papababain! Pinag-aaral ka namin. Utang na loob mo sa amin iyon. ‘Di ko nga alam kung bakit pinagpilitan pa rin ni Limyel na kupkupin ka pa rin sa kabila ng ginawa mo eh! Kung ako lang tatanungin baka binalik na lang kita sa labas at magpalaboy-laboy ka roon!” Tila paulit-ulit na sinasaksak ang puso ni Novel nang marinig iyon. Patuloy ito sa pagsumbat sa kaniya at sa pagpapaalala ng mga nagawa niya noon. Wala atang araw na narito siya na hindi ito nagtagumpay na saktan siya sa pamamagitan ng mga salitang hindi na mabubura sa puso niya kailanman. 

Wala siyang laban, mas pinili nalang ni Novel na manahimik. Gusto niya mang lumaban pero siguradong papaalisin siya nito. Pinagpapasalamat niya na lamang na pinag-aaral pa rin siya kahit pilit lang. 

Pagkapasok niya sa loob ng mansion ay lahat ng mga mata ay nakatutok sa kaniya. Ang iba ay naaawa, karamihan ay may galit yata sa kaniya. Dire-diretso siyang pumasok sa loob ng silid-tulugan at umiyak nang umiyak. Matapos ay nakatulog at nagising na lamang dahil kay Nanay Linda.

“Anak, kumain ka na muna para may lakas ka,” malambing na saad nito.

“Salamat po sa pagkain,” tugon niya at malungkot na sinimulang kumain matapos manalangin.

“Sinaktan ka na naman ba ni Madam?” tanong nito sa kaniya habang hinahaplos ang mahaba niyang buhok.

“Hayaan niyo na po iyon, sanay na rin akong marinig halos araw-araw ang mga binibitawan niyang kataga sa akin. Kaya ko namang tiisin at ayos na rin po kahit paano. Ang mahalaga naman po sa akin ay makapagtapos ako ng pag-aaral,” sagot ng dalaga at tinapos ang pagkain ng hapunan.

“Magpahinga ka at bukas ay kaarawan mo na naman. May ibibigay akong regalo!” Kahit paano ay gumaan ang mabigat na pakiramdam ni Novel bago tuluyang lumabas si Nanay Linda. 

Kinuha ni Novel ang kaniyang kuwaderno at doon nagsulat ng mga tula na tumutukoy sa mga masasakit niyang karanasan sa buhay. Pagkatapos ay nagsimula na siyang mag-aral muli ng mga lesson.

_

Sumapit ang umaga at wala namang nagbago. Puro pagpaparinig, sumbat at masasamang tingin at salita ang sumalubong kay Novel. Normal na sa kaniyang gumising nang ganoon lalo na ngayong ikalabing pitong kaarawan niya. 

W SERIES ONE: FALLING IN LOVE WITH ISMAEL SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon