Chapter 2

25 12 1
                                    

Kinder and Elementary Days

Panda POV

Bago ako matulog tinext ko si Lucky. Syempre naggood night and sweetdreams ako sa kanya.

Agad siyang nagreplay.

Lucky: good night din po. I love you.

Me: I love you too.

*****

Sino si Lucky?

Siya ang boyfriend ko. Magkaklase kami simula kinder, elementary, high school at college. Last batch kami na hindi kasama sa K to 12.

Magkasama sa trabaho sila Inay at Tita Lorna. Pareho silang nurse. Si Itay naman at Tito Ozcar magkaklase sila simula elementary at high school. Nagkahiwalay lang nung nagkolehiyo na sila. Magka-iba sila ng kinuhang kurso.

Back to Lucky.

Kinder

Sa tuwing recess nung kinder kami, sabay kami lagi na bumili ng hot dog at orange juice sa kantina. Mura pa noon ang hot dog. 7 pesos at 5 pesos naman yung orange juice.
May sarili na kaming dala na plato at baso. Para makabawas sa basura.

Si Lucky nakakatatlong hot dog siya. Grabe talaga. Hindi naman siya mataba. Sakto lang para sa anim na taong bata. Ako ang mataba. Kaya isang hot dog lang ang binibili ko. Minsan nagbabaon na ako ng apple or orange. Madalas tinapay na mamon na may palaman na eden at tubig ang baon ko. Si Inay ang naghahanda.

Magaling si Lucky sa math. Tinuturuan niya ako pag na hihirapan ako sa lesson. Puro bakod ang nakasulat sa likod ng math notebook ko 😂.

Kaya nung grumaduate kami. Siya ang best in math. First honor siya ako naman 3rd honor. Best in spelling naman ang award ko.

*****

Elementary Days

Parehas kami na nakapasa sa section F.L. Ang ibig sabihin ay Fast Learner. Sabay kaming nag exam. May pinabasa sa amin at kung ano-ano pa.

Kung hindi dahil kay Lucky baka bumagsak ako sa math. Malaking tulong ang pagtuturo niya sa akin. Last summer kasi pag nabisita si Tita Lorna sa bahay namin, kasama niya lagi si Lucky. Nagrereview kami for the entrance exam.

Grade 1

Hindi kami nag-usap ni Lucky ng ilang linggo dahil nagkasakit siya. Pinunta siya sa Cabanatuan Hospital para doon magpagaling.

Tumatawag naman si Inay kay Tita Lorna para mangamusta. Kaya nalaman ko na dengue pala ang sakit ni Lucky.

Gumaling si Lucky after 3 weeks. Bumagsak din ang kanyang timbang. Dahil doon bumaba ang rank niya. From top 1 to top 5.

Nalungkot siya. Pero wala namang may gusto na madengue siya.

Lagi kong sinasabi sa kanya na kaya niyang bumalik sa top 1. First grading palang naman. Marami pang pwedeng mangyari. Kayang-kaya mo yan.

Pinahiram ko siya ng mga notes ko at sabay kaming gumagawa ng projects.

Dumating ang 2nd periodical test. Panay si Lucky ang nakakuha ng highest score. Naipasa ko naman lahat ng subjects.

*****

Grade 4

Pwede na akong sumali sa band competition. Binilhan ako ng xylophone. May kabigatan pero gusto ko talaga sumali sa band kaya hindi na ako nagreklamo.

Araw-araw pag sapit ng 3 P.M. praktis namin ng band. Sa gym kami nagpapraktis. Mabibilad kami sa araw pag sa field kami nag praktis. Maluwang ang gym kaya pwede na. Tsaka kami lumilipat sa field pag medyo malilim na. Sa field kasi mismo gaganapin ang competition kaya kailangan namin lumipat.

Maraming mga estudyante at magulang ang nanonood. Minsan sila kuya Karl kasama niya tropa niya nanonood sa amin.

After 1 month.

Fiesta na ng aming bayan. July 18, 2008. Band competion na. 8 A.M. kami nagparade. Sa sobrang init nahimatay ako pagkatapos ng parada. Binuhat ako ni coach kasama niya si Inay, Tita Lorna at si Lucky.

Bumalik na yung malay ko. Pagkamulat ko, nakatingin sila sa akin. Binigyan ako ng tubig at tinapay ni Lucky.

*****

Grade 5

Magaling sa baseball si Lucky kaya napili siya. Habang ako naman napili sa volleyball.

Nagchampion parehas ang team namin. Napili rin kami para sa district at division. Si Lucky lang ang napili para sa regional. Kaya sa band na lang ako sumali.

February 17, 2009
Band competition for Aurora Day sa February 19.

School namin ang napiling nanalo. Ang mga nakuha naming awards ay: Best in uniform, best drummer, best in parade at most discipline group.

Si Lucky napasama sa palarong pambansa. Ang galing niya talaga. Sinama ako ni Tito Ozcar at Tita Lorna para panoorin si Lucky. Nagchampion sila. Overall champion din ang Aurora. Pinakamaraming gold na nakuha.

*****
Grade 6

Graduation Day.

Si Lucky ang naging valedictorian. Ako pang 5th honor.

After ng graduation, may graduation party syempre. Buong section namin nag piknik sa hot spring. Resort sa gilid ng bundok. Sabi nila may bulkan daw kaya may hot spring. Kwento ni Lola noong bata sila, naluluto ang mga hipon sa sobrang init at nakakapaglaga sila ng itlog.

Ginawa ng may ari na resort. Tinaniman ng maraming halaman at nag tayo ng mga kubo. Mura naman ang entrance at cottage fee.

Itutuloy..

A P.A.N.D.A. & L.O.V.E. StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon