This is a dedication story of the song Buwan by JK Labajo. Ang kantang mula nang sumikat ay bumaliw at umalipin sa akin magpa-hanggang ngayon. Haha.Lakas lang maka LSS hindi ko naman naintindihan yung music video. Haha ulit.
Ewan kung bobo lang talaga ako o ano kasi hindi ko ma G ang connect ng kanta sa video kasi nga ang gulo ( kasing gulo ko 😣).
Pero nagagandahan lang ako kay Maureen kasi, tsaka idol ko siya kasi nasubaybayan ko ang America's Next Top Model noon.
Yung mga pang-aapi ng mga inggiterang kasama niya ang sarap lang pagtitirisin pero buti't may pagka-maldita at palaban si Maureen at hindi siya totally nag-paapi sa mga yun. Na kahit medyo kinulang siya sa height kinabog naman niya sa awrahan at pagandahan ang mga okray kaya siya ang nanalo.
Okayyyyy ang layo na ng inabot ng story discription ko! Haha ulit 😂 Wala namang konek to sa story talaga pero ayun lang, ise-share ko parin sa inyo ang nakuha kong aral sa kompetisyong iyon (charot lang! Maka-share parang kasali Haha) eto na, magpakumbaba ka at iaangat ka ng may likha at kung sino man ang nagmamataas ay ibababa niya.
In short, ang buhay ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw at minsa'y nasa ilalim.
Mababaw siguro sa iba pero para sa akin sobrang laki ng epekto kasi binago ni Maureen ang pananaw ko sa buhay (naks!), yun ay kahit na anong mangyari ay lumaban ka kahit mahirap ang sitwasyong kinalalagyan mo ngayon.
Hwag kang sumuko kasi may kakampi ka at may gagabay sayo sa laban ng buhay at yun ay ang mga taong naniniwalang may kakayanan ka at may magagawa ka.
Balewala ang mga taong naghihintay lamang na magkamali ka at mga taong mapanghusga sa iyo.
Galingan mo lang at pagbutihan ang pang-iinggit mo sa kanila. Patayin mo na lang sila sa inis at inggit kasi kong papatulan mo pa magiging magka-level na kayo.
At pag natupad mo na ang mga pangarap mo, wag kang makalimot lalo na sa mga taong hindi ka hinusgahan at iniwan sa gitna ng iyong laban.
Ibalik mo ang kabutihan, tiwala at pagmamahal na ibinigay nila sa'yo at higit sa lahat, wag kang magbabago dahil lang sa naabot mo na ang mga pangarap mo. Tandaan mo, ang buhay ay isang gulong. Hindi ka mananatiling nasa itaas habang-buhay.
Lahat ng meron tayo ay temporary lamang. Dahil ang katotohanan sa malupit na mundong ito, walang permanente. Walang pangmatagalan. Walang forever, ganurn.
Patuloy ka lang maniwala sa sarili mo at sa may likha, wag kang tumigil na magpasalamat sa kanya dahil wala ka kung wala siya.
Okay mabalik tayo dun sa natutunan ko, ibig sabihin nun panatilihin mong nakaapak sa lupa ang iyong mga paa kahit anong taas na ang inilipad mo figuratively speaking.
Real talk tayo ha? Aanhin naman yang success mo kung salbahe ka? Lalo na sa mga taong naging dahilan kung bakit ka nasa kalagayang yan?
Balewala lahat ng paghihirap mo para sa sarili mo kung wala namang proud at nakaka-appreciate dun.. I mean, hindi satisfying kung masyado ng mataas ang tingin mo sa sarili mo tapos sobrang baba naman dun sa mga taong naghirap at nagsakripisyo para sa'yo.
Come on, mga sikat na pelikula nga nagbibigay ng credits pagkatapos. Dapat ganun din tayo. Diba?
Okay lumalabo na. Haha
Eto nalang para matapos na'to. Kung successful kana, stay humble pa rin. Tandaan mo, sobrang successful mo man tao ka pa rin. Sobrang yaman mo man dumudumi ka pa rin. Wag mong kalimutan yun, hindi ka dyamante na palaging kumikinang.
Hindi ka korona na kailangan manatiling makintab at nakakatakot hawakan at kailangan manatiling nasa itaas.
Be humble, hindi mapagmataas. Isipin mo ang dating ikaw na tinatamasa ang hirap ng buhay noon bago mo ini-enjoy ang buhay na meron ka ngayon.
At pag nanatili kang nakaapak sa lupa? Humble, mapagmahal at mapagbigay? The creator will make wonders to your life. Susurprisahin ka niya ng pinaka-maganda at walang katumbas na regalong tanging siya lang ang makapagbibigay.
Keep praying. Keep believing. God bless you mightily! 😍
Sige na, proceed to the story na. Binasa mo pa kasi ayan, napahaba tuloy. Haha ulit. 😂
YOU ARE READING
Alipin ng Dilaw na Buwan
FanfictionA dedication story of the song Buwan by JK Labajo. Ang kantang mula nang sumikat ay bumaliw at umalipin sa akin magpa-hanggang ngayon. Haha. Lakas lang maka LSS hindi ko naman naintindihan yung music video. Haha ulit.