* PROLOGUE *
Ano nga ba talaga ang tama? Ang sinasabi ng karamihan o ang payo ng magulang? Kase diba ang karamihan may point din? Lalo naman ang magulang..ano ba talaga? Kailangan ba sa lahat ng oras mga magulang ang susundin? Hindi ba pwedeng magdesisyon ka nman para sa sarili mo? Hindi ba pwedeng ikaw naman ang magpatunay sa kanila na mali sila at ikaw an tama? Hindi yung puro ikaw at desisyon mo ay mali sa mata nila?
CHAPTER ONE <3
#1 Long Time No See
(Jai's POV)
Ako nga pala si Jackie, just call me Jai for short! ^__^ I'm 17 years of age, im studying 1st year college, 2nd sem ü What im taking is BSPSYCHOLOGY.. Actually Crime ang gusto ko kaso puno na daw so dito ko sa 2nd choice ko. :)
"Oi.."
Nagulat ako sa tawag ng isang pamilyar na boses, paglingon ko mejo na'freeze pa ako sa pagkakatayo ko sa kalsada, naglalakad kase ako pauwi nun, galing ako sa singilan ng utang na loob.. Haha joke, singilan lang ng utang, walang loob. xD "o-oi.. kaw pala.." sagot ko sa kanya.
"kamusta na?"
"okay lang naman ako Mr.Terminator Tristan. :)" sabay tawa.. Nagdiretro na ko ng lakad, sumabay naman sya, narinig ko na tumawa din sya ng mahina..
"Hindi na ko terminator. Hindi na din ako member." napatingin ako sa sinabi nya..
"Bakit naman??" takang taka ako, gusto kong alamin ung dahilan kahit hindi kami ganong close.. Hmmm alisin na natin yung gano, haha xD
"Wala lang." Ay shet. Shet talaga. Akala ko pa naman kung anong importanteng dahilan eh biglang wala lang pala. Sus!
"nyek.." wala akong masabi eh.. Baka yung shet pa yung masabi ko!
After nun paki'spell ang AWKWARD.. Wala ng umimik pa ulit samin, sabay lang kaming naglalakad.. Sya si Tristan Mendoza, pinsan ng ex kong si Marvin Llanza. Everytime i saw him or one od their relatives or friends, i feel shy. Basta uncomfortable.. Awkward kasi eeeh! >_<
"Uy sige dito na ko." nagulat ako nung bigla yang nagsalita, parang bigla akong bumalik sa pagkawala ko sa present.
"Ah.. Sige.. Ingat." yun lang nasagot ko, nagulat kasi ako eh. =__=
"Kaw din. :)" He waved at me then nagdiretso na sya ng lakad.
(Tristan's POV)
Naglalakad ako ng makita ko sa di kalayuan si Jai-jai, ex ng pinsan kong biglang naglaho after nilang mag-break. Actually to be exact, i really don't know kung break na sila, pero sa dumadating na mga balita samin eh buntis na ang girlfriend nito at malapit na rin silang magpakasal. Yeah, you heard me right.. Ay mali, ating itama xD What you have read is right, may ibang girlfriend si Mervyn. Oo, ganun na nga, kabit si Jai pero hindi naman nya intensional yun. Masyado kasing bolero si Marvin kaya nagawa nyang pa-ikutin sa kagaguhan nya si Jai. One time he said that they're breaking up so they can be official as soon as possible, pero Jai didn't believe him agad kaya naman itong si Marvin sinabi na break na sila, even showing some proofs to Jai para maniwala ito, and then shoot! Naniwala nga itong si Jai, i can't blame her, i believe talagang mabulaklak ang dila ng pinsan kong yun. Bat ba di ako nagmana dun. =__= After some few days or weeks, we all believe and trust Marvin, kaya pare-pareho kaming nagulat nung magpuntang shop ang Mama ni Jai at hinahanap si Marvin..
* FLASHBACK *
"Nasan si Marvin?"
"Ay wala po sya dito eh." Sagot ko sa mama ni Jai, galit ang expression ng muka nya, nkakatakot tuloy. Wala si Marvin dun nung mga oras na yun at ewan ko kung nasan yun!
"Nasan sya?"
"Bakit?" Ngayon si papa nman ang sumagot sa mama ni Jai.
"Wala Pa, lagi nmang ganyan si ate eh, di ba te?" Pagkasabi ko nun nilapitan ko sya at medyo lumayo kami sa harap ng pinto ng shop. "Bakit po ba?"
"Yan Marvin na yan ha! Pag nakita ko yan makakatikim sakin yan! Magtago na sya!" Grabe din tong mama ni Jai, parang amazona eh!
"Ano po bang ginawa ni Marvin?"
"Pinaiyak nya si Jai-Jai! Sabi nya nkipagbreak na sya sa girlfriend nya sa cavite then nalaman laman ng anak ko na dun pala sya natulog nung isang araw! Tinext sya nung babaeng yun! Pinamuka sa anak kong pampalipas oras lang sya ni Marvin!"
Nagulat ako syempre pero nkarecover din nman agad, npahawak pa nga ako sa noo ko habang nkapikit eh. Marvin ano ka ba? Tsk Tsk. "I'm sorry to hear that ate, pag po nkita ko yun kkausapin ko po sya para ayusin tong ginawa nya."
"Ah hindi! Dun na sya! Ayokong magppakita sya ulit sa anak ko!"
"Ah sige po."
"Sige na, salamat."
"Ok po." Napailing ako pag talikod ng Mama ni Jai.. "Gago ka talaga Marvin." Nsabi ko sa sarili ko.

BINABASA MO ANG
Who Knows Best?
RomanceThis is a story about choices, between bestfriend and boyfriend, heart and mind, parents and boyfriend and between right and wrong.