"So ano nakikita mo dito sa X-ray ni patient 1" tanong sakin ng attending surgeon.
I was shaking, pero tinatry ko namang kumalma. Ang sungit kasi talaga netong si Doc Esteban. Mag o-one year na ako onting tiis nalang matatapos na rin tong internship ko. Can you believe na dati nung college pinapangarap ko maging doctor, tapos ngayon sobrang lapit ko na sa pangarap ko. Natapos ko na rin yung 4 years sa med school ko, ngayon kelangan ko pang tapusin internship ko ng one year. Nasa 11 months na ako bilang isang medical intern sa Taka no hitomi hospital, the most prestigious hospital there is.
"M-may pleural effusion siya sa right lung niya doc."
"Good." sabi nito sabay irap sakin. Napalihim akong ngumiti dahil minsan lang talaga nag co-compliment si doc sa interns tulad ko.
Pagkatapos ng ilang hours na duty sa hospital, nakakuha ako ng chance na mag breakfast sa cafeteria, actually 3:00 pm na so di na pala to breakfast.
"You heard it na ba, Anika?" sabi ni Bea sakin nakatatapos ring mag duty sa ER. Kung tutuusin ay mas stressful don'. Di ko rin alam kung anong pumasok sa utak ni Bea na mag medicine. Kasi nung college wala naman talaga siyang balak, na impluwensyahan ko daw kasi siya, actually classmate ko siya ng 4 years sa med school, and it more was fun with her.
"Yung alin?" kako
"He's back.." sabi nito. "Danger is back.."
Parang biglang nabingi ako at otomatikong kumabog yung puso ko sa aking narinig. Di ko alam, hearing that familiar name still makes my heart tingle. Always.
It's been what? 5 years already, simula nung umalis siya dito sa bansa na 'to because of family business and his dream job. We were a "thing" last time I checked. He left the Philippines and went to Japan, andon kasi yung project nila pati yung family company nila na ang balak ng lolo niya is siya na mag manage. There's a lot going on sa future niya. Ako naman, I chose to stay here in the Philippines pursuing my own dream, ang maging doctor. He became an architect, like he always wanted. I heard he was building a tower and a bridge in Japan 4 years ago, ayun yung last na balita ko sakanya pero matagal na 'yon, sobrang tagal na.
It was my fault to begin with,
Finix marriage kasi ako ni mama pagka graduate na pagka graduate namin nung college, sa anak ng boss niya without me even knowing. I was mad, really mad. Alam naman ni mama na may relasyon kami ni Danger pero bat' ganon ginawa niya. Mama was the head chef in a famous hotel here in Manila, tapos may business silang pinagkasunduan ng boss niya, matagal na kasing dream ni mama na magka sariling signatured restaurant. Sobrang mahal magpundar ng ganon, pero that's everyone's dream lalo na pag chef ka raw. And ayun, nakipag deal yung boss niya na tutulungan niya si mama in one condition , once daw na grumaduate ako, ififix marriage ako sa anak ng boss niya. Alam mo yung wala akong magawa lalo na't nakita ko sa mukha ng nanay ko na sobrang happy niya kasi unti unti nang nagagawa yung sarili niyang resto. I just wanted my mom's face to remain like that. Yung masaya lang.
Danger of course, got mad. You know him, you know paano yun magalit. I remember crying while explaining all to him, tapos umabot sa point na pinapili niya ako, kung i cacancel ko yung plan ng nanay niya na fix marriage or never ko na siya makikita kahit kelan. Ang hirap-hirap.
Sympre, I chose my mom's happiness.
Idk, parang pinagsisisihan ko nga eh. Ang dami kong what if's. Na what if si Danger pinili ko? Masaya siguro ako ngayon. Don't get me wrong masaya naman ako dahil natutupad na pangarap ko, pero kasi may kulang parin. I missed him. Pagkatapak na pagkatapak ni Danger sa Japan, he just literally disappeared. Just like that, parang bula. Wala nang paramdam, wala nang kahit ano.
It broke my heart. Umiyak ako literal, ang hirap ng pinagpipili ka. Ang hirap sobra.
Maski mga kaibigan niya dito at mga kapatid niya ay walang balita sakanya. I don't know, pero parang literal na walang paramdaman nalang siya sa lahat.
I was so sick worried, but it came clear to me because one day, I received a random email, saying na. Danger is seeing another woman.
I tried to reply to that unknown random email, pero never na siyang nag reply."Hello? Anika? Nakikinig ka ba?" sabi ni Bea at nag snap snap pa siya sa harap ko. Di ko kasi namalayang nakatulala ako. "Okay ka lang ba? Alam mo na..sa nangyari sainyo.."
"Ha, oo naman." pagsinungaling ko. Sa totoo lang di ko alam nararamdaman ko. Tuwa? Dahil makikita ko na uli siya? Lungkot? Kasi may iba na siya? Takot? Baka sa sobrang hate niya sakin, itrato na niya ako na parang stranger. Maliit lang ang circle of friends namin, parang ang labo na hindi kami magkikita.
Since anong oras na rin naman, nag shift kami ng duty place ni Bea. Ganon kasi dito. Buti nalang ka-buddy ko si Bea. So bali sa ER ako at si Bea ay sa OR naman.
Pagpunta ko sa ER at pinapasabi sakin ng nurse na pinapatawag ako ni Doc Esteban. So pumunta muna ako sa office nito.
"Doc? Pinatawag niyo raw ako?"
"Yes. May VIP tayo today sa may ER. I can't do it kasi may meeting pa ako. Kaya I'm trusting you to this one. VIP ito so pagigihan mo or else demerit."
"Okay po doc" kako, sa sobrang excite ko at pumunta ako agad sa ER kung saan yung VIP.
Nung pagbukas ko ng curtain, isang pamilyar na mukha ang bumungad saakin. Ngunit di niya ako pinansin at binaling niya yung tingin niya sa kasama niyang babae na naka upo sa bed.
"A-re you the doctor? Can you please help me? I'm in pain." sabi ng babae.
"Uhm, no. The doctor is not around today. But, I'm here to-"
"Then what are you?" sabi ng babae tapos kumunot ang noo niya
"I'm a medical intern here, and he said ako muna ang mag check sainyo. May emergency meeting lang siya."
"Nurse!" biglang inis na tumawag si Danger sa labas. Agad naman tumugon ang nurse sa tawag ni Danger.
"Yes sir, may I help you?"
"Wala bang doctor dito? Yung totoo? Damn it, my fiancé's foot is bleeding."
Biglang kumirot ang puso ko sa narinig ko.
Fiancé
Nilakasan ko ang loob ko kahit na nakakapanghina yung narinig ko.
"Kaya ko naman sir gamutin 'to." sabi ko. At inemphasize ko talaga yung sir na word. "So if kung gusto niyo pong mag stop yung bleeding ng paa ng kasama ninyo, please excuse me."
Kinuha ko yung bandages and mga disinfectant. I'm trying to keep my shit together at maging professional and not my emotions get into this. I needed this internship na matapos agad. Ang hirap ng situation ko.
Nung hahawak na ako sa paa ng kasama niya ay, bigla hinawakan ni Danger yung kamay ko para pigilan ako sa gagawin ko.
"What?" inis na sabi ko. I need to disinfect her wound and he keep interfering.
"I said I wanted a doctor!" inis na sabi niya.
"Get your fucking filthy hands off my fiancé."I don't know pero, ang sakit.
BINABASA MO ANG
Plan : How To Steal Danger
RomanceBOOK 2 of Danger is on the way Desperate measures of Anika...