Kung di lang sana kita inibig ng sobra
Puso ko sana ngayon ay hindi nagdurusa
Kung di lang sana inamin ang lihim na pagsinta
Marahil ay hindi ka na sana umiwas paNgayon tuloy ang puso ko ay sugatan
Ako ngayon ay nagiisa at naiwang luhaan
Hindi pinili sapagkat wala naman sa pinagpipilian
Lihim na pagtingin ay di na lang sana nalaman-lady_issa
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryAng isang tula, malaya man o may tugma, maikli man o mahaba ay tula pa rin na maituturing. Ito ay isang sining na karugtong ng puso ng isang manunulat. Ang librong ito ay naglalaman ng mga tulang aking isinulat. -lady_issa