Caylee's POV
Hayyy, grabeng buhay to. Nakakainip naman. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko na pupunta sa ladies room."Mga bhes, Just wait me here okay? I'll just go to the ladies room." I told them.
"Lee, diretso kana lang sa canteen after mo sa restroom. Gutom na daw kasi itong si Elly at Marge. Alam mu naman ang dalawang ito, may alaga yatang anconda sa tiyan." birit naman ni Kate.
"Kay." ^______^
Sa CR.....
Pinagmasdan ko ang aking repleksiyon sa harap ng malaking salamin. "Maganda naman ako ah." Pabulong na sabi ko sa aking sarili habang nakamasid sa salamin. Straight ang mahaba niyang buhok na hanggang sa itaas ng aking beywang ang haba, maganda ang bagsak at malambot. Medyo matangos ang kanyang ilong at maganda ang hugis ng aking mata.Umikot-ikot ako sa harap ng salamin. Sexy naman ako. Hindi man ako gifted sa aking harapan pero maganda naman ang hubog ng aking katawan. Pero bakit walang nagkakagusto sa akin?
Hehe. Parang gusto kong batukan ang aking sarili. Sa katunayan, marami din naman ang nagkakagusto sa akin. Magpapahuli ba ko sa mga kaibigan kong sandamakmak din ang manliligaw? Hah! Never.
Honestly, mayroon na talaga akong lalaking napupusuan sa ngayon. Siya yung tipong taong nagpapakabog sa dibdib ko sa tuwing ngingitian niya ako at siya yung huling taong naiisip ko bago ako matulog sa gabi tapos napapanaginipan ko pa. Tapos siya pa yung unang taong maiisip ko pagkagising ko. Aysus! Graveee! Kinikilig ako. Hehehe. Ang pangalan niya ay Lance Pierro Alvarez.
I wanted a Prince Charming who can make me swoon and make my heart beat faster whenever I stare at him. Pero ayoko namang pumasok sa isang relasyon dahil lang sa pressure o dahil gusto ko lang magkaboyfriend. Hindi ko naman hinihiling na mukhang artistahin ang mamahalin ko. Wala akong standard sa physical attributes ng isang lalaki. Basta mapapakabog niya ang dibdib ko siya na yon.
Tsaka bakit pag ba walang boyfriend pangit na agad? Diba pweding choosy lang? Hahaha. Grabe naman yun. Maya-maya narinig ko na ang tunog na patunay na gutom na ako.
"Grrruuuuuggggg......." Nyee. Gutom na ako. Makalabas na nga. Hinihintay na nila siguro ako. Kinuha ko na ang aking mga libro at lumabas na ng restroom.
"Boooggsssshhhh..., Aray ko naman! Sino ba kasi ang tatanga-tangang hindi tumitingin sa dinaraanan." Ang sakit ah! -_________-
May isang lalaking bumangga sa akin. Alam ko lalaki siya, naamoy ko kasi yung paborito kong pabango para sa mga lalaki. Pagkakuha ko sa mga libro ko ay tumayo na ako. Nakita ko nalang na paalis na yung lalaking nakabangga sa akin. Sa sobrang inis ko sa kanya, hinubad ko ang sapatos ko at inihagis sa kanya.
"Walang-hiyang lalaking yun! Ni hindi man sya nag abalang tulungan akong pulutin ang mga libro ko. Psh."
Nakita kong humarap sa akin yung lalaki kanina at nagulat ako na gwapo pala siya. Hindi lang siya gwapo, siya yung tipo ng lalaking pag-uukulan ng pansin ng maraming kababaihan. Graviiitty! Speechless ako girl. O_O
BINABASA MO ANG
When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Caylee's Heartbreak)
Roman pour AdolescentsSt. Matthew Academy Series #1 "Hindi porke't alam mong mahal kita, may karapatan ka ng gawin akong tanga." -Caylee Si Caylee isang proud NBSB. Masyado kasi siyang hopeless romantic kaya hanggang sa edad niyang iyon hindi pa siya nakakaranas magkaroo...